WYBMT 12

570 30 1
                                    

"Uy fereng tenge kese hehe" nilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Uy fereng tenge amp, arte mo, tanga!"

Kinuha ko ang towel na malapit sa akin at binato kay Yancy na nakasilip sa pinto ng kusina. Nag-make face muna siya bago umalis at dumeretso sa sala.

[Your friends are at your house, right? I'm planning to go there, pfft. Puntahan na lang kita bukas ng umaga.]

"YOU CAN GO HERE! I-i mean they don't mind if you're here." mabilis kong angal sa sinabi niya.

[Are you sure?]

"Yes yes."

[I'm on my way.]

Narinig ko ang pag-start niya ng sasakyan niya. Alam kong paalis na nga ito kaya nagpaalam na rin ako sa call. Delikado kaya ang pagdadrive habang gumagamit ng cellphone. Well, hindi naman gumagamit like naglalaro or something, basta madidistract lang siya sa pagmamaneho kapag on-call siya.

Lumabas ako sa kusina at naabutan ang dalawa na naglalaro ng ML. Naka-earphones sila pareho at tutok na tutok sa nilalaro nila. Kaya pala hindi sila nanggugulo kasi naglalaro, eh.

Tinanggal ko ang isang pares ng earphones ni Yancy. "Dadating si Vanadis."

Tumango lang siya at pinagpatuloy ang paglalaro. Ako naman ay dumeretso sa CR sa may kwarto ko para mag-half bath. Kailangan maging presentable dahil dadating si bading. Ay, bading din pala ako.

Namili kaagad ako ng susuotin at ang napili ko ay 'yong crop top and shorts. Of course, dapat seductive tayo sa eyes niya. Eme.

Tumunog ang phone ko na hudyat na may nag-text sa akin.

From: Architect Amanda
Hi, I heard that she's coming over to your house, so I just want to inform you that she hates too much clingy things.

Napangisi naman ako roon at may kagagahan na naisip.

Balak ko siyang ipagluto, pero kumain na kasi siya ng dinner kaya hindi ko mapagluto, sayang!

What if ipasuka ko sa kaniya kinain niya para mapagluto ko siya tapos para matikman niya niluto ko?

Narinig kong nag-ring ang doorbell kaya agad akong nagpabango gamit 'yong binigay niya na Blooming Bouquet at sinuot ang mga alahas na bigay niya rin.

"Ang bebe gorl kuuuuu!!" sigaw ko habang nasa hagdan dahil nakita ko siyang papasok na sa pinto.

"Oh god, here we go again." rinig ko pang sabi niya.

Nilingkis ko kaagad ang kamay ko sa braso niya pagkalapit ko. Naririnig ko ang mahihinang mura niya habang mabigat ang paghinga.

"Grabe ka naman, Syf! Papasukin mo muna 'yong tao bago mo landiin!" sabi ni Zahra na tila pinipicturan kami.

Hinila ko naman siya papasok at dumeretso kami sa kusina. Nakita ko rin na may hawak siyang paper bag.

Niyakap ko siya at sininghot. Hmm, Dahlia.

"I want to spray my perfume on you, but I can smell the Dior haha." niyakap naman niya ako pabalik at mukhang inaamoy rin niya ako. "You smell elegant, Shannon."

Lumayo ako nang kaunti sa pagkakayap ko, "Sinasabi mo ba na noong mga araw na Warm Vanilla Sugar ang pabango ko ay hindi ako amoy elegante?" tinaasan ko pa ito ng kilay.

Mukha namang na-tense siya sa sinabi ko. "It's not like that, Shannon. I uh what I mean is uh your perfume today is uh-"

"Okay okay, I'm just joking!" tumawa pa ako nang malakas.

Will you be my tomorrow?Where stories live. Discover now