WYBMT 15

609 32 22
                                    

I'm staring at my room's ceiling while forcing myself not to fall asleep. Namamaga ang mga mata ko at inaantok dahil sa pag-iyak na ginawa ko kanina.

Madaming what if's sa utak ko ngunit isa lang ang umangat na katanungan sa isip ko. What if sinabi ko kaagad kay Vana na gusto ko ng label? Magkakaroon pa ba kami ng moment kung saan naka-dress siya, sinasayaw ako at kinakantahan ako ng paborito kong kanta?

Bumuntong hininga ako at nagdabog habang nakahiga.

"NGINANG CRAVINGS KASI 'TO, LABEL NAKNAMPUTCHA!" sigaw ko bago naisipang buksan ang phone ko.

Tila may sariling utak ang kamay ko dahil kusa itong gumalaw para i-open ang Facebook app at i-search ang pangalan ni Agatha.

Having my dinner with her. I love you!❤️ — with Vanadis Vephyrin

Ah, so magkasama sila kagabi? Angas mo naman, Vephyrin. They had a dinner date at Italiannis last night. She's smiling in that photo.

Great, just freaking great. Well, ano ba naman kasing laban ko sa ex?

May Facebook pala si Vana. Mula sa account ni Agatha ay napunta ako sa account ni Vana.

2016 pa ang last post niya or baka naka-friends only ang ibang posts.

Cover photo lang ang nasa timeline niya. She's smiling widely while holding her MacBook and it's the board exam result.

14. Vephyrin, Vanadis Pascual

Number 14?! Awitism, I'm aware that this woman is freaking genius, but being the 14th place in board exam? I'm amazed.

But the amazement faded away when I stared at Agatha's post. Kanina parang iritado silang dalawa, pero ngayon mukhang ang saya saya nila.

Maybe my presence is preventing both of them from coming back in each other's arm.

Baka ako nga ang hadlang. Baka nga tama si Geraldine.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Vanadis bukas dahil bibisita ako sa site. May improvement na rin naman sa Vanry dahil walls na lang itatayo, sa loob naman 'yong tiles.

Balita ko rin na si Cassidy ang kinuhang interior designer ni Amanda. Nginang 'yan, tapos na nga sa time na 'yon ang construction ng Vanry kung saan si Vanadis ang naghahandle tapos sa interior design naman ay ang kadugo niya.

Okay, wala namang sigurong pake si Cassidy. Okay lang 'yan.

"From this day, I will officially move on from Vanadis." sambit ko bago matulog.

--
"Salamat ulit sa pagkain, Ma'am."

"Kain lang kayo, Kuya. Sabihin niyo lang ako kung may kailangan pa kayo." nginitian nila ako kaya ngumiti na rin ako.

Siguro after ng construction ay bibigyan ko silang lahat ng grocery pack na enough na sa 1 month. And sa Engineers na kasama rito ay itetreat ko na lang sila sa kung saang restaurant nila gusto. And maybe that's the last time I will be with Vanadis.

"Good evening, everyone. Siguro po ay next tapos na ang construction dito. Maraming salamat po sa pagtatrabaho rito. Ibibigay ho namin ang sahod niyo at the end of the week. P'wede na ho kayong umuwi pagkatapos niyong kumain."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tumabi sa akin si Vanadis. I can see her looking at me using my peripheral vision. I remained silent beside her, but I can still feel that she's staring at me.

"Shannon, I-"

"Next week po ay ibibigay ko ang grocery pack para sa pasasalamat sa inyo." pinutol ko ang dapat na sasabihin ni Vanadis at inannounce sa workers ang ibibigay ko.

Will you be my tomorrow?Onde histórias criam vida. Descubra agora