WYBMT 13

529 26 1
                                    

Nasa construction site ako ngayon ng Vanry. Dinalhan ko ang mga workers dito ng lunch pati na rin si Vanadis.

"Salamat po Ma'am!" pagpapasalamat ng mga trabahador sa pagkaing binigay ko.

As much as I want to cook for them, hindi ko magawa. I'm afraid that they might be food poisoned because of me. Hindi naman sa inaasahan ko or sinasadya ko, pero nasa ingredients kasi 'yon na baka contaminated ang nabili ko.

Si Vanadis na lang ang nilutuan ko. Mas okay na siguro kung isa lang ang biktima. JOKE!

"Nasaan po si Engineer Vephyrin?" tanong ko sa construction worker na nadaanan ko.

"Nasa tent po niya."

"Where's her tent?" nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

Nagkamot batok ito. "Pasensiya na, Ma'am, hindi po kasi ako nakakaintindi ng ingles."

"Ay, pasensiya na po! Ang ibig kong sabihin ay nasaan po ang tent ni Engineer?"

Tumabi siya sa akin nang kaunti. "Nakikita mo 'yong pangatlong tent, Ma'am? Diyan po tent ni Engineer. Mainit nga po ulo, eh."

Hindi ko na pinansin ang huling sinabi ni Kuya at nagdere-deretso sa tent ni Vana.

Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng sigaw mula sa tent niya.

"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU TO DO YOUR WORK PROPERLY?!"

Boses iyon ni Vanadis. Lumapit pa ako nang kaunti para marinig. Fuck, I shouldn't be eavesdropping someone's conversation, but here I am, staying outside her tent.

"Masyadong mahal po kasi 'yong materials kaya inisip ho naming baguhin."

"I DON'T CARE! THIS IS MY GIRL'S BUSINESS. IMPORTANE ’TO, BAKIT NIYO BA KASI AKO PINAPANGUNAHAN?"

Narinig ko muli ang paghingi ng tawad ng mga kausap ni Vana. Silence filled the whole tent until I saw 3 people went outside. Dalawang babae at isang lalaki, they look devastated. Para rin silang nalugi na ewan.

Tila nagmamadaling lumapit sa akin ang isang babae na may color red na buhok.

"Ang arte mo kasi sa café mo na akala mo naman sisikat." sabi niya sabay bangga sa balikat ko.

Sumunod naman sa kaniya 'yong dalawa pa niyang kasama na humingi ng sorry sa inasta niya. Ngina ng babaeng 'yon, parang kasalanan ko pa na nagpabida-bida siya sa materials.

Sumuntok ako sa hangin bago pagalit na binuksan tent ni Vanadis.

Nakita ko naman ang mabilisan niyang lingon habang nakakunot ang noo. "Who the f-"

"Sige ituloy mo 'yan nang sa 'yo ko ibunton inis ko sa babaeng 'yon." pabagsak akong umupo sa upuang nasa harap ng table niya.

"Good morning, Sha."

"Haha share mo lang." binuksan ko na 'yong lunch box at nilapag ang containers sa harapan niya.

Binuksan ko na rin 'yon para makita niya 'yong kare-kare na pinaghirapan ko, duh.

"Did you cook this?"

"Obvious ba?" umirap pa ako.

"Red tide, dangerous."

Nagpintig naman ang tenga ko sa sinabi niya kaya automatic akong tumayo para sabunutan ang buhok niya. "Red tide, red tide, ang dami mong alam!"

She looked at me weirdly and started eating the food I made. She created the "hmm" sound the moment she tasted my dish.

Oh edi nasarapan ka ngayon. Kanina bwisit na bwisit sa babaeng mukhang clown sa perya.

"Woman, relax. Kawawa 'yong lunch box sa 'yo." doon ko lang napansin na nilululot ko na pala 'yong lunch box dahil sa iniisip ko.

Will you be my tomorrow?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora