"Don't low then, Tyron. May mga bagay na kaya nilang gawin na hindi natin kaya."

"As if! Ang gusto ko lang naman sabihin, you also need to rest, Travis. Paano ka mag-aasawa kung puro ka trabaho? Paano dadami ang lahi ng mga Cordova kung ang panganay ay tigang?"

"Shut the f*ck up, Moron!"

Malakas na tumawa si Tyron na sinabayan pa ng paghampas sa mesa.

"Ilang taon ka na nga ulit walang s*x? Si Ianna pa yata ang huli eh. That was almost ten or twelve years na, right?"

Natahimik si Travis. Pero mababakas sa kanyang mga mata ang kakaiba at madilim nitong awra. Tila naging trigger ang palangang Ianna sa kanya nang banggitin iyon ni Tyron.

"Don't ever mention her name in front of me, Ty!" Mariin at may bahid ng pagkadisgusto sa boses ni Travis. "I don't wanna hear anything about her, even if it's just her f*cking name."

Ianna.

Sino ka? Bakit tila may matinding hatid ang pangalan mo kay Travis.

Hindi ko inalis kay Travis ang aking mga mata. Sinusuri kung ano ang susunod n'yang magiging reaksyon.

Ngunit, tanging walang emosyong mukha n'ya ang kanyang ipinapakita. Trying to hide the real emotion he's feeling right now, when that girl's name came up in Tyron's mouth.

Ianna.

Kung sino ka man, alam kong may malaki kang epekto kay Travis. At kung ano man ang namagitan sa inyo noon, kailangan kong malaman.

I don't know why I want to know, maybe because gusto kong malaman at makilala ng lubusan ang lalaking gusto ko.

Even though it's forbidden.

"Fine! Sorry 'bout that. I'm just teasing you. By the way, may tira naman yatang kanina mula pa kagabi, iyon na lang ang lutuin mo. Sinangag bro, sinangag. Fried rice in english. Baka naman pati iyon ay hindi mo alam."

Tinapunan ni Travis ng nanlilisik na tingin ang pinsan. "Tsk! I know that one."

"Pagkatapos iprito mo na lang ang itlog at bacon. Then magtimpla ka rin ng gatas. Narinig ko sa mga trabahador sa taniman na maganda raw sa katawan ang fresh na gatas sa umaga. Nakakalakas daw iyon ng resistansya."

Sinimulan na ni Travis ang pagdurog ng kanina sa isang bowl. Handa na rin ang bawang para sa pag-gigisa.

I thought he don't like garlic? Eh bakit—

"Damn it! Bakit kailangan pa ng bawang sa sinangag?"

"Tiisin mo na lang. Ginusto mo 'yan eh."

Or it's just I thought.

"Oh pa'no mauuna na ako sa taniman. Sumunod na lang kayo mamaya. Pero kung may iba kayong—este ikaw pala na plano, okay lang naman."

Bumakas ang nakalolokong ngisi sa labi ni Tyron bago ito tumayo.

"Umalis ka na lang bago pa kita batuhin ng bawang, gag*!"

Bakit gano'n? Bakit ang gwapo pakinggang ng boses ni Travis kapag nagmumura?

Jusko! Malala na talaga ako.

Bago pa man maglakad paalis si Tyron ay tumawa pa ito ng nakakaloko.

"Ciao!"

Bigla na lang naglaho si Tyron sa paningin ko. Gumamit ito ng kapangyarihan nang hindi nag-aalinlangan. Siguro ay dahil alam n'yang hindi nila ako kasama at hindi ko naman malalaman.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now