Chapter 20

13 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na nga ang araw kung kelan kami magtatapos ng kolehiyo.

Unti unti ko ng natatanggap ang mga nangyari, unti unti ko ng natatanggap ang kapalaran ko. Unti unti ko ng natatanggap ang katotohanang magiging isang single mom na ako.

Kahit papano nakatulong sakin yong libro. Maliban sa parents ko at sa tatlo kong totoong kaibigan, na walang tigil sa pagmomotivate sakin, nakatulong din sakin yong mga matalinghagang salita na nasa libro upang ituloy ang laban.

Ngunit aaminin ko, hindi parin ako lubos na magaling. Hindi parin ako totally healed.

Nararamdaman ko parin yung sakit at may mga araw parin na dinadalaw ako ng mga pagsisisi. Pinipilit ko lang ang sarili kong bumangon, at magpatuloy dahil wala akong choice. Tinatatagan ko lang ang loob kong salubongin ang bawat pagsikat ng araw.

Sakabila ng mga nangyari, gagraduate parin ako ngayon bilang Cum laude. Kung hindi ko sana napagdaanan ang mga unos na yon, baka higit pa sa pagiging cum laude ang makuha ko. Pero okay narin to, nabuntis man at iniwan, gagraduate parin akong nakataas noo.

Alam ko may iilang taong pinag-uusapan parin ako patalikod. Well, sinong sisisihin ko?

"Karangalan kong mabigyan ng pagkakataon upang ipakilala sa inyung lahat ang ating commencement speaker for this memorable and blissful event, ang pinakapoging Mayor sa buong Pilipinas, the one and only outstanding public servant, and valuable Mayor of Pasig City, ang nag iisang Mayor Victor Ma.Regis N. Sotto." masiglang wika ni Sir Nhoa, para sa kaalaman ng lahat lalaki lang po ang katawan ni sir Nhoa pero babae ang puso nya.

Nagsipagpalakpakan ang lahat, may ilang junior students pang tumitili. Nakangiti lang sya habang tinatanggap ang microphone

"p-parang exaggerated naman ata yung intro nyu sir Nhoa." sabi ni Mayor saka tumawa, nagtawanan naman ang lahat

"Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Sa mga magsisipagtapos, at sa mga magulang, mga guardian, Congratulations to all of you." wika ni Mayor.

Nang magsimula syang magsalita, bahagya akong yumuko, nahihiya akong tumingin sa taong inaadmire ko. Ayoko sanang makita nya ako sa ganitong sitwasyon kaya lang wala na akong magagawa. Noong unang beses na nagkita kami, depress na depress ako no'n to the point na umiyak ako sa harap nya. Ngayon, hindi ko magawang tumingin sa kanya lalo pa't malaki na ang tyan ko.

Ano nalang kayang sasabihin ni Mayor kapag nalaman nyang disgrasyada ako? haha

"---ngayon sa pagpasok nyo sa bagong kabanata ng inyung buhay, siguro magandang oportunidad ito upang tanungin ang inyung mga sarili, kung magiging leader nga ako, magiging anong klasing leader kaya ako?.

"---as you take on new responsibilities and rules of leadership, as you take your idealisms and head down from the hill, I urge you to dream audaciously and act courageously for yourself, for your family, for the communities to which you belong to, and for our country.

"---likas sa inyung henerasyon ang pagiging matapang, ano mang pagsubok ang makakasalubong ninyu, alam kong kaya nyung lumaban." he paused

Sandali syang tumahimik kaya nag angat ako ng tingin, pagtingin ko sa kanya, hindi ko inaasahang nakatingin din sya sakin. And he continued

"---thus, I also urge all of you that as you dream audaciously and act courageously, may you never forget the importance of respect, and listening to our neighbors. Sapagkat ang nasabing potensyal at teknolohiya, may kaakibat ding panganib.---

"sa paggamit natin ng social media, facebook, twitter, kung hindi tayo nag-iingat, di natin namamalayan na iistock na pala tayo sa isang eco-chamber kung saan wala na tayong nakikitang ibang perspektibo. We should alway act and speak in accordance with our values and beliefs.---

THE LAST REGRETWhere stories live. Discover now