"bakit mo ginawa yon? sana di mo nalang sila pinatulan." sabi ko sa kanya ng makalapit sya sakin

"ayoko lang pinag-uusapan ka nila."

"hindi mo naman sila kayang pigilan sa gusto nila. sinasayang mo lang ang oras mo sa mga toxic na tao." wika ko

"okay na yon, at least nalaman nilang hindi ka nag iisa sa laban mo." he said, sandali akong napatitig sa kanya

"salamat Bryan, pero wag mo nang uulitin yon. hindi ko kailangan ng awa." saad ko pagkatapos naglakad na

"Kaye, hindi ko ginawa yun dahil sa awa, gusto lang kitang protektahan." wika nya habang sinusundan ako sa paglalakad

"kaya ko ang sarili ko." saad ko

"okay fine. pero hayaan mong ihatid kita." sabi nya

"wag na Bryan, salamat nalang."

"K---" huminto ako sa paglalakad pagkatapos humarap ako sa kanya

"kaya ko nga ang sarili ko. hindi mo ba naiintindihan yon? umalis ka nalang pwede ba?" I said annoyedly. pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumaraan

"K---"

"please Bryan! wag mo nang dagdagan ang mga iniisip ko. pwede bang wag ka munang magpakita sakin? kasi lalo lang nila akong huhusgahan kapag nakita nila na magkasama tayo!" sabi ko, hindi ko na sya hinintay na magsalita tinalikuran ko na sya, sakto namang may dumaang taxi at sumakay agad ako.

I sighed deeply! as much as possible ayoko nang ma involved kahit kanino. Masyado nang komplikado ang buhay ko ngayon.


———


Pagdating ko sa bahay dumiritso agad ako sa kwarto ko. Daily routine, hihiga, pagkatapos iiyak. Hindi ko alam kung hanggang kelan titigil ang mga luha ko, basta hinahayaan ko nalang sila.

Napatigil ako sa pag-iyak ng mahagip ng mga mata ko ang libro na nasa side table ng kama ko. Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa ng luha pagkatapos I took a deep breath and sighed.

Noong isang linggo pa to binigay sakin ni ate Hazelhia pero ngayon ko palang sisimulang basahin to. Binigay nya na sakin ang librong to dahil sabi nya, mas kailangan ko raw to ngayon.




MOVING FORWARD

PARA SA MAGSISIMULANG MULI;

HINDI MAN MADALI, PERO ITO ANG PABOR MO SA'YONG SARILI. YAKAPIN MO ITONG SANDALI, LAKARIN NG MAY NGITI ANG DAANG IYONG PINILI, IWANAN ANG PANGHIHINAYANG AT MGA PAGSISISI.

Hindi palaging maganda ang ikot ng mundo.
Hindi palaging papabor sa’yo ang mga tao. Hindi mawawala ang pagpuna sa mga maling nagawa mo.

Normal lang na minsan pakiramdam mo nawawala kana't walang gana. Pero wag kang mag alala, dahil lahat ng yan ay parte lamang ng proseso na hinanda ng Diyos para sayo.

Alam kong subrang bigat ng iyong pakiramdam, na tila ba sobrang dami ng nakadagan, kung hindi mo na kaya ang bigat na iyong pinapasan, huminto ka't magpahinga pero wag na wag mong ititigil ang laban.

Kung pagod na ang puso mo't isipan,
Parati mo lang tatandaan na ang pansamantalang paghinto ay hindi kasalanan
Kailangan mo rin ng pahinga at kapag pakiramdam mo ayos na, muli mong ituloy ang laban.

Huwag kang magpakalunod sa lungkot.
Huwag mong hayaang manaig sayong puso ang takot. Lahat naman ay may katapusan.
Kailangan mo lang magpatuloy at lumaban.

Kahit mabagal piliin mong magpatuloy.⁣
Kahit pakiramdam mo mag-isa ka, piliin mong magpatuloy.⁣ Kahit nasasaktan, piliin mong magpatuloy. Dahil sa dulo, makikita mo rin ang liwanag na dulot nito.

Hindi man pumabor sa atin ang pagkakataon ngayon, bumilang man tayo ng marami pang taon, darating din ang araw at sa atin na aayon ang panahon, ang lahat ng hirap ay magkakaroon din ng tugon.




"Kaye, Kaye, gising!"

"b-bakit?" sabi ko habang nakapikit parin

"bumangon kana! hindi pwedeng nakahilata ka nalang dyan palagi." sabi nya

"gusto ko pang matulog." sabi ko habang pilit na minumulat ang mga mata ko

"tss. sige ka, hindi mo na ako makikita." wika nya

"ha?" sabi ko nang tuluyan ko nang naibuka ang mga mata ko

"kuya? nasan ka?" tawag ko sa kanya

"kuya!" nasan na ba yon, wala na sya dito sa kwarto ko

"kuya!!" sigaw ko

"kuya!!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa kaba. Hinihingal ako. Pakiramdam ko totoo yung panaginip ko.

Umaga na pala, nakatulog agad ako pagkatapos kong basahin ang unang pahina ng libro.

Yung panaginip ko. Nandito si kuya kanina. nandito sya. Alam kong binabantayan ako palagi ni kuya. Bigla kong naalala ang sinabi nya noong araw na huli kaming nagtalo.

"Kaye, mag asawa man ako o hindi, hindi matatapos tung pagiging kuya ko sayo! Kahit mamatay man ako, poprotektahan parin kita! mahal kita! at ayokong may mangyaring hindi maganda sayo dahil kapatid kita at kuya mo ako, at walang makakapagbago non."

Naramdaman ko nalang ang malaming kong mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.

He's keeping his promises.

Kaya ko siguro napapanaginipan ang librong yon dahil paraan nya yon upang e comfort ako. Ito siguro ang rason kung bakit nagkakilala sila ni ate Hazelhia.

So sa simula palang alam na ni kuya na mangyayari to. Kung nakinig lang siguro ako sa kanya noon, hindi sana magkakaganito ang buhay ko ngayon. Sana hindi ako nagpadala sa galit, Sana pinakinggan ko sya, Sana inintindi ko sya't pinaniwalaan.

THE LAST REGRETWhere stories live. Discover now