Oxford's mother welcomed us as well as her husband. Masungit lang silang tignan pero sobrang bait.

I loved this kind of family. And I was so thankful that Phoebian kept supporting me and loving me.

Gumapang ang kanyang braso sa bewang ko at pinatakan ako ng halik sa pisngi. Nasa likod ko siya at nakayakap.

"Abuela likes your macaroni salad. I hope you'd cook it again for tonight's." Suhesyon niya.

Napatigil ako dahil marami na kasing putahe ang pinaluto niya kay Manang Leonor. "Hindi ba't marami na ang mga putahe na yun. May pina-order ka pa nga eh. Tapos magdadala pa ang mama mo mamaya, alalahanin mo na baka hindi natin maubos lahat na mga pagkain na yun."

Sa gitna ng sermon ko ay ngumisi siya. "Alalahanin mo rin sweetheart na puro lalaki ang mga bisita natin. My friends are coming over. They're finally going to see you after two years. Hayaan mo nalang ako sweet, tutal, it's our night tonight, it's gonna be special for us because we're finally reunited."

Inangat niya ang kanyang braso. Iminuwestra niya na dapat kong ilambitin ang kamay ko sa kanyang braso. Humawak ako sa braso niya at binaba niya yun nang mahawakan ko na. Nilampasan na namin ang apartment building na nirentahan ko noon, ngayon ay may bagong tenant na.

Hindi na okupado ang dati kong apartment dahil may naninirahan na ito. Bago ako tuluyang umalis sa dati kong apartment ay nakilala ko yung babae. Mas matanda lang ako sa kanya ng isang taon.

"Sinabi mo yan ha. Pero magluluto lang ako ng macaroni salad kung pupunta si Lola Gracia. Pero diba ang sabi mo ay inatake ng rayuma?"

Nang mabalitaan ni Lola Gracia na nagkabalikan na kami ni Phoebian ay pilit nun na pumunta sa bahay ni Phoebian para makita ako. Labis na natuwa ang matanda nung pagkakita sakin.

Namiss ko din si Lola Gracia. Dahil ilang taon ko din siyang hindi nakita ay talagang nagbago ang kanyang itsura. Parang mas tumanda siya. Pero ganun kasi ang tao, tumatanda talaga. Kumukulubot ang balat.

"Yeah. But let's try to visit her tomorrow. Bukas ka nalang pala magluto ng macaroni salad dahil si Abuela lang ang kakain niyan, tiyak kung magluto ka mamaya ay mauubos yan. Kung hindi pa naman mga hayop—"

"Shh baka marinig ka ng mga tao." saway ko dahil nasa labas pa naman kami. Hindi pa kami nakakarating sa bahay.

"But it's true. Lalo na si Phinneas—"

Sinaway ko ulit siya. Napahinga nalang ako. Alam ko na matakaw si Phinneas. Pero kung ikukumpara ko siya sa kuya niya...

Parehong matakaw pala ang magkapatid kaya no need ng ikompara dahil pareho lang naman silang dalawa.

Agad naming tinulungan si Manang Leonor nang makauwi kami galing sa convenience store. Para kaming natraffic sa gitna ng daan. Ang dami kasing kinuwento ni Phoebian sakin at ang dami niyang tanong sakin tungkol sa bago kong trabaho.

Yun ang paraan ni Phoebian para malaman niya ng personal kung ano ang ginawa ko nitong dalawang taon na hindi ko siya kasama.

Isa na doon yung tanong niya kung natakot daw ba ako noong tumira ako sa probinsya na mag-isa lang. Inamin ko naman sa kanya na natakot ako pero kalaunan ay nasanay ako sa buhay-probinsya.

Lahat ng hindi ko nasaksihan na nagawa niya noon na wala ako ay kinuwento niya sakin at pinakita din niya sakin yung mga make-up collections niya.

May bago din siyang nilaunch na perfume. May male perfumes na siya na naging patok sa mga mamimili, karamihan na mga buyers ay mga teenagers na mga lalaki dahil bagay yung amoy sa kanila. Hindi masyadong matapang at hindi nakakasawang amuyin.

PhoebianWhere stories live. Discover now