Chapter 28

1.3K 29 7
                                    

Jake's POV

"Andriette..."

"Mahal na mahal kita, Jake," she whispered with a faint smile on her face.

"Guns down!" rinig kong sigaw ng mga kasama kong pulis.

This is not a part of my plan...

Pinalibutan ng mga pulis ang paligid at isa-isang pinadapa sa lupa ang mga tauhan ni Alena.

"Kuya! Snap out of it! Dalhin mo na 'yung asawa mo sa ospital!" bulyaw ni Trev na ikinabalik ko sa tamang wisyo.

I walked past by Alena's dead body and went towards my wife.

"Darling, are you okay? Saan masakit?" tanong ko habang tinatanggalan siya ng tali.

Ang kapatid ko naman ay tinatanggalan din ng tali ang anak ko.

"J-Jake, t-the baby is c-coming," nahihirapan niyang sabi habang nakahawak sa tiyan niya.

"Just bear a little more, okay? Dadalhin na kita sa ospital," kalmado kong sabi at nakita ko naman ang pagtango niya bago ko siya binuhat.

"Trevor, 'yung anak ko."

"I got him, don't worry," sagot niya habang buhat din ang anak ko.

Patakbo kaming pumunta sa van at kaagad din itong pinaandar ng tauhan ko tsaka kami dinala sa pinakamalapit na ospital.

Napatingin naman ako kay Andriette nang biglang humigpit ang hawak nito sa kamay ko at halos hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil sa siguro sakit na nadarama.

"Shhh, malapit na tayo," bulong ko at hinalikan ang kanyang noo tsaka hinaplos ang tiyan niya.

Baby, wait lang ha.Wag mo masyadong pahirapan si mommy. Pasensya na, late dumating si daddy ha. Pero ngayon, hindi ko na hahayaang may mangyari pa ulit sa inyo.

"Sir, nandito na po tayo," anunsiyo ng driver ko kasabay nang pagbukas ng mga tauhan ko sa sliding door.

Pagkalabas namin ng van ay kaagad din naman kaming sinalubong mga nurses na may dalang mga stretcher at dun namin binaba ang mag-ina ko tsaka kami pumasok sa loob ng ospital.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo," pagpigil sa amin ng mga nurse nang papasok na sana kami sa emergency room.

God, please, keep them safe.

...

"I still can't believe Alena shot herself," manghang sabi ni Trev habang parehas kaming nakaupo sa bench sa labas lang ng silid.

"Me neither, akala ko si Andriette 'yung babarilin niya nung kinuha niya 'yung baril. Tatakbuhin ko na sana 'yung distansiya naming dalawa pero bigla niyang tinutok sa ulo niya 'yung baril," kwento ko habang nakatingin lang sa sahig.

"It's very unsual but look on the bright side, wala na siya. Wala nang manggugulo pa ulit sa inyo."

"I don't know. Kapag nalaman ng tatay niya na patay na ang anak niya, sigurado akong siya naman ang manggugulo.

"Didn't you heard?" takang tanong niya dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Patay na rin 'yung tatay ni Alena," dagdag niya na ikinaawang ng bibig ko.

"Paano?"

"Nung gabing tumakas sila, nasundan sila ng mga pulis at ayun, nabaril nila 'yung tatay niya at natuluyan."

"Isa pa 'yon iniisip ko. How did they managed to escape?" takang tanong ko.

"Turns out, kasabwat nila 'yung tatlong pulis na naatasang magbantay sa kanila. Ayun, nakatakas sila sa tulong ng tatlong 'yon."

"And what happened to those three guards?"

"Nakakulong na 'yung dalawa samantalang 'yung isa ay pinaghahanap na." Napatango naman ako bilang sagot at muling natulala habang nakatingin sa sahig.

"Si Freya pala, kamusta na 'yon?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Ayun, uuwi na daw dito kasama 'yung baby niya."

"Eh 'yung ama?"

"Wala. Tuluyan nang tumakas 'yung g*gong 'yon," iritado niyang sabi.

Kahit nag-aaway at konti na lang ay magpatayan na ang dalawang ito ay hindi pa rin mapagkakaila na protective talaga si Trev sa bunso namin.

Bobo kasi nito eh, minahal 'yung asawa ko. Ayan tuloy, hanggang ngayon single pa rin.

...

"There's no need to worry, Mr. Jackson. Ligtas na ang mag-iina mo. Kailangan na lang magpahinga ng asawa mo para mabawi ang lakas niya and congratulations, you have beautiful and healthy little girl. As for your son, wala namang kahit anong sugat o pasa ang bata sa katawan pero may signs ng trauma so I recommend to get him a therapist," tuloy-tuloy niyang paliwanag samantalang ako naman ay puro tango ang isinasagot.

"Can I go see my wife now?" I requested.

"Of course, sir."

"Thank you so much, doc." Nakangiti kong sabi at mabilis na pinuntahan ang kwarto ng asawa't anak ko.

My wife is currently asleep on her bed and the same goes to my son on his bed.

I can't imagine my life if I lose the both of them. Thank God, they are both safe and sound.

"Kuya, nandito na sila mommy," pag-imporma sa akin ni Trev na kakapasok lang ng pintuan.

Paglingon ko sa direksiyon ng pinto ay saktong pumasok sila mommy at sa likod nila ay nakasunod si Freya dala ang anak niya.

"Mommy," tawag ko sa kanya at tsaka siya niyakap pati na rin si daddy.

"Kamusta na ang mag-iina mo?" tanong ni daddy nang humiwalay ako sa yakap nilang dalawa.

"They're finally safe. And guess what? You have a granddaughter." Nakangiti kong anunsiyo.

"Really? It's a girl?" singit ni Freya.

Nang tumango ako ay nakangisi niyang nilingon si Trevor.

"Sabi sayo eh, babawi ako sa susunod nilang baby. Pa'no 'yan?" mapang-asar niyang sabi habang may ngisi sa kanyang labi.

"I don't have cash right now," giit ni Trev at halatang labag sa loob niyang ibigay kay Freya ang kung ano man ang naging pustahan nila.

Mga 'to talaga, ginagamit pati mga anak ko.

"I accept credit card or cheque," si Freya talaga 'yung tipong ayaw sumuko pagdating sa mga pustahan eh...

"Hindi ako ganun kayaman para may dala lagi na cheke. And all my credit cards are at home," muling sagot ni Trev na ikinasimangot na ni Freya.

"Fine. But you owe me, but this time, twice. Let's call it a penalty for paying me late."

"Kapal mo ah."

"It's called business, kuya," pilyong sabi ni Freya bago ako nilapitan.

"Ikaw talaga, ang dami mong alam," suway ko dito pero nginitian niya lang ako.

Nanatili pa kami ng ilang minuto dun sa silid bago nagkayayaang pumunta sa nursery para silipin ang anak ko.

Tulog pa naman ang mag-ina ko kaya sumama na rin ako sa kanila papunta sa nursery room.

Now, here we are staring through the glass wall. Infront of us are five babies asleep on their beds and my child was on the middle.

"Kagandang bata. Manang-mana sa ina niya," komento ni mommy habang pinagmamasdan namin ang anak ko.

"Have you named her already?" tanong ni daddy na ikinalingon ko naman sa gawi niya.

"Blair Abigail Bryle Jackson."

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Where stories live. Discover now