Chapter 11

1.8K 42 7
                                    

Trevor's POV

"Mahal mo pa siya?" ang mga katagang 'yan ang sobrang nagpabaliw sa akin.

My brother, my sister-in-law's husband is here, asking me if I love his wife.

"P-patawarin mo ako, kuya. Hindi ko mapigilan ang pagmamahal ko para sa kanya. Pero pangako, hanggang tingin lang ako. Kailanman ay hindi ko siya aagawin sayo," I assured him but he just looked at me.

He then sighed and fixed his coat.

"Hindi ko inakalang iisang babae lang ang mamahalin nating dalawa, Trevor," panimula niya. "As much as I want to keep my wife away from you, I can't. I need your help," kusang umangat ang aking tingin sa kanya nang marinig ko iyon.

"Anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Mahabang kwento. Pero kasama dito si Freya kahit hindi niya alam," ano daw?

Kasali dito ang bunso namin pero hindi niya alam na kasali siya? Luh...

"Alam mong pupunta ako sa unit nila kahapon, hindi ba?" tanong niya. "But I saw you two at a restaurant, bago pa ako makarating sa condo. A little piece of voice recorder was attached to my coat yesterday and I knew that it came from Alena. I put on a show for her, naggalit-galitan ako at nagkunyaring inisip ko ay may namamagitan sa inyong dalawa ng asawa ko at ang ipinagbubuntis niya ay sa iyo. Sinadya kong ipakita kay Freya ang likod ko kung saan nakalagay ang recorder at masaya ako dahil nagawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinalabas niya na may relasyon kayo ni Andriette at hindi sa akin ang bata. That little show of ours satisfied Alena very much," he smirked at the end.

"Sandali, ibig sabihin, hindi alam ni Freya na alam mong may naka-attach na recorder sa likod mo?" tanong ko at iling lang ang sinagot niya.

G*go, ang tinik talaga ng kapatid ko!

"Okay, so what do you want me to do?" tanong ko.

"Simple. Wag mong hayaang malaman ni Andriette ang lahat ng plano ko. That means, keeping our sister's mouth shut. Lahat ng plano niya, sayo lang dapat sasabihin, hindi na kasali si Andriette. At lahat ng plano niya ay gusto kong makarating sa akin. Wag mo ring ipapaalam sa kanya ang lahat ng sinabi ko sayo."

"Simple na 'yon, kuya?" sarkastiko kong tanong pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Joke lang. Oo na, masusunod, boss. Pwede na umalis?" tanong ko at tumango lang ito kaya naman ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Oh, one more thing," pahabol niya kaya muli ko siyang nilingon.

"What is it?" tanong ko.

"Siguraduhin mo lang na lahat ng sinabi ko sayo ay isang palabas lang at hindi talagang nangyayari sa totoong buhay. I trust you with my wife, Trevor, but if you fvck this up, you're dead," pagbabanta nito na ikinalunok ko naman.

"Wag kang mag-alala, kuya. Isang kapatid na rin ang turing ko kay Andriette," pagkukumbinsi ko sa kanya tsaka siya iniwan dun.

Nang makasakay na ako sa sasakyan ko at makaalis sa coffee shop na iyon ay muli akong nakatanggap ng text galing kay kuya. Tumigil muna ako saglit sa tabi tsaka ko kinuha ang cellphone ko.

From kuya:
Siya nga pala, I'll email some documents to Freya. Make sure that Andriette will sign it without her noticing that it's an annulment paper.

Me:
Annulment papers?! Akala ko ba ay gusto mong makasama ang asawa mo? Nag-aadik ka ba?

Kuya:
Just do what I say! Those are fake documents, idiot. Wag kang umasang papakawalan ko si Andriette.

Tsk, hindi ko naman siya aagawin. T*ngina naman kasing puso 'to, pinipili pa rin 'yung taong may mahal nang iba.

...

"Saan ka galing?"

"Ay duwende!" Sigaw ko nang dahil sa gulat.

Agad naman akong hinampas sa braso ni Freya tsaka ako sinamaan ng tingin.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?!" inis kong singhal.

"Hindi ako nanggugulat. Nagtatanong lang ako," pilosopo nitong sabi.

"Tsk, si Andriette?" pag-iiba ko na lamang ng usapan.

"Kasama niya 'yung mga kaibigan niya. Umalis sila saglit," sagot nito at agad nanlaki ang aking mga mata.

"Pinabayaan mo siya?!"

"We need to talk!" pagdadahilan nito.

"About what?" tanong ko at sinara ang pinto ng unit nila.

"Si Kuya Jake. Diba pumunta siya dito kahapon. Hindi ko alam pero pinagbintangan niyang niloloko siya ni ate at 'yung bata, hindi sa kanya," pagkwento niya.

"Oh, tapos? Anong sinabi mo?" patay malista kong tanong.

"Lilinawin ko sana na mali ang iniisip niya pero si Alena, she put something behind kuya's coat. It looks like a voice recorder so I lied," pagtutuloy nito.

Buti hindi mo ginawa 'yung unang sinabi mo. Tama nga si kuya, nakikinig si Alena.

"What?!" I acted like I was surprised. "Patay ako kay kuya nito," I mumbled.

"That's not the problem, kuya! It's this!" may kung anong brown envelope ang kinuha ni Freya mula sa ilalim ng lamesita tsaka ito inabot sa akin. "May nag-abot daw niyan kanina sa receptionist. Kuya, annulment papers 'yan!"

Binuksan ko ang envelope at isa-isang nilabas ang mga papel na nandun.

Sinuri ko isa-isa ang mga ito at nahalata kong peke nga ang mga dokumentong ito.

"Ipapirma mo kay Andriette," utos ko at binalik sa kanya ang envelope.

"Ano?! Baliw ka ba?! Hindi ko ipapapirma 'yan!" tanggi ni Freya at binato pa sa sahig ang envelope. "Nasisiraan ka na ba ng bait, kuya? O sadyang gusto mong mapaghiwalay sila para makuha mo si ate?!" agad na kumulo ang dugo ko sa unang pagkakataon nang dahil sa kapatid ko.

"Walang kinalaman dito ang nararamdaman ko para kay Andriette!" pagtatanggol ko sa aking sarili. "Ito ang gusto ni Kuya Jake, Freya. Hindi ko alam ang plano niya pero kailanman ay hindi ko naisip na sirain sila ng asawa niya! Kahit mahal ko si Andriette ay nanatili akong tahimik para sa ikasasaya nila! Kaya wag na wag mo akong pagbibintangan ng mga ganyang klaseng bagay. Kilala mo ako, hindi ko ugaling manira ng relasyon ng iba!" mahaba kong sermon sa kanya at naglakad palabas ng unit.

This is the first time I yelled at my sister because I was mad. I just can't help it.

Masyado na siyang napalapit kila Andriette kaya mas kumakampi siya sa dalawa kaysa sa akin.

As her brother, it hurts to see my sister is more closer to others than to me.

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Where stories live. Discover now