Chapter 21

1.3K 33 4
                                    

Freya's POV

"Just kill her and we can be together!" she smiled like a maniac.

"No," mariing tanggi ni Jake habang nailing pa.

"Ayaw mo?" sarkastikong ngumiti si Alena at itinutok ang baril sa pamangkin ko.

Halos lahat kami ay kinabahan pero mas nabigla ako nang mabilis na kumawala si ate sa pagkakahawak namin at susugurin na sana si Alena pero agad siyang napigilan ni Kuya Jake.

"Sabi mo hindi mo papatayin ang anak ko?! One more move and you might shoot my son!" Sigaw ni habang yakap siya ni Kuya Jake sa may bewang para awatin siya sa pagsugod sa kanila.

"I never said that, Andriette. All I said was I took care of him and how could I kill him if he looks just like his father? Also, If I can't have the father, you can't have the son," she flashed an evil smile.

What an asshole...

"You bitch! Ako mismo papatay sayo kapag may nangyaring masama sa anak ko!"

"Nothing is fair in this world, Andriette."

"Fine then! Patayin mo na ako basta wag mo lang sasaktan ang anak ko!" halos malaglag na ang panga naming magkakapatid sa ginawang pagprisinta ni ate.

Ang malala ay hindi kami makalapit sa kanila dahil mga nag-aaligid na mga tauhan ni Alena. Baka isang galaw lang namim ay magkabarilan na.

"Stop saying shits, Andriette! I can get our son back without anyone getting hurt!" sermon ni kuya sa asawa niya.

True. But in what way, kuya?!

"Wala nang ibang choice, Jake! Open your eyes! Hindi lahat ay aayon sa plano mo! Your son is in danger! Wag mo nang patagalin pa!"

"Think about it, Andriette! If they kill you, paano mo makakasama ang anak natin?!" bulyaw niya.

"I'd rather die than to let our son suffer," mariin sagot ni ate.

Mother's love is truly the best.

"What do we do?" bulong ko kay Kuya Trev.

"Probably watch them than to get killed," bored niyang sabi.

Mabilis ko naman siyang binatukan sa ulo na siyang ikinadaing niya.

Seryoso akong nagtatanon dito tapos sasagutin niya ako ng pabalang, tsk!

"So, what will be the decision, Jake? Him or her?" tanong ni Alena at itinutok pa ang baril kay Gabriel at kay ate.

Damn, this girl is really insane. Well, what can I say? Love makes you go crazy.

"Ako na lang," pagsuko ni ate.

"No! Andriette, stop it!" tutol ni kuya habang mahigpit ang hawak kay ate.

"Jake---"

"Andriette, please! Makinig ka naman sa akin. Kaya ko kayong ilabas sa gulong ito nang walang nasasaktan. Just please!" I never seen him begged like this.

Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Nakakatakot ha.

"I'm waiting!" singit ng babaeng 'to sa mag-asawa.

"Just shoot me, Alena, nang matapos na ito," walang takot na sabi ni ate nang harapin niya si Alena.

"Actually, I have other plans." Ngumisi naman siya at sinenyasan ang isa sa mga tauhan niya.

Pare-parehas kaming nagtaka nang lumapit ito sa mag-asawa at bumunot ng baril mula sa kanyang bulsa.

Ang unang pumasok sa isip ko ay siya ang babaril kay ate pero kinasa niya ang baril at inabot ito kay Kuya Jake.

Oh no...

"You know what I'm trying to say, Jake. Now, try to point that gun on me, patay ang mag-ina mo," pagbabanta ni Alena at kay kuya na nakatutok ang baril niya.

"We really can't do something?!" inis kong bulong kay Kuya Trev.

"Sige, try mo gumawa ng kahit anong galaw. Tignan natin kung hindi ka kasahan ng baril," pairap niyang sagot.

Pwede bang siya na lang 'yung barilin?

"Go on, Jake. Shoot me," utos ni ate pero sunod-sunod na umiling si Kuya Jake.

"N-no! Ayoko!" patuloy niyang pagtutol.

"Oh, Jake. Do I have to make this easy for you?" tanong ni Alena. "Fine, if you don't kill her right now, magsasama ang mag-ina mo sa hukay."

"Are you fvcking kidding me?!" Sigaw ni kuya.

"He's trapped," imik ni Kuya Trev.

"Just shoot me, Jake! Para sa anak natin," biglang humina ang boses ni ate sa dulo.

"Andriette, ganun na lang ba kadali para sayo na sabihing barilin kita?" tila naiiyak nang sabi ni Kuya Jake.

"Hindi madali 'to sa akin, Jake. Pero para sa anak ko, gagawin ko ang lahat."

"Cut the drama already!" naiinis na sabi ni Alena.

"Eh kung ulo mo ang i-cut ko?" bulong ko at narinig ko naman ang pagtawa ni Kuya Trev kasabay nang pagkasa ng mga baril ng mga tauhan ni Alena na malapit lang sa amin.

Luh...

"Joke lang, 'di naman kayo mabiro," pabiro kong sabi at nginitian pa sila pero halos saksakin na nila ako sa talim ng mga titig nila.

"Do it, Jake," pagpupumilit ni ate at unti-unti na ring nababasag ang boses niya.

No. Is she serious?!

"DO IT!" Sigaw ni ate na ikinapikit naming magkakapatid.

Nang dumilat ako ay dun ko namalayan na unti-unti nang umaangat ang braso ni Kuya Jake para maitutok ang baril kay ate.

"Kuya, seryoso ka?!" Sigaw ko na nagpaagaw ng atensyon ng lahat maliban dun sa mag-asawa.

Nah, their dead serious...

"Kuya, do something!" Sigaw ko at hinampas si Kuya Trev.

Bago pa siya maka-react ay agad siyang tinutukan ng baril ng mga tauhan ni Alena. Maging ang mga pulis na nasa likod namin ay tinutukan na rin sila pabalik.

Uhm, we're in the middle just in case you forgot!

"I-I can't," nanghihinang sabi ni Kuya Jake at halata ang panginginig niya.

Unti-unting naglakad palapit si ate sa kanya hanggang sa tumama sa may tiyan niya ang dulo ng baril.

"W-what are you doing?" tanong ni kuya nang igala ni ate ang kanyang mga kamay papunta sa gatilyo ng baril.

"Mahal na mahal kita, Jake." Naluluhang bulong ni ate sa kanya.

Pinilit pang alisin ni kuya ang pagkakahawak ng asawa niya sa baril ngunit isang nakakabinging putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

Kasabay ng tunog na 'yon ang unti-unting pagbagsak ni ate sa lupa.

"Ate!!!" Sigaw ko at tatakbo na sana palapit sa kanila nang hilain ako ni Kuya Trev.

"Bitawan mo nga ako! Si ate!" Sigaw ko habang kumakawala sa bisig niya.

"Freya, kahit bwisit ka, ayokong mapahamak ka!" Sigaw ni kuya.

Hindi ako nakinig at sapilitang umalis sa bisig niya nang harangan ako ng mga tauhan ni Alena habang nakatutok ang baril nila sa akin.

"Let them," kalmadong utos ni Alena.

Agad naman silang umalis sa dadaanan ko kaya naman ay kumaripas na ako ng takbo palapit sa kanila.

I can't process everything in my mind! My brother... shot the love of his life... for their son...

Gosh, love hurts... a lot...

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Where stories live. Discover now