Chapter 20

1.4K 29 9
                                    

Andriette's POV

"Hindi ito ang anak ko," malamig kong sabi habang pinagmamasdan ang bangkay na nasa harapan ko.

Naguguluhan naman akong tinignan ng mga pulis pero hindi ko sila pinansin at muling sinuri ang bangkay.

It's not him.

"Ma'am, na-test na po namin ang DNA ng bangkay. Nagmatch po siya sa inyo ni Mr. Jackson."

"No, this is not my son!" matalim kong tinignan ang mga pulis habang tinuturo ang bangkay.

"Ma'am---"

"Kilala ko ang anak ko! Hindi siya ito!" patuloy kong pagtutol at tinignan ang asawa ko. "Jake, hindi siya ito. Hindi ito ang anak natin!"

"What makes you say that?" he asked.

Alam kong 50/50 ngayon ang nararamdaman ni Jake. May part sa kanya na hindi rin naniniwala na ito ang anak namin.

I can feel it.

"Birthmark," with just one word, he understood what I meant.

Lumapit siya dun sa bangkay at sinuri ang braso nito.

It's clean, there's no sign of birthmark.

My son has a very unique birthmark on his right arm. It's a small heart-shaped like birthmark.

Itong batang nakahilata ngayon sa harap namin, kamukha ni Gabby pero wala siyang birthmark.

"See? It's not him!" patuloy kong protesta habang si Jake naman ay unti-unting tinignan ang mga pulis.

"This is not our son. I don't care what the DNA says. This is not our baby!" he finally took my side.

"Pero, sir---"

"No! This is not my son!" tumaas na ang kanyang boses at mas nakakatakot na ang itsura ng kanyang mukha. "Sa oras na malaman kong niloloko niyo kami, humanda kayo sa akin," pagbabanta ni Jake at nakita ko naman ang paglunok ng mga ito.

...

One month, three months, seven months, one year...

Still nothing.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng nursery na para bang may natutulog pa rin sa loob.

I slowly trailed the crib with my finger while looking around the place. I smiled when I saw his favorite toy. I picked it up and hugged it until tears streamed down my cheeks.

Anak...

Naalala ko na sa tuwing umiiyak siya, walang ibang magpapatigil sa kanya kundi ang laruan niya o 'di kaya mga kanta o lullaby.

Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto mula sa likod ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa at pinagpatuloy ang pag-iyak.

"Baby," he whispered and went behind me. "Shhh," he mumbled and starts kissing my shoulder.

Hindi ako nagsalita at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa laruan ni Gabriel.

"Tahan na, mababawi na natin siya." Natigil ako sa pag-iyak at mabagal siyang nilingon hanggang sa nagtama ang aming mga mata.

He smiled at me and wiped away my tears.

"May lead na kami. Alam na namin kung nasaan ang anak natin." Nakangiti niyang sabi.

Muling nagpatakan ang mga luha mula sa mata ko at mabilis siyang niyakap habang may kumakawalang mga hikbi mula sa aking labi.

"S-sasama ako," pagprisinta ko nang humiwalay ako sa kanya.

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Where stories live. Discover now