Chapter 26

1.3K 29 4
                                    

-A Few Months Later-

Andriette's POV

"Hey, darling. Do you need anything?" tanong niya agad nang sagutin niya ang tawag.

"Pupunta lang ako saglit sa grocery store kasama si Gabby," paalam ko habang inaayos ang mga dadalhin ko.

"Bakit hindi mo na lang iutos 'yan sa mga kasambahay?"

"May ginagawa sila eh. Tsaka may gusto din akong bilhin. Don't worry, I'll be fine," I reassured him.

"Uuwi na'ko---"

"No! I will be okay, I promise!" pagpigil ko sa kanya.

I heard him sighed.

"Fine. But bring the five guards with you," mariin niyang utos.

"Five? Pwedeng dalawa lang? Ang OA naman masyado ng lima," I chuckled.

"Five guards," pagpupumilit niya.

"Two."

"Fine, four."

"Two."

"Four, and that's final."

"Three?" huling patawad ko.

"Tsk, fine," pagsuko niya na ikinangiti ko naman.

"Thank you, I love you!"

"I love you more. Mag-ingat kayo," bilin niya.

"Yes, sir!"

...

"Mommy, can I have this?" tanong ni Gabby habang tinuturo 'yung isang balot ng mansanas.

"Of course, baby." Nakangiti kong sabi at kinuha 'yon tsaka nilagay sa cart na dala ng isa sa mga kasama naming guwardiya.

Kumuha na rin ako ng iba pang mga prutas at gulay bago kami naglakad paalis sa section na iyon.

Hawak ko ang kamay ni Gabby habang naglalakad at tumitingin sa paligid samantalang ang mga guards ay nakasunod lang sa likod namin.

Ilang minuto pa ang lumipas at nang makuha ko na lahat ng mga kailangan ay nagtungo na rin kami sa cashier para makabayad at makauwi na dahil pauwi na rin si Jake sa bahay.

Mabuti na lang at konti lang ang tao sa cashier kaya nakabayad kami agad at nakabalik na sa sasakyan.

Nakasandal lang ang anak ko sa carseat niya habang ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana samantalang ang mga guwardiya ay nakaupo sa harap at likod ng sasakyan.

"Ma'am?" pagkuha ni Ronnel sa atensyon ko. Siya ang madalas magmaneho para sa akin sa tuwing naalis ako.

"Yes?" tanong ko at sinilip siya mula sa rear-view-mirror.

"May bumubuntot po sa atin," kaagad akong binundol ng kaba at lumingon sa likod.

Meron nga...

Tinted ang windshield ng kotse kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob.

"Shit," I mumbled. "Alam mo na anong dapat gawin," saad ko at lahat naman sila ay tumango.

Bahagya akong lumapit sa anak ko at maingat siyang niyakap dahil natutulog pa siya.

Medyo bumilis ang takbo ng sasakyan namin at nang lumingo ako ulit sa likod ay napansin kong bumilis din ang andar nila.

Maya-maya pa ay biglaan kaming tumigil dahilan para mapatingin ako sa harap.

Isa pang itim na kotse ang humarang sa amin at halos malaglag ang panga ko nang lumabas mula dito si Alena na may malaking ngisi sa kanyang labi.

Eventually, we were surrounded by her men, all of them were holding a gun.

"Labas!" rinig kong sigaw niya habang may hawak din siyang baril.

Shit, we're not prepared for this!

Lumabas ang tatlong guwardiya namin ng sasakyan at agad din silang tinutukan ng baril.

They tried to fought with them and ended up stealing some of their guns.

"Don't make this hard, boys. Just bring them out and I'll set you free," giit ni Alena habang nakikipagtutukan din ng baril sa kanila.

Mabilis kong hinanap ang cellphone ko habang patingin-tingin din sa labas at nanginginig na dinial ang number ni Jake.

"Hey, darling. How's---"

"Jake! Tulungan mo kami, please! Nandito si Alena. Her men surrounded us!"

"What?! Where are you?!"

"M-malapit na kami sa village, nasa kotse pa kami ni Gabby pero 'yung mga tauhan mo nasa labas."

"I'm coming. Stay on the phone."

"Bilisan mo--- ahhh!" tili ko nang makarinig ako ng putok ng baril mula sa labas.

My son started to cry as the card door opened.

"A-Alena..." nanginginig kong sabi habang tinatago sa likod ko ang aking anak.

"Long time no see, Andriette," she smiled and her eyes traveled down to my belly. "Oh, may paparating pa palang isang Jackson. Is it a girl?" she asked.

Hindi ako sumagot at kusang nabitawan ang cellphone ko dahil sa takot.

"Answer me!" Sigaw niya na ikinapikit ko.

"Y-yes."

"Oohh, a princess! That's cute," komento niya at tinutukan ako ng baril. "Baba."

Bumukas ang isa pang pinto sa likod ko at sapilitang binuhat ang anak ko mula sa carseat niya.

"Baba!" muling sigaw ni Alena.

Nakasunod lang ang tingin ko sa anak ko habang pababa ng sasakyan at parehas kaming dinala dun sa kotse nila na nakaharang sa kotse namin.


"P-please don't hurt my son," pagmamakaawa ko habang naluluhang nakatingin sa kanya.

"Calm down, Andriette. Makakasama 'yan sa pinagbubuntis mo. Besides, I won't hurt him. Parang anak ko na rin naman ang turing sa batang ito," sambit niya at hinaplos ang buhok ni Gabby.

...

"Dalhin niyo ang dalawang 'yan dun sa kwarto. Talian niyo para hindi makatakas," utos niya sa kanyang mga tauhan.

Nagsitango naman ang mga ito at hinila kami ng anak ko papasok sa isang bahay at dinala kami sa second floor.

Pagkarating namin sa pinakadulong kwarto ay agad kaming tinali ng anak ko sa may kama.

"Actually, let them be. Para naman mayakap nila ang isa't isa sa mga natitirang oras ng kanilang mga buhay," biglang sulpot ni Alena habang tinatali kami ng mga tauhan niya.

Muling tumango ang mga ito at tinanggal na ang mga tali sa kamay namin tsaka sunod-sunod na lumabas ng kwarto.

"Anak, are you okay?" nag-aalala kong tanong nang yakapin ko siya.

"What's going on?" natatakot niyang tanong habang nakayakap sa braso ko.

"Don't worry, we'll be fine. Daddy will save us, okay. Don't be scared, mommy's here," pag-alo ko dito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

I hope he find us soon...

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Where stories live. Discover now