Nagising ako ng madaling araw palang para maghanda sa trabaho. Papasok na naman sa trabaho at uuwi ng matiwasay. Bahay at trabaho lang ako palagi. Kapag may day off ako ay minsan lang akong pumupunta sa bayan para magshopping. Nakakatamad ding magshop. Kapag talaga damit ay hindi ako mahilig gumastos dahil may nasusuot pa naman ako.

Dati kapag may nakikita akong mga babae na sumusunod sa uso ay naiinggit ako. Pero ngayon na may pambili na ako at kaya ko ng gumastos ay mahirap magwaldas ng pera. Diretso banko agad. Tatanda din ako kaya kailangan ay may pera akong panggastos kapag hindi na ako makapagtrabaho pa.

Ang boring ng buhay ko, wala akong social life, nakakatamad din kasing lumabas. Nakakasalamuha ko lang ang mga kapitbahay ko kung nagjojogging ako.

Naglakad ako papunta sa opisina nang may bumabagabag sa isip ko. Paggising ko kaninang umaga ay naisip ko kung uuwi ba ako, alam ko na may naghihintay sakin pag-uwi ko. Pero kailangan ko pang mag-isip ng mabuti at hindi padalos-dalos sa desisyon ko.

Hinatid ako ni Harry pag-uwi dahil nasira bigla ang sasakyan ko. Dinala ko sa talyer para ayusin. Isang Linggo na yun dun pero hindi ko pa nakukuha dahil nakakalimutang kong dumalaw dun. Pero bukas sigurado yun na pupunta ako sa talyer para kunin na yung sasakyan ko dahil natatagalan akong makauwi.

"Salamat Harry, bukas talaga kukunin ko na yung sasakyan ko para magamit ko na."

Bumaba ako ng sasakyan niya, sinarado ko ang pinto.

"Ayos lang. Kung hindi lang ako busy ihahatid kita bukas kaya lang ay kasama ako sa pagdeliver dahil utos ni boss. Hindi ko maipapahiram 'to sayo dahil nauna kasi si Johnny na magpaalam sa akin na hihiramin niya muna itong sasakyan dahil baka bukas ay manganak ang asawa niya."

"Okay lang. Sasakay nalang ako. Oh, bye muna kailangan ko ding magpahinga."

"Sige. Kita nalang tayo sa susunod na araw."

"Okay. Ingat."

Pinaandar ni Harry ang sasakyan niya at umalis na. Tumalikod ako sa kalsada para maglakad papunta sa munting bahay nang madaanan ng tingin ko ang isang itim na kotse hindi kalayuan mula sa bahay.

"Nandyan ka na naman." bulong ko sa sarili. Tinutukoy ko ang kotse na nakaparada doon sa ilalim ng punong acacia.

Madalas ko yung makita simula noong bumalik ako dito sa probinsya. Baka may umuwi lang na taga-rito na galing sa ibang lugar, hindi magara ang kotse. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagkabigo. Ang inaasahan ko ay si Phoebian. Pero hindi yun pupunta dito. Sa uri palang ng lugar na'to ay magrereklamo na yun, tiyak na hindi yun magtatagal. Napailing nalang ako sa sarili, ang tanga ko lang dahil iniisip ko na naman siya.

Sa sobrang pagod ay nakatulugan ko nalang yun, hindi pa ako kumakain dahil inaantok ako. Nagbihis muna ako bago ako humiga.

Nagising lang ako sa mga tahol ng mga aso. Dati noong first time ko palang tumira dito ay natakot ako at hindi makatulog ng maayos dahil natatakot ako na baka may pumasok na tao. Ganun siguro ang pakiramdam kapag laking syudad ka tapos tumira ka sa probinsya na hindi mo kabisado ang lugar. Pero nasanay lang ako, at least may experience ako. Ang sarap nga dito sa probinsya kaya lang dito sa lugar sa may inuupahan ko ay ang tahimik, nakakainip din ang sobrang katahimikan.

Kumunot ang noo ko dahil mas lalong lumakas ang tahol ng mga aso. Patay ang ilaw sa loob ng bahay, may dalawang ilaw naman na bukas sa labas at may streetlights pa kaya maliwanag lahat. Hindi nakakatakot dahil kahit saan ako tumingin ay maliwanag, sa mga kapitbahay ko palang ay maliwanag narin.

Kinapa ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Alas dyes palang. Bakit hindi pa umaga? Palalim palang ang gabi. Nakaramdam ako bigla ng gutom. Bumangon ako, binuksan ko ang ilaw sa loob ng bahay. Mas lalong lumakas ang tahol ng mga aso sa labas. Mas lalo din akong nagtaka. Kinuha ko ang flashlight at kumuha din ako ng swiss knife sa lababo. Syempre hindi ako lalabas dahil baka may tao talaga sa labas, at isa pa mag-isa lang ako at hindi ko kayang makipaglaban gamit lang ang swiss knife.

PhoebianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon