Chapter 38 - The Last Fight

Start from the beginning
                                    

"Can you just leave kung puro ganyan ka lang rin naman?" Hinimas-himas ko 'yung likod ni Regina para pakalmahin sya dahil baka mamaya maging ahas 'tong babaeng 'to kawawa talaga si Era.

"Why don't you give me a chance, huh?!" Era ran towards me para sabunutan ako pero mabilis 'yung respond ni Regina at napigilan nya kaagad si Era. "Pumasok ka muna sa kwarto mo Narda!" I can't leave the cat alone naman kaya dinala ko 'yung pusa at lalagyan ng pagkain nya para dun kami sa kwarto ko.

Ano na kayang nangyayari sa baba? Baka mamaya kung ano nang gawin ni Regina dun kay Era.

Hala what if naging si Valentina sya tapos...

Tapos...

Stop stop stop!

Wag ka mag-overthink Narda, kaya ni Regina controllin sarili nya.

Teka, kaya nya ba talaga?

Oh my god, mag transform kaya ako into Darna?

Hindi, i'll trust Regina nalang. Hindi ko sya iu-underestimate.

Teka, hindi kasi talaga ako mapakali baka mamaya kung ano na nangyari dun sa dalawa.

Nakain pa rin naman si Yna kaya iiwan ko muna sya dito sa kwarto. Dahan-dahan kong binukas 'yung pinto pero sumilip muna ako bago ako lumabas. I noticed na antahimik kaya kinabahan na ako lalo.

"Regina?" Tawag ko sakanya. "Regina?" Tawag ko ulit pero walang sumasagot kaya nagmadali akong bumaba sa first floor. "Narda!" Nagulat akong lumingon sa direksyon ng nagsalita sa'kin at humawak bigla sa balikat ko. "Punyeta!" Pasigaw kong sabi sakanya.

Si Regina lang pala, halos atakihin na ako sa puso dito! "Alam mo palagi ka nalang nanggugulat, di ka ba nagsasawa?" She chuckled. "Di naman kita ginulat, tinawag lang kita. Sadyang matatakutin at magugulatin ka lang talaga." I hugged her tightly. "Oh bakit?" She hugged me back while questioning me. "Wala wala. Gusto lang kitang yakapin." I felt her smiling at me habang nakayakap kami sa isa't-isa and i know that we're both hoping na wala nang ibang pumasok o manggulo sa moment namin ngayon.

"Asan si Era?" Tanong ko para na rin sure ako na di nya kinain or tinuklaw or anything na kung ano pang pwedeng gawin ni Valentina sakanya. "Wala pinaalis ko na. I told her the marriage is off." Biglang nag form 'yung mukha ko ng smile tapos niyakap ko ulit sya ng mahigpit. "Talaga?!" I said happily.

Alam kong mali na maging masaya sa ganitong oras knowing na may nasaktan kaming tao pero...

Arranged marriage 'yun. Hindi gusto ni Regina si Era.

She nodded while smiling but then...

Her phone rang.

Nakita ko sa name nung tumatawag sakanya si sir Rex Vanguardia, 'yung tatay nya. Mukhang nagsumbong na si Era sa tatay nya.

"Regina!" Rinig kong galit na tawag ng matapobre nyang ama sakanya tapos hindi na ni-loud speaker ni Regina at sumenyas muna sya sa'kin na lalayo muna sya at hintayin ko raw sya.

I weakly nodded dahil parang alam ko na ang susunod na mangyayari nito. Feeling ko pipilitin ni sir Rex si Regina na magpakasal pa rin kay Era kahit sinabi na ni Regina face to face kay Era na ayaw na nya.

Feel ko lang naman ah, di ko naman sinasabing ayun talaga sinasabi ni sir Rex dahil baka mamaya may natitira pa syang awa kay Regina at syempre parang ito nalang rin 'yung way para magampanan nya pagiging ama nya kay Regina. Antagal rin siguro nyang absent sa pagiging ama nya. Bumalik si Regina sa'kin tapos lakad palang halatang galit na sya tapos nakakunot nanaman ang noo at kilay nya.

"We have to go." Nagulat naman ako sa sinabi nya so sinundan ko sya habang naglalakad sya papunta sa kwarto nya.

"Narda didn't you hear me? We have to go!"

Illicit AffairWhere stories live. Discover now