Chapter 22 - First Time

567 31 12
                                    

"VALENTINA."

This chapter contains mature contents and must only read by the age of 18+. Enjoy reading ;)
































HUH? ANONG SINASABI NYANG Valentina? Si Valentina naririnig at napapanaginipan nya lagi o nasa likuran ko si Valentina? Agad akong tumingin sa likuran ko just to make sure na wala sya dun para i-back attack ako pero wala akong nakita. Mukhang si Valentina nga ang napapanaginipan at naririnig nya lagi. Pero kung ganon, ano namang kailangan ni Valentina kay Regina? Hindi naman nangangailangan ng tulong si Regina, ayos naman si Regina at protektado ang bahay nila. Kahit ganon ang tatay nya hindi sya magagawang saktan physically, so ano?

"Valentina." Sambit nya ulit sa'kin. Paulit-ulit nya lang binabanggit ang pangalan ni Valentina sa buong limang minuto hanggang sa kumalma na sya.

"Ano okay ka na?" Tanong ko sakanya sa kalmado kong boses.

Tinanggal nya ang kamay nya sa pagkakayakap sa'kin at humarap at pagkatapos ay tumango sya ng mabilis.

"Ready ka na ba magkwento sa'kin?" Umiling sya. Aba pagkatapos kong maghintay ng ilang oras o minuto bago ka kumalma hindi ka magsasabi sa'kin?!

Well, hindi ko naman sya pinipilit sa utak ko na sabihin sa'kin kung anong meron sakanya at bakit ganon nalang sya umiyak at katakot kanina dahil baka mamaya private matters pero kasi si Valentina pinag-uusapan dito.

Baka mamaya saktan nya si Regina habang wala ako sa tabi ni Regina edi nasaktan pa sya? Kailangan kong protektahan lahat ng tao lalong lalo na ang pamilya ko at si Regina.

"Kahit 'yung kay Valentina lang na part?" Pagpupumilit ko pa sakanya. "Narda you don't understand, it's all about her." Oo nga pala, nasabi nya sa'kin noon na binabangungot sya nung babaeng ahas na si Valentina.

"Narda i'm so scared... Earlier, I saw Darna lying on the ground so i brought her in my house then treat her snake bite."

"Teka pano ka nga pala nakapunta dun?"

"I don't know also Narda, i just woke up lying there also. Anyways," Tinuloy nya 'yung story nya. Siguro nga talaga sya 'yung biktima nung lalaki kanina pero she seems not to know.

"Tapos Darna and I talked, she talked about the name of that babaeng ahas na si Valentina raw. Tapos something flashes into me."

"Ano 'yun?" Curious kong tanong sakanya. "I remembered about my dream earlier na i'm fighting Darna. Naging totoo nanaman."

"I think wala lang 'yun Regina kaya wag mo na i-overthink." Comfort ko pa sakanya tapos hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

"Narda be honest."

"Do i look like Valentina?" Tanong nya sa'kin kaya natawa ako. Sinabi ko na sakanya 'to dati diba?

"Sobrang ganda mo kaya Regina tapos iisipin mo ikaw 'yung Valentina na 'yun? Kaya nga babaeng ahas kasi mukha syang ahas tapos ikaw mukhang anghel." Sambit ko pa sakanya. Sana kahit manlang dito gumaan pakiramdam nya.

Ngumiti naman sya sa'kin softly at hindi pilit. Nahahalata ko rin kasi kung pilit 'yung ngiti nya kapag walang spark 'yung ngiti nya sa mga mata nya.

"I should go. It's getting late."

"No, stay." Pinigilan ko sya sa pagtayo nya tapos nagkatitigan kami for a few seconds.

Ayoko na ulit magpakain sa tension na nangyayari ngayon samin dahil ayoko nang maging awkward ulit 'yung situation namin.

Pero nararamdaman ko syang palapit nang palapit sa mukha ko at parang hinahayaan ko lang sya.

Anong parang? Hinahayaan ko talaga sya!

Illicit AffairWhere stories live. Discover now