Chapter 10 - Night Date

397 28 21
                                    

"I NOW WELCOME YOU, ERA SALVADOR."

















GUSTO KONG MAGLAHO nalang sa mga oras na 'to. Si Era? Magiging katrabaho ko? Makikita ko pagmumukha nito araw-araw? Bakit ba nagagalit ako sakanya? Wala naman syang ginawang tama. Eme. Pero ewan ko mainit dugo ko sa babaeng 'to. May na f-feel akong kakaiba sakanya about sa past siguro nila ni Regina. Hindi ko alam ang nangyari sakanila pero Regina seems uncomfy nung nakaraang araw sa "lunch meeting" raw kuno.

"Hey guys!" Unang sabi ni Era habang kumakaway sya sa mga pumapalakpak sa workers dito sakanya.

Pumunta sya kay Regina tapos nilagad nya then nag beso-beso sila.

Laki ng ngiti nyong dalawa ah.

"So Era, tell us kung anong maaambag mo rito sa company." Sambit ni Regina. "I'm one of the biggest investors here and i think that's enough. But i'll still try to be the best team manager you'll ever have."

"Thank you for that wonderful speech Ms. Salvador, you may take a seat."

"You can call me Mrs. Vanguardia." Kinindatan nya si Regina pag-upo nya tapos hinawakan nya 'yung kamay ni Regina seductively.

"Let's keep the professionalism here." Sabay tanggal nya sa pagkakahawak ni Era sa kamay nya.

Nag focus lang ako sa meeting sa buong isang oras na 'yun. Meeting lang namin about sa upcoming party this Saturday dahil magdadagdag ng branch sa Philippines at sa Korea.

"Narda you will come with me sa party in Korea." Tumango lang ako tapos nag smirk ako kay Era.

"What about me?" Tanong nya. "What about you? Team manager ka, naka assign ka lang dito sa Manila." Era groaned at gusto ko humalakhak sa tawa ngayon dahil sa inis sa mukha nya.

"I will end our meeting here and i hope everyone will prepare the needs in the upcoming party." Kinuha na ni Regina 'yung laptop nya at lumabas kaya sinundan ko na sya since assistant secretary nya ako.

"Regina wait!" Rinig naming tawag ni Era sa likod pero ako lang ang lumingon at si Regina patuloy lang sa paglalakad papasok ng elevator.

Nang pumasok na kaming dalawa ni Regina sa elevator naabutan na kami ni Era at tinulak nya ako palabas.

"What the hell Era?! Get in Narda!" Inis nyang sabi pero bago pa ako makapasok nagsarado na 'yung pinto ng elevator.

Pinindot-pindot ko 'yung isang elevator katabi nun peto antagal pa rin kaya tumakbo ako sa stairs para akyatin nalang.

Ano kayang ginagawa nila?

Nang makarating na ako sa floor namin hiningal ako ng slight dahil tinakbo ko kahit isang floor lang naman pagitan.

Pag-akyat ko nakita ko sila Era at Regina na nasa office ni Regina.

Nang makita ako ni Era binaba nya 'yung automatic na kurtina kaya hindi na ako makasilip sakanila.

Pumasok nalang rin ako ng office ko pero kahit anong pilit kong focus sa trabaho di ko talaga magawa kaya tinawagan ko nalang si Brian sa video call.

"Oh Narda napatawag ka?" Tanong nya sa'kin habang nakangiti. "Wala lang. Ano gawa mo? Chikahin mo nga ako Brian."

"Oh bakit parang binagsakan ng langit at lupa 'yang mukha mo? May nangyari ba?" Alala nyang tanong. "Wala. Oa mo naman." Inirapan ko sya tapos tumawa sya.

"Alam ko namang hindi ka magsasabi sa'kin ng problema kahit meron kaya k-kwentuhan nalang kita sa nangyayari dito sa Nueva Esperanza."

Natuwa naman ako sa mga kwento nya at tawa rin ako nang tawa sakanya dahil si aling Ruby at kuya Pancho lagi pa rin daw nagbabangayan.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now