ANG WAKAS

288 11 0
                                    

[THE END] Third Person's Pov

Nakakabinging ingay ang bumabalot sa buong sulok ng eskwelahan habang ang lahat ay papalabas ng kaniya kaniya nilang mga klase, oras na para ang lahat ng mga estudyante ay lumabas ng eskwelahan.


Masayang masaya ang lahat dahil sa wakas ay natapos ang isang buong taon, maari ng magkaruon ng bakasyon.


"Ms Crazina, uuwi ka na ba ng pilipinas? Halos lahat ay balak na magbakasyon, ikaw din ba?" Isang babae na purong pilipino ang lumapit kay Crazina nang patungo ito sa kaniyang sasakyan na nasa dulo pa. Kasamahan siya ni Crazina dito sa school, pilipino siya pero halos mas tumagal siya dito dahil narin sa ang hirap ng buhay sa pinas.


Huminto si Crazina sa paglakad para makasabay ang babae na may ngalan Rana, halos magkalapit na ang edad nila, ang babae ay ang madalas makasama ni Crazina sa pagkain dahil nagkakaintidihan sila.


"Oo, patapos narin ang kontrata ko bilang worker, sapat na rin naman yung ipon ko kaya babalik na ako, ikaw ba? Ilang taon ka ng hindi umuuwi, wala ka bang dapat na balikan sa pinas?" Ngiting tanong ni Crazina sa kaibigan pero nanahimik ito at tila nagbago ang simoy ng hangin sa paligid na napansin kaagad ni Zin. "Bakit? May problema ba?"


Ilang na tumawa si Rana kasabay ng mahinang paghampas niya sa balikat ni Zin. "Wala, seryoso mo masyado, wala na kasi akong babalikan sa pinas"


"Nandito rin ba ang pamilya mo?" Tuloy na tanong ni Zin. Huminto sila sa kanilang paglakad ng makarating sa tapat ng kanilang sasakyan na halos magkatabi lang.


"Wala, wala sila dito, ano nasa langit na sila kasama si god, tagal na rin bago ako lumuwas para matrabaho dito ay isang taon na silang wala, halos buwan lang ang pagitan nila, mahal nila isat isa na hangang kamatayan ay nagsama" May ngiti sa labi niyang kwento pero halata sa tono ng boses niya na hindi siya masaya. "Pasensya ka na, o siya dito na ako, ingat ka na lang sa pag-uwi mo, last day na yata natin magkikita ngayon"


"Hindi, dadalawin kita, ikaw lang kaibigan kong teacher dito, tapos swerte pa kasi parehas tayong pinoy" Natatawang pangako ni Zin. "Ingat?"


"Ingat"


Bago maghiwalay ang dalawa ay niyakap pa nila ang isat isa kasabay ng pagkaway ng ang kanilang sasakyan ay kailangan dumaan sa magkaibang kalsada.


"Patungo na ako sa bahay ni Elias, nasa byahe pa ako dahil kakalabas ko lang ng school" Kwento ni Zin mula sa kabilang linya ng phone. "9:37 na diyan, bakit hindi ka pa natutulog?"


Halos may pitong oras ang pagitan ng oras ng dalawang bansa, kung minsan ay pahirapan ang kanilang pag-uusap dahil sa magkaibigan time zone, madalas na si Khai ang gumagawa ng paraan dahil sa masyadong madaming ginagawa si Zin sa trabaho nito.


"Hayaan mo ang oras, kailan ka ba uuwi? Ilang buwan pa kailangan kong hintayin?" Natawa si Zin habang ang titig ay nasa kalsada hawak ang manobela.


"Malapit na" Maikling sagot ni Zin pigil pigil ang pagtawa dahil baka maasar ang kaniyang asawa. "Nasa condo ka?"


"House" Taka ang bumalot kay Zin sa sinagot ni Khai. Condo unit lang ang alam niyang meron ang asawa, may bahay ito pero hindi niya tinitirahan dahil sa malaki ang sukat para sa kaniya. "Hintayin kita"


"Uh?—" Hindi na natuloy ni Zin ang dapat na sasabihin ng biglang mag off ng phone niya. Inihinto niya muna ang sasakyan para tignan kung may problema ang phone pero sa kada pintod niya ay nag vi vibrate lang ito. "God, lobat na"


Walang nagawa si Zin kung hindi itabi na lang ang phone dahil sa wala naman na siyang choice. Hindi katagalan ay narating niya na ang bahay ng kaibigan na si Elias. Dirediretso siyang pumasok tulad ng nakasanayan, nadatnan niya si Elias duon na nanonood ng T.V habang may kinakain na pop corn.


Embracing his Trapped Where stories live. Discover now