KABANATA 028

168 7 0
                                    

028

"Goodbye Class, yung seatwork nga pala bukas niyo ipasa, kailangan nakaayos na iyan pag hawak ko na"


​Paliwanag ko sa mga estudyante ko bago ako lumabas ng classroom nila, kakabalik ko lang sa work today at sobrang nakakapagod, ang daming kong hindi naiturong lesson kaya nahuhuli kami, halos ubusin ko na ang whole time para lang makasabay na sila sa ibang student pero hindi naman pwede iyon.


Malapit na rin kasi ang exam ng mga student kaya gahul na kaming lahat. Lumabas na ako ng ng room ng ibalik nila ang paalam, diretso na ako sa next class ko sa 3rd floor, tulad lang sa kanina ay same lesson, after class ay nag-iwan nalang din ako ng homework sa kanila at dumeretso na sa faculty.


"Ma'am, nasa table muna yung cake, birthday ni Sir Rex" Salubong ni Ms Dina ng makapasok ako sa faculty. Pagtungo ko sa table ko ay may cake nga duon, chocolate flavor, agad naman akong tumikim dahil ang ganda ng itsura.


Habang kumakain ay napatingin ako sa phone ko sa may gilid ng may mag notif dito, I looked up and saw Khai's name, binitawan ko agad ang tinidor para mahawakan ang phone ko.


From: Khai Ortiz (My Husband)
"Done negotiating with Mr Chua, what about you, Love?"


I was stunned when I read Khai's last text, I don't know but I felt a tickle in my stomach because of it.


To: Khai Ortiz (My Husband)
"Love?"


From:Khai Ortiz (My Husband)
"You didn't like it? Naisipan ko lang bigla, ang cute kasi, Love sounds cute"


To: Khai Ortiz (My Husband)
"Yes, that sounds cute, Love" Ang cringe para kaming teenager sa tawagan namin na ito, maybe this is what it's like to fall in love.


Para akong Teenage na bago lang sa relasyon na ganito pero anong magagawa ko, emosyon ko na kalaban ko, wala naman akong angal, mahal ko naman yung tao na nagpapasaya sa akin.


After I finished sending the text to Khai, I received another text with his name. "What time does your class end?"


I took the paper from inside my cabinet, I saw there the order of my schedule, I have 6 classes to go to today, the class ends at 6:50 so I can leave school at 7:00 P.M.


"7:00 P.M" Maikli kong reply sa text niya. "Bakit mo natanong? May ipapabili kaba? May malapit na grocery store dito, dadaanan ko after class"


"No, I'll pick you up later, I'll be there before 7, is it okay with you?" Pagbasa ko sa Text niya na nagpaisip naman sa akin dahil hindi naman ako nag commute kanina, dala ko yung car ko, pwede ko naman iwanan iyon dito pero wala akong klase ng umaga tomorrow.


"Sure, wait kita later" Nagdalawang isip pa ako na ipasa ang text pero sa huli ay sinend ko nalang din iyon. Nakatangap naman ako agad ng balik na text mula sa kaniya at napahaba na nga ang aming usapan, hindi kona napansin ang oras.


"I'll be there before 7, I'll pick you up, okay? I love you, Love" A smile appeared on my lips.


"I love you too, Love" Pagpasa ko ng text ay akin ng pinatay ang phone ko at sakto na dumating na din sila Rose at Telih, hindi nila kasama si Yva baka siguro nag overtime nanaman iyon sa class niya, ang alam ko kasi ay nagtuturo na siya ng Dance para sa P.E subject niya sa grade five.


Pagpasok ni Rose ng faculty ay napansin ko agad ang ekspresyon ng mukha niya na problemado, tatanungin ko dapat siya pero pagupo niya sa chair niya ay inuyuko niya agad ang ulo niya kaya si Telih na lang ang aking tinanong na naupo sa harapan ng table ko, may kain kain pa itong mani na nakalagay sa garapon.


Embracing his Trapped Where stories live. Discover now