KABANATA 09

541 27 3
                                    

009

"Zin saan ka pumunta? Bigla bigla ka nalang umaalis ng walang sabi. Ako kinakabahan sayo"


Bumalik ako sa table namin na ang mata ay namumula, natagalan ako sa loob ng restroom dahil sa babae na kausap ko pero salamat narin sa tulong niya dahil nabuhos ko lahat ng iyak ko.


Pareho kaming hiwalay sa asawa ng babae na iyon, ang pinagkaiba lang ay siya mula una hangang huli ay minahal habang ako hindi pa sigurado kung minahal ba talaga ako.


"Uh, sa restroom lang ako pumunta, hindi ko naman kailangan na ipaalam pa sayo yon" Sagot ko kay Telih ng maupo ako sa tabi niya. Siya ang katabi ko bali nasa gitna siya at sa isa niya pang gilid ay si Yva na busy sa kaharap, kausap niya yung lalaking nakasuot ng black shirt, I forget his name.


"Ginawa mo dun?"


Napangiwi ako. "Seryosong tanong iyan Teli? Siguro kumain ako duon kasi nga restroom" Pilosopong sagot ko dahilan para makatangap ako ng hampas sa braso mula sa palad ni Telih. "May kinausap lang ako duon"


"Who?" Napalingon kaming sabay ni Teli sa aking harap ng marinig ang boses ni Khai at may gana pa talaga siya na magtanong.


Nagtinginan kami ng saglit ni Teli saka binalik ang tingin ko kay Khai habang si Teli naman ay tumuon na ang atensyon sa lalaking nasa gitna yung nakasuot ng white polo, Rafael Defuente ang pangalan.


"Hindi mo naman kailangan malaman iyon" Pagsusungit ko. Bulong lang iyon na kaming nasa table lang ang makakarinig pero kahit nasabi ko iyon ay walang tumingin kila Yva dahil mga busy sila sa dalawang Defuente.


"Babae o Lalaki?" Pilit niya na tanong. Kinuyukom ko ang aking kamay dahil sa inis.


"Wala kang pakialam kung sino ang kakausapin ko Mr Ortiz, maybe you should mind your own business" I said. Sumandal ako sa inuupuan ko at uminom ng drink na nasa harap ko.


"That's mine" Dahan dahan kong ibinaba sa table ang glass na inakala kong aking, napalingon din ako sa gilid ko nung maramdaman na may nakatitig at tama nga ako nakatitig ang dalawa sakin. Nakatitig silang dalawa sakin na parang sinasabi ng mata nila na ang tanga ko.


Binitawan ko ang baso na parang walang nangyari, kinuha ko nalang ang tinidor ko at kinain ang pagkain na nasa harap ko na sigurado naman na sakin dahil nasa harapan ko na talaga ito.


Hindi na ako umimik at nanahimik nalang, tinuon ko nalang ang aking buong atensyon sa kinakain ko sa buong oras hangang sa magyaya na si Yva na umuwi dahil may work pa kami tomorrow, sinukbit ko na ang bag ko at handa ng tumayo at lumakad palabas ng resto pero napatigil ako dahil sa sinabi ni Rafael.


"Teli, ihahatid na kita" Pagyaya niya sa kaibigan ko na gusto kong ibaon sa lupa dahil sa kaartihang galaw.


Teli gave him a cute smile. "Sure"


"Let's go" Nilahad ni Rafael ang kamay niya na kinuha naman ni Teli, sabay na lumakad ang dalawa palabas ng resto na wala man lang sinasabi o paalam samin.


"So Yva pwede din ba na ihatid kita" Nahihiyang pagyaya din ni Lander kay Yv na parang teenage kung kiligin sa kinauupuan niya, panay pa ang hawi ng buhok sarap sabunutan.


"Hmm sure" Mala Binibining marangal kung iabot ni Yva ang kamay niya kay Lander na kinuha naman nito.


Napatingin ako kay Lander ng may ibulong siya kay Khai, madilim ang awra ni Khai ng lingunin si Lander, sinenyasan siya ni Lander at sa huli ay may inabot si Khai sa kaniya, iyon ay car key.


Embracing his Trapped Where stories live. Discover now