KABANATA 025

269 10 0
                                    

025

"​Nabalitaan ko na nag bakasyon ka for a month, hindi mo man lang ako sinama, boring tuloy ang isang buwan ko, tambak ako ng works"


Natatawang sabi ng babae pagtapos nitong malunok ang kinakain niya. Sa table narin namin siya kumain, sasabay daw siya dahil ang lungkot daw kumain ng mag-isa, wala naman problema kasi alam ko yung ganuon pakiramdam.


Habang nakatingin sa babae ay pakiramdam ko ay mabuti siyang tao, madaldal siya, oo pero walang problema. At mukha pa siyang palakaibigan, mukha naman close sila ni Khai, hindi nga lang halata sa tingin.


"Si Khai ba nagdala sayo dito?" Nakangiting tanong ko sa babae. Hindi naman ito nabigla sa lumabas sa bibig ko, hindi tulad ni Khai na akala mo ay lalabas na ang eyeballs sa kabiglaan, nilingon ko naman siya at peke siyang binigyan ng ngiti.


"Hindi" Mabilis na sagot ni Khai, akala mo ay may power of speed ang boses. "Yes" Pagbawi ng babae sa sinagot ni Khai. "Khai, nakalimutan mo naba? Niyaya mo pa nga ako dito kasi sabi mo ayaw mo akong magutom, babad kasi ako sa work"


Ang flirty ng pagkasagot niya, nakakairita pa yung galaw ng pula niyang labi at isabay pa yung pag flip niya sa mahaba ay makulay niyang buhok. Huminga ako ng malalim at himbis na ipakita ko sa babae ang inis ko sa kaniya ay kay Khai ko pinaramdam, gamit ang suot kong high heels ay inis kong inapakan ang suot ng sapatos ni Khai.


"Ahh!" Mahinang daing niya, napayuko pa siya kaya napangiti ako. Kumukuyom ang kamay niya sabay lingon sakin na may pekeng ngiti sa labi halatang nasasaktan, lalo ko pang diniin ang aking pagaapak sa kaniyang sapatos dahilan para mapahilot siya sa sintido niya, wala siyang nilalabas na ingay, nakayuko lang siya at pilit na pinipigilan na dumaing.


"Joke" Napatigil ako sa pagapak sa sapatos ni Khai ng magsalita ulit ang babae. "Biro lang, hindi totoo na dinala ako ni Khai dito, actually, he finished eating here when I arrived, then he left me, he didn't even talk to me, ack" She pouted.


I breathed. I turned to Khai with regret on my face but he didn't feel sorry for me, he even looked away. I let go of the fork I was holding, I lowered my hand under the table then simply grabbed his finger but he was trying to let go of my grip.


"Si Rafael at Regina, anong meron sa dalawa na iyon, hindi nagkukwento ni Regina habang si Rafael naman ay laging wala sa office, close friend niyo rin ako" Pagrereklamo niya. "Saka si Reghan, akala niya makakaligtas siya sakin, arg"


Patuloy na nagkwento ang babae habang pinapakingam siya ni Khai, hindi ko pinagtuunan ng atensyon siya pilit kong kinukuha atensyon ni Khai sa pagpisil ko sa kamay niya pero ayaw niya akong bigyan atensyon, nakikita ko na ngumiti siya dahil pilit ko talagang pinaghahawak ang kamay namin.


"Ayaw mo? Edi huwag" Bulong ko. Bumitaw na ako sa paghawak sa kamay niya pero bigla niya iyong hinawakan sabay pasok sa poket niya sa suot niyang blazer dahil duon ay napangiti ako, parang gustong lumabas ng puso ko sa bilis ng pintig nito.


"Plano ko bilhin yung bahay sa harapan ng bahay ni Reghan, gusto ko inis— Kayong dalawa, alam ko na mag-asawa kayo pero konting respeto naman sa akin, tatlo tayo sa table" Suway niya ng mahuli kami ni Khai. "Fine, maglambingan na kayo, aalis na ako, kayo na magbayad ng order ko, bye"


Sinukbit niya na ang bag niya saka lumakad paalis sa table pero bago siya lumabas ay nagpakilala pa ito sakin. "Red, your husband's best friend"


"Gusto mo ba umorder?" Bumalik ang tingin ko kay Khai sa aking tabi ng magsalita ito. Tumingin ako sa plate sa harap ko, itsura pa lang masarap na pero kaunti lang nakain ko, hindi naman ako umorder nito. Si Red, siya ang umorder para sa amin tatlo. "Hindi mo yata nagustuhan, saglit, hihingin ko lang yung menu"


Embracing his Trapped Where stories live. Discover now