KABANATA 029

152 11 1
                                    

029

"Ayan na sila Mommy"


Pagbukas pa lang ng glass door ni Khai patuon sa back yard ay naririnig ko na ang malakas na mga kwentuhan at tawanan ng mga kamag-anak niya na lalong nagpakaba sa akin, ito ang unang beses na makikilala ko silang lahat, hindi ko akalain na ganito pala pakiramdam, nakakasakit ng tyan.


Pagbukas ng glass door ay sinalubong kami ni Khai ng parents niya at mga pamangkin niya na ang liliit at iingay. yumakap ng mahigpit sa akin sila Mama at Papa na may ngiti sa kanilang mga labi akala ko ay ganuon din ang gagawin nilang pagsalubong kay Khai pero parang hindi nila nakita ang sarili nilang anak.


"Apo!" Napatigil ako sa paghamlos ng buhok ng isa sa pamangkin ni Khai ng marinig ko ang isang boses ng lalaki, tumingala ako at nakita ko ang isang matandang lalaki na tuwang tuwa na kumakaway kay Khai.


"Love" Tawag ni Khai sa akin, tumango naman ako at nagpaalam na muna sa bata, hinawakan niya ang aking kamay at sabay tumungo na tumungo table kung saan nanduon ang matandang lalaki na hinihintay sa paglapit ni Khai.


"Kanina pa kita hinihintay" Mahigpit niyang niyakap ang apo. "Bakit ngayon ka lang? Oh sino itong kasama mo? Ikaw Girlfriend mo ba itong binibini sa tabi mo?"


Ilang akong napangiti, hindi niya ba alam kung anong relasyon ko sa apo niya? Hindi lang siguro sa akin ma sekreto itong si Khai pati sa Lolo niya dahil mismo ito ay hindi alam na ang apo niya ay kasal na sa babaeng kaharap niya ngayon.


"Lolo, mukhang may itinago sayo paborito mong apo" Natatawang sabi ng lalaki na nasa dulo ng table.


"Grabe naman sekreto mo, Cauis" Gatong ng isa pang lalaki na nakasuot ng sweatshirt na kulay brown. Tinitigan ko ito at agad niya naman akong nginitian kaya napaiwas ako ng tingin.


"Shut up, Maru, Harvey" Muling bumalik ang aking tingin sa kinaruruonan ng dalawang lalaki dahil duon nang-galing ang boses ng babae.


"Sekreto? Caius, may tinatago ka ba sa akin? Ano iyan, sabihin mo" Utos niya. "Anong relasyon mo sa kaniya" Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Khai dahil sa takot sa Lolo niya. "I don't like liars Caius Khai Ortiz"


Binitawan ni Khai ang kamay ko kaya nagulat ako pero inilipat niya lang iyon sa bewang ko, humapit ang braso niya sa aking bewang at napansin naman iyon ng Lolo niya dahil sinundan niya iyong ng tingin sabay tingin muli sa akin. "Lolo, this is Crazina, my wife, we have been married for three years"


Nabalot ng gulat ang mukha ng Lolo ni Khai dahil sa narinig, kinakabahan ako dahil matanda na ito at baka kung anong mangyari sa health niya pero ilang segundo lang ay napabuntong hininga siya.


"Pano mo nagawang hindi ako imbitahan sa kasal mo? Lahat sila alam na may asawa ka tapos ako na nakakataas sa pamilya na ito, wala kaalam alam?" Ang tumatawang magpipinsan ni Khai sa gilid ay napatigil dahil sa malakas na sigaw ng Lolo nila. "Ikaw"


Nagulat ako ng mapansin niya ako kaya agad ako na umayos ng tayo. "Po?"


"Don't scare my wife" Ani Khai. "Hindi kita inimbitahan dahil nasa ibang bansa ka, ang hirap kaya magpadala ng imbitasyon, duon ka pa kasi tumira"


Mukhang nagulat ang Lolo ni Khai sa sinagot niya, badya na hahampasin siya nito. "Ikaw na bata ka"


"Ayhh, tumigil na nga kayo" Isang babae ang nagsalita kaya napalingon ako sa kaniya. Ang amo ng mukha niya, ang simple simple niya saka ang ganda ng tunog ng boses niya. "Caius, humingi ka ng tawad sa Lolo mo at Daddy naman huwag ka naman sumigaw, Hija maupo ka na"


Embracing his Trapped Where stories live. Discover now