"KERIDA"- Chapter 30

7.1K 69 11
                                    

(GRAND FINALE)

Sunod-sunod na putok ang sinalubong ng mga tauhan ni Rod. Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari. Subalit nakabawi din agad, at pakubling tinungo ang kanyang sasakyan. Sumakay siya doon, at pinasibad din 'yun. Iniwan na nya ang mga tauhan nya. Ang mahalaga makaligtas siya. Natanaw pa nya kung sino ang sumabotahe sa kanila. Si Don Manuel iyon. Nakilala niya ang sasakyan nito at mga tauhan. Ito ang may galit sa kanya, dahil inonse nya 'to sa isang kasunduan, na nagpalugi dito ng bilyong salapi.

Kailangan na nyang makalayo. Makatakas. Hindi sya nito sasantuhin ngayon.

Sa kabilang banda nakalayo na ng tuluyan si Al. Kasama si Carol. Pero hindi nya inaasahan na makakalagan nito ang sarili. Nagulat siya ng agawin nito sa kanya ang manibela, sanhi para masira ang konsentrasyon nya sa pagmamaneho.

"Carol, bitiwan mo! Ano ba!", asik niya sa asawa.

"hindi, Alfonso! Isasama kitang mamatay! Pareho tayong magsasama hanggang sa hukay!", sigaw din ni Carol dito na ayaw magpatalo.

"Ano ba? Magbago kana Carol! Isipin mo ang sitwasyon ko, kapag namatay ako! Babae ka, at alam mo kung ano mararamdaman ni Devi. Mahal namin ang isa't-isa! Palayain mo na ako. Maawa ka sa magiging anak namin, Carol!", si Al muli. Kinukuha nito ang simpatya ng asawa. 

"Maawa?! Nagpapatawa ka Alfonso! S'kin ka lang! S'kin ka lang! Hindi ka mapupunta sa kanya!", si Carol na ayaw pa rin magpatalo. Patuloy sila sa pag-aagawan sa manibela, nang ilang putok ng baril ang tumama sa likurang salamin ng sasakyan. 

Napatigil si Carol. Nadaplisan ito sa balikat ng bala. Tiningnan niya kung sino ang may gawa nu'n, at nakita nya si Rod na nakasunod sa kanila. Galit na galit ito, at hawak ang baril.

Si Al naman ay nagkaroon ng pagkakataon. Tinabig nya si Carol, para umalis ang pagkakahawak sa manibel nito, na nangyari naman. Dahil ininda nito ang daplis na sugat sa kanyang balikat.

Kahit hirap si Carol ay nagawa nito na dumungaw sa bintana at kawayan si Rod.

Lalo namang pinabilis ni Rod ang pagmamaneho. Naunahan na nya ang kotseng dala ni Al, at sabay na hinarangan sa harapan ito. Malakas na napa-preno si Al. Mahigpit nyang hinawakan ang baril na dala niya kanina. Hindi na sya nag-aksaya pang bihagin ang asawa. Malayo kase ito, at mahihirapan sa lagay ngayon, dahil sa daplis na sugat sa balikat. At isa pa naroon na rin si Rod sa tapat ng pinto ng kotse. Nakatutok ang baril nito sa kanya. 

"buksan mo!", utos nito, pagkalapit pa lang.

"Rod, 'wag!", sigaw naman ni Carol.

Walang nagawa si Al kundi ang sumunod.

"Baba! Akina 'yang baril mo!", ani Rod pa muli.

Si Carol naman ay sumunod ding lumabas kahit hirap sa kalagayan, ay nagpilit ito. Ume-echo sa pandinig nya ang huling sinabi ni Al sa kanya. Ngayo'y unti-unti na nyang nare-realized sa lahat ng nangyari, simula umpisa. 

"Caro, babae ka, at alam mo mararamdaman ni Devi, kapag namatay ako. Magkaka-anak na kami...

Mahal namin ang isa't-isa...

Palayain mo na ako!", iyon ang mga katagang tumatak sa puso ni Carol. Kasabay ng pag-baril ni Rod kay Al. Subalit bago pa mahuli ay tumakbo si Carol sa harapan ni Al, at ito mismo ang tumanggap ng bala na dapat ay kay Al.

Nabigla ang dalawang lalaki sa nangyari. Lalo na si Rod, na mahal na mahal si Carol, kaya nagawa nya 'yun.

"Patawad, Al! Pinapalaya na kita....

Kung ito ang kabayaran ng lahat ng pagkakasala ko sa'yo, maluwag kong tatanggapin...

Maging masaya ka sana sa k-kanya!", tigmak sa luha at dugo na wika ni Carol. Nakakandong ito sa bisig ni Al. Inalalayan ang pagbagsak. Nagsisimula nang kumalat ang dugo galing sa natamaan nitong dibdib. Wala na ding lakas pa si Rod para tumakas. Wala nang silbi ang lahat sa kanya.

"Carol, pinapatawad na kita! 'wag kang bumitaw, please. Dadalhin kita sa ospital!", sigaw ni Al dito.

Ngunit umiling lang ito, at ngumiti. Bumaling din ng tingin kay Rod. Sabay sumuka ng dugo ito.

"P-Paalam!", huli nitong nasabi. Kasabay ng pag-pikit ng mga mata nito, at pag-hugot ng malalim na hininga..

Nawalan na ito ng buhay.

"Caroooool!!! Hu hu hu hu!", naisigaw ni Rod. Inagaw nya ito kay Al, at pilit na ginigising. Luhaan na din ito dahil sa pagka matay ng pinakamamahal nyang babae.

"Rod, wala na sya!!", ani Al sa lalaki.

"Hindi! Hindi ako mabubuhay ng wala sya! Huhuhu!", si Rod. Mahigpit nito niyayakap ang wala ng buhay na katawan ni Carol.

Nang sirena ng patrol car sa di kalayuan ang maririnig.

Nataranta si Rod dito. Hindi siya pwede makulong. Ayaw nya. Pero pa'nu ang mahal nya kung tatakas siya?

Habang papalapit ang sirena ng mga mobile patrol ay mabilisang kinuha ni Rod ang baril. Hindi 'yun napansin ni Al na nakatalikod dito.

Isa putok pa ng baril ang umalingawngaw. Bumagsak ang wala nang buhay na katawan ni Rod. Nagbaril din ito ng sarili. Katabi nito si Carol sa kinabagsakan. Nagulat si Al sa biglang ginawa nito. Subalit huli na rin para pigilan nya. Dumating ang mga pulis, kasama ang tito David ni Carol. Naaawa ito sa sinapit ng pamangkin, pero mas okey na 'yun. Para matahimik na ang lahat. Hindi na din naman nya mapigilan ang pamangkin sa masamang ginagawa nito. 

Nakaramdam rin si Al ng lungkot sa pagkamatay ni Carol. Kahit pa ano ang nangyari'y minahal naman nya ito. Atleast sa huling sandali'y itinama nito ang lahat at humingi ng kapatawaran sa kanya. Kay Rod, nanghihinayang naman sya sa lalaki. Minahal nga nito ang kanyang asawa, dahil nagawa nitong sundan ito, hanggang kamatayan.

***

Three months later...

Payapang naisilang ni Devi ang anak nila ni Al. Katunayan magdadalawang buwan na nga ito. Habang hinihintay nila ang pagkaka-walang bisa ng kasal nito at ni Carol ay sinusulit nila ang bawat araw. Isang malusog na babae ang kanyang isinilang. Sa kahilingan na rin ni Al kay Devi ay Carol ang kanilang ipapangalan dito kapag nabinyagan. Isasabay na sa kanilang kasal na itinakda sa susunod na buwan.

Napatawad na din ni Devi si Carol sa kasalanan nitong nagawa sa kanya, para na din kay Al, na sobrang minahal niya, ay wala siyang hindi uunawain.

Tahimik na sila ngayong namumuhay, at napakaraming pangarap sa darating na panahon. Basta't tiwala lang sa isa't-isa ang kanilang pinanghahawakan ay wala silang pagsubok na hindi malalagpasan.

***WAKAS***

Lesson:

Ang pag-ibig kung minsa'y pinagmumulan ng sigalot. Kapahamakan. Pagkakagulo. Pero ito rin ang syang magbabalik sa kapayapaan, at katahimikan. Kailangan lang natin ng tiwala sa sarili. 

Pagpa-paraya na kahit masakit ay gagawin mo, dahil mahal mo ito, at iyon ang tama.

Sa kwento, naging masama si Carol dahil na din sa pagmamahal nya kay Alfonso, ngunit hindi naging sapat na mahal nya lang ito. ..

Dahil ang pagmamahal ay nilalakipan ng gawa, at pag-sisikap na pagsilbihan ang taong mahal mo na hindi ginawa ni Carol dahil narahuyo siya sa gusto ng kanyang katawan. At hindi na nya namalayan na napalayo na si Al sa kanya. Pero ang importante, naituwid nya ito sa huli. Kahit pa marami ang taong nadamay.


Ang pag-ibig ay hindi lang sa puso pina-iiral. Kailangan mo rin ito lakipan ng iyong isipan, para magamit mo ito sa tama, at hindi sa kasamaan.

***

a/n

Love lots...

Ms.0zzie...

Sana po'y nagustuhan nyo ang wakas nito. Thanks!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KERIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon