"KERIDA''- Chapter 21

4.7K 47 2
                                    

"O, God! Ano nangyari sa'yo Devi?! Hija! Gumising ka!", nausal ng tito David ni Carol pagka-salo sa katawan ng dalaga. Tinapik-tapik pa niya ito sa pisnge. Subalit hindi rin ito nagising.

Madahan niya ito inihiga muna sa sahig, bago lumabas ng opisina para humingi ng tulong. Mabuti nalang at napadaan sa floor nila ang company doktor, kaya natawag niya ito agad.

Ilang sandali pa'y nasa clinic na si Devi. Sinusuri ito kung bakit biglang nawalan ng malay. Pagkalabas ng doktor sa mini Clinic na nandoo'y sinalubong ito ni David.

"Dok, kamusta ang kanyang kundisyon?!", tanong agad ni David paglapit palang niya dito.

Sumenyas naman ito na maupo muna. At pumunta rin ito sa swivel chair nito na naroon.

"Mild sign lang 'yun ng kanyang pagdadalan-tao. Kailangan niya ng tamang pahinga, at mga vitamins. Almost three months old na ang baby. Pero pwede pa rin naman siya mag-trabaho kung gugustuhin niya? Okey naman ang lagay ng bata.", sagot naman nito.

"Ganu'n ho, ba? Salamat ho! Hayaan nyo pag nagkamalay, sasabihan ko. Marami rin kaseng trabaho kami lately, kaya siguro 'di na niya nakayanan.

Pa'nu Dok, lalabas muna ako. May appointment pa kase ako ng alas dos ng hapon. Balik nalang po ako agad!", ani David naman dito. Wala ito alam na ang asawa ng pamangkin nyang si Carol ang ama ng pinagbubuntis ni Devi.

Umayon nalang ang doktor sa kanyang sinabi. May mga nurse naman na pwede mag asikaso muna kay Devi, kapag nagising ito.

**

Sa Bagiuo naman kung nasaan ang mag-asawang Carol at Al ay panay ang iwas, at todo timpi ng galit ang huli. Pero wala 'atang epekto 'yun kay Carol, pagkat patuloy lang ito sa pagiging swit sa kanya.

"Sweety, aah, uhm! Humihilab ang tiyan ko! Huhuhu!", pag-aakting na paawa nito sa asawa. Naka-make din ito nang maputlang aura sa mukha. Maging sa labi ay naka lipstick ng maputla, para mag-hitsura talaga siyang may sakit.

"Wag mo na kase pilitin maglakad!", malamig namang tugon ni Al dito.

"Eh, dito ka lang kase sa tabi ko!", lambing naman nito. Tinig na nagtatampo. Nasa kwarto sila, at nakahiga nalang si Carol sa kama. 

"Lalabas lang ako, at may kukunin!"

"Mmmmhm, tapos, 'di kana babalik d'yan? Huh!'', nakanguso nang sagot muli ni Carol.

"Ang laki mo na, ah?! Pag-pahingahin mo naman ako! And'yan ang Nurse, tawagin mo lang kung may kailangan ka! Matutulog lang ako sa guest room.", huling sagot na ni Al sa asawa, at lumabas na nga ito. Subalit nagulat siya sa maraming tao sa labas ng kwarto nila. Naroon ang kaibigan ni Carol na si Fatima. Taga media ito, at nangunguna sa mga chicka.

Dinumog na si Al ng maraming mga tanung. Napabalik siya sa kwarto, pero nagsisunuran naman ang mga ito. Doon na na-corner si Al. Wala siyang choice kundi umupo sa gilid ng kama ng asawa. Napangisi naman ng lihim si Carol. At kinindatan ang kaibigan. Kinunan sila ng video at camera. Lahat sinagot ni Carol ang mga tanung, at feeling na feeling talaga itong buntis, at may malalang sakit.

Nang bumaling naman kay Al ang mga nag-iinteriew ay agad tinanung ng mga ito kung kamusta ang kanilang sitwasyon bilang mag asawa.

Pinandilatan ni Carol si Al, at pinisil ng pasimple ang hita. Nakayapos si Carol sa kanyang likod, at nakapatong ang chin nito sa kanyang balikat.

Walang nagawa si Al kundi sagutin ng mga positibo ang mga tanung na ibinabato sa kanya. Kahit na kabaliktaran iyon sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. Naging sweet at modelo sila ng isang mag asawa, 'wag lang masira ang reputasyon na iniingatan.

Pagka-alis ng mga taga media'y sabay na nilayasan din ni Al si Carol. Lumipat siya sa guess room na kanyang ginagamit. Pinalabas naman ni Carol ang nurse na nagbabantay sa kanya, at pina lock ang pinto.

Nang mapag isa'y walang kahirap-hirap na tumayo siya sa kama, at tinungo ang closet. Binuksan nya ito, sabay yakap agad sa kanya ng Doktor na kaulayaw niya. Naroon lang ito, at hindi umalis, kaninang kunwaring nagpaalam.

Nakipag-halikan agad si Carol dito. Tinanggal ang postetic na tiyang malaki.

Nahantad ang kanyang katawan. Dahil naka-roba lang talaga siya'y madali na lang na nakapag-alis siya ng damit. Ang Doktor nama'y hubad na talaga. Naghintay lang ito ng tamang oras, para umarangkada na naman ng ayuda. Sabik naman si Carol dito. Pagkat mula simula'y ni hindi nya nakuhang gamitin siya ng asawa. Laging umiiwas ito sa kanya.

Itutuloy...

Hanggang kailan kaya maitatago ni Carol ang panlolokong ginagawa niya sa asawa?

At ano kayang maging reaksyon ni Devi kapag nalamang buntis siya?

Abangan....

KERIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon