"KERIDA"-Chapter 1

23.4K 139 4
                                    

Devi Latrona Matias o mas kilala sa nick name niyang Vy was belong to a middle type of family.

Isang simple, at payak na pamumuhay ang kanyang kinamulatan kasama ang pamilya.

May sariling negosyo sila na panaderya. Ito ang nagsilbing bread and butter nila.

Nakatapos silang magkapatid sa pamamagitan nito.

Sa edad na bente anyos ay sanay na siyang magtrabaho, at tumulong sa negosyo nila.

"Vy! Gising na d'yan. Dumadagsa na ang mga mamimili ng pandesal!", ani nanay niya na si Aling Panyang.

"Huh, anung oras pa lang naman 'Nay!", sagot niya na nakapikit pa at nag-iinin sa higaan.

"Ala-sais na anak, halika na, nang maaga tayo maka-ubos."

"Sige po inay, sunod na ako!", sagot niya dito, sabay bumangon na nga sa higaan.

Kinuha ang twalya, at nagtungo sa banyo nila.

Gano'n ang reoutine ng buhay niya araw-araw.

Dalawang taon na siyang gradute, pero wala pa rin siyang maapplyan na matinong trabaho.

Malaking bulas ito, at hindi mo aakalain na twenty years old palang.

Natural na medyo kulot ang buhok sa dulo. White complexion na minana sa mga magulang. Chinitang mga mata na may dating kung titingnan.

Natural din na malalantik ang pilik-mata nito.

At labi na kay pupula kahit walang lipstick. Parang nag-aakit ito na halikan, at namnamin ang katamisan ng unang halik nito.

At the age of twenty, wala pa siyang nagiging boyfriend.

Pa'no naman kase, hinihintay niya ang kanyang pirince charming na tutupad nang kanyang mga pangarap.

Wala siyang matipuhan sa mga nanliligaw sa kanya.

Nadadala siya sa kanyang mga binabasang pocketbook.

Nagtutumining sa isipan niya, at batang puso na gano'n lang kasimple ang buhay.

"Vy, sama ka? Mag-apply ako ngayon?", ani ng kaibigan niya na si Cherry. Che ang palayaw nito, kung si Devi ang tatawag ng pangalan niya.

Kababata, at bestfriend niya ito sa lugar nila.

Sa hitsura hindi din ito pahuhuli sa kanya, ang height lang nito ang nagkaproblema.

Flat five lang kase ito.

"Saan naman? Ano aaplyan?",sagot ni Vy dito.

Naroon sila sa isang sulok ng bahay nila, at may mga ibinabalot na tinapay sa plastik.

"Sa Makati. Hiring sila ng mga secretarial position ngayon. Maraming kukuning aplikante. Malay mo mapasama tayo?"

"Secretarial? Anung alam ko do'n? Management kaya ako!"

"Loka. Syempre may training naman iyon. And beside, hindi na uso ngayon, na kung ano ang kinuha mo na course, 'yun din ang aaplyan mo...

Ang importante ngayon ay graduate ka ng four years na course.", mahabang paliwanag nito sa kaibigan, habang derecho lang sa ginagawa.

Mataman muna itong nag-isip...

Nanahimik ng ilang minuto, sabay sinagot ang kaibigan.

"Sige gora ako! Pero ano susuotin sa pag-apply?",wika niya dito.

"Pormal dress syempre. Parang bago ka nang bago naman. Katulad ng mga isinusuot natin dati pa.",ani Che.

"Okey, sige. Anong oras tayo lalakad?", aniya.

"Ten o'clock, kaya itigil mo na ito, at maligo kana. Uuwi na rin ako para makagayak...

Daananan nalang kita dito.

Eleven nang umaga ang start ng Job Fair dun, kaya abot pa tayo.

Yung mga requirement mo na available dalhin mo na rin, ha?",anito at tumayo na ito sa pagkakaupo. Nagpagpag ng damit, saka umunat pa.

"O, panu. Galaw na Vy, baka ma-late tayo."

"Oo na, tapusin ko lang itong natira na mga plastic. Madali lang ako.

Sige na, uwi ka na din para maka-ready ka.", pagtataboy niya sa kaibigan.

Sumang-ayon na ito, at tumalikod na sa kanya.

Kumuha pa ito ng ilang piraso ng tinapay na binabalot niya bago tuluyang umalis.

Napapailing na lang siya dito.

Malamang tinamad na naman itong mag-almusal sa kanila, sa isip niya.

Saglit pa'y tapos na niya ang mga plastic.

Inayos na muna niya iyon ng salansan sa kanilang bakanteng stante na salamin. Para kahit pa'nu makikita agad ito ng mamimili nila.

At saka naghanda na rin para sa lakad nila ng kaibigan.

...

Ten thirty sharp nasa Job fair na ang magkaibigan.

Simpleng mga white shirt, at maong pants ang suot nila.

Ito kase ang required na outfit kapag nag-aapply sila sa mga gano'ng Job fair.

Walang kamake-up-make-up si Devi. Simpleng pulbos lang ang gamit nito.

Natural na kase na maganda siya, kahit hindi na magamit pa no'n.

Naka-pony tail ang buhok na mahaba.

At may mga simpleng earings siya sa teynga.

Nagkahiwalay sila nang pag-aapplyan ng kaibigan.

Siya sa Ayala Corporation nakapag-apply. At ang huli sa San Miguel Corporation.

Nagkasundo nalang sila na magkita pagkatapos nila makapag-apply.

Binigyan siya ng mga forms para fill-upan.

Ipinasa rin niya ang mga dala niyang requirements na available.

And last pina-pila sila for interview agad.

Urgent kase ang mga position na hiring ng Ayala Corp. Kaya naman walang patumpik-tumpik na nagsagawa sila ng Job Fair na iyon.

Ininform sila ng mga staff na kung sino ang mapipili sa kanila'y kailangang mag-report agad bukas sa main office ng Ayala Corp.

Wala naman sa isip ni Devi ang pag-apply, kase alam niyang hindi rin naman siya makaka-pasa for interview.

Ano nga bang alam niya.

Napakahina niyang mag-english, eh ang kanyang mga kasabayan halatang mga genuis. Ayaw na niyang mangunsumi sa pag-iisip pa.

Pero kahit pa'nu naman she hope a little.

After an hour, hindi pa man lang siya nainterview, pa'nu pang one hundred fifty siya.

Eh, ni wala pa yatang thirty applicant ang natatapos.

Isa pa 'yun sa ayaw niya.

Ang haba ng pila.

Nakita ni Devi na tumayo ang isang staff na naka-upo sa table.

Lumapit ito sa hanay nila, informing that they were divided nalang daw, at sa booth number ten na sila iinterviewhin.

Sa madaling salita, one to one hundred naiwan sa booth number six, at sila na one hundred and one to two hundred ang number ay dinala sa booth number ten.

Which is Mr. Alfonso Belleza was the interviewer.

ITUTULOY. . . .

Ano ang maaring mangyari sa first meeting ng ating mga bida?

Paka-abangan ang nag-sisimulang bakbakan. Haha.

KERIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon