"KERIDA"- Chapter 29

3.7K 43 0
                                    

(NEAR END)

"W-Wag C-Carol! Maawa ka!", ani Al sa nangangatal na boses. Napalunok pa sya ng laway, dahil sa tensyong nadarama. Anytime kase pwede nito kalabitin ang gatilyo ng baril. At pag nangyari 'yun kawawa naman ang mag-ina niya. 

"Not now, please, God, help me!!'', dagdag pang usal ni Al sa isip.

"Magdasal kana! Tawagin mo na ang lahat ng mga santo! Pagkat ito na ang katapusan mo!!!", malakas na sigaw ni Carol. Kasabay ng pagkalabit nito sa baril ay umalingawngaw ang putok niyon sa buong kwarto. 

Inipon naman ni Al ang kanyang lakas at itinumba ang bangko kung saan sya nakatali. Kaya imbes na matamaan sya'y nadaplis lang sya sa braso at lumampas ang bala sa kanya. Eksakto na nakuha na nya ang nail cutter sa kanyang likurang bulsa. Mabilisan nyang inilabas ang kutsilyong nakalagay doon, at kinalagan ang sarili.

Palapit naman si Carol sa kanya na ipuputok na ulit sana ang baril ay naagapan nya ito na pigilan. Kahit hirap si Al si sitwasyon ay hinila niya si Carol, para mapasubsob ito. Napasigaw ang Carol sa pagka-bigla. Subalit naka-bawi din agad ito. Bago pa maagaw ni Al sa kanya ang baril ay hinigpitan na nya ng hawak. Mga yabag naman sa pinto ang narinig ni Al kasabay nang pagbukas nito. Bumungad sa kanila sina Rod. Pati na ang mga tauhan nito. Nalingat si Carol, kaya nagkaroon ng pagkakataon si Al na maagaw ang baril dito. Kasabay ng pagtutok ni Rod sa kanila ng baril, ay naitutok na rin ni Al ang baril kay Carol. Nakahiga sila ng pwesto, pero kung magkaka-gipitan talaga. Papatayin nya si Carol. Hinigpitan pa nya ang hawak sa leeg nito, at idiniin ang dulo ng baril dito.

Napangiwi naman si Carol sa sakit. Wala syang magawa sa lakas ng asawa.

"Sige, iputok mo! Nang mamatay na rin 'tong babaeng 'to. Ramdam ko na mahal mo sya! Kaya suportado ka sa mga kalokohan nito!", sigaw ni Al kay Rod. Ang apat na tauhan ay naka-abang lang.

"Wag, Rod please, gusto ko pang mabuhay!", sabat ni Carol sa mga ito.

Nagtagis naman ang mga bagang ni Rod. Hindi nya akalain na makakawala pa ito. Nagsasaya na sana sya ngayon kasama ang babaeng pinakamamahal nya.

"Ibaba mo, baril mo! Kalagan nyo ang binti ko!'', matigas na utos ni Al sa mga ito.

Natuwa sya sa reaksyon nito kanina nang sinabi nyang alam nya na mahal nito si Carol. Iyon ang magagamit nyang sandata para dito.

Hanggang hawak nya si Carol, hindi sya magagalaw ng mga ito.

"Poldo, ibaba lahat ng baril nyo, at kalagan nyo ang bintin nya!", utos ni Rod sa mga tauhan nya. Medyo kinakabahan siya sa sitwasyon. Ayaw nyang mamatay si Carol. Ngayon pa na mas napatunayan nyang mahal na mahal nga niya ito.

"No!", hiyaw ng utak ni Rod. Dahil sa babae kaya nagsikap syang yumaman. Para maging karapatdapat sya dito. At maibigay nya lahat ng luho nito. Handa syang ibuwis ang buhay alang-alang dito. Kaya kahit naging masama sya'y okey lang, dahil iniisip nya na mas mapapansin sya nito na mayaman at makapangyarihan na.

Sumugal sya sa maraming illegal na gawain. Magnakaw ng bangko. Pumatay ng walang awa. Mag-tulak ng droga, at marami pang iba. Lahat ng 'yun ginawa nya para sa babaeng minahal pero kung mamamatay ito, pa'nu pa sya magpapatuloy.

"Pakawalan nyo ako dito! Hayaan nyo akong maka-alis!", tinig ni Al na nagpa-balik kay Rod sa tunay na sitwasyon, galing sa malalim nyang pag-iisip.

Nakatayo na ang mga ito. Pero mahigpit pa din ang hawak kay Carol na nakatutok ang baril.

Humakbang si Al papunta sa pinto.

"Wag kayong susunod! Tutuluyan ko talaga 'to!", dagdag pa nyang panakot sa mga ito. Tuluyan sya nakalabas. Kasama si Carol na bihag nya. Derecho sa main door na labasan talaga. Tamang-tama na nandoon din ang kanyang kotse sa parking lot nito, kaya mabilis na sumakay sya doon. Pabalandra nyang tinulak si Carol sa likuran. At iginapos ang kamay nito, at paa.

Nagsipag-takbuhan naman sina Rod palabas din. Para sundan ang mga ito. Pero papa-alis na si Al. Dala si Carol. Pinakilos nya ang mga tauhan.

"kunin nyo ang sasakyan. Bilis. Susundan natin sila. Kailangan kong mabawi si Carol, nang may marinig silang sunod-sunod na nagpaputok...

Itutuloy...

Paka-abangan ang pagtatapos! Ayiie!

Love lots! 




KERIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon