"KERIDA"- Chapter 19

4.9K 46 0
                                    

"No! Don't think na iiwan kita, hon?! Kailangan lang talaga ako sa hongkong. Nalulugi na ang branch ng negosyo namin doon, kaya ako ang kailangang pumunta. Mga five to nine months lang naman ako. Lagi kitang tatawagan, ha?! Mag-iingat ka, habang wala ako.", malumanay na wika ni Al kay Devi. Pero kababakasan iyon ng kalungkutan.

"Whaaat? Five to nine months? Napakatagal naman, hon?! P-parang 'di ko kaya ang ganu'n...

Maghapon pa nga lang na hindi kita nakakasama'y para na akong mababaliw, iyon pa kayang buwan! ", ani Devi. Malungkot 'din ito, at nagsisimula nang maiyak.

"Hon! 'wag naman ang ganyan! Para 'din s'tin ang gagawin ko. Kayanin mo, kase kakayanin ko rin. Pagbalik ko, promise magpapakasal tayo!"

"Kelan ang alis mo?!", tanong ni Devi, imbes na sumagot sa sinabi nito.

"Tonight, at ten dapat nasa airport na ako. Huwag mo na ako ihatid, para makapagpahinga ka ng maaga, huh! Tatawagan nalang kita, pagkarating ko sa Hongkong!"

Hindi na umimik si Devi, tuluyan na itong umiyak sa dibdib ni Al. Wala namang pagpilian ang huli. Kailangan niyang panagutan si Carol. At alagaan ito. Kaya 'yun nalang ang nakita niyang paraan para pansamantalang mapagbigyan ang kapritso nito. Pero oras na manganak ito'y hihiwalayan na talaga niya ito. Ayaw nya lang madamay ang kanyang anak, kaya kailangan iwan muna nya si Devi. Pero babalikan nya rin ito kapag pwede na silang magsama ng legal. Mas mabuti nang ilihim na muna nya ang lahat dito. Magpapaliwanag na lang siya kapag okey na ang lahat.

Masakit kay Devi ang gagawing pag-alis ni Al. Kung kailan pa namang mahal na mahal na niya ito. Pero wala siyang magagawa na. Disidido na ito. Gustuhin man niyang 'wag na ito umalis ay 'di pwede. Pagkatapos ng ilang minuto na paalaman. Umalis na rin si Devi, at umuwi. Subalit naglalakad na siya papunta malapit sa kalsada nang may matabig siyang babae. Sosyalera ito, at halatang mayaman. Sa style pa lang ng pananamit nito'y mga signature na. Idagdag pa ang kutis nito na parang labanos. Napakaganda. Parang modelo ang dating.

"Ooouchh!", ani Devi. Medyo nanlalata pa kase siya ng mga sandaling 'yun.

"Nah, why don't you see me, huh?!", wika naman ng babae kay Devi na si Carol. 

"Sorry!", paumanhin na anang naman ni Devi, saka lumakad na din at iniwan ito. 

"huh?! Bartard!", bulong naman ni Carol na naiwan. Nagtalikuran na rin sila nito. Si Devi na pauwi, si Carol na papunta naman sa Condo ng asawa.

"Ang arte, huh! Kasalanan na nga n'ya! Siya kaya ang 'di nakatingin sa dadaanan! Bwisit! Kala mo kung sino!", ani Devi sa sarili. Nag-ngingitngit siya sa maarteng babae na nakabangga. Nagpigil lang siya na 'wag patulan ito, para 'di na humaba pa. Ilang minuto lang ay nakauwi na rin siya sa kwarto na kanyang nire-rentahan.

**

Pagkapasok naman ni Carol sa elevator ay tinawagan niya si Al, para ipaalam na darating na siya para sunduin ito. Pupunta sila ng Bagiuo. Doon sila mamalagi, hanggang sa makapanganak si Carol. May bahay din kase ang mga ito doon, kaya walang problema sa tutuluyan.

"hello, sweety, I'm comming, get ready, huh!

I love you, mwahhh!", ani Carol kay Al sa cellphone.

"Oo na, nakahanda na nga! Sige, wait nalang kita! Bye!", wala namang gana na sagot ni Al dito.

Pero si Carol ay nakangisi. Pagkat nagtagumpay ang kanyang plano.

Sunod na tinawagan niya'y ang doktor na kakutsaba niya sa pagpapalabas na buntis siya, at may malalang sakit.

Kailangan may pag-usapan sila nito. Ang susunod na hakbang.

Itutuloy...

KERIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon