"KERIDA"- Chapter 13

6.1K 48 0
                                    

Dahil sa napagod si Carol ay nakatulugan na nito ang walang saplot. Maging si Al man ay hindi na niya naibalik ang damit nito sa pagkakasuot. Naka-tulog siyang may ngiti sa mga labi, pagkat nagtagumpay ang kanyang plano.

"huh, mmmmhmm! Aaaahh! ang sakit ng—

shit!", naibulalas nalang ni Al pagkakita sa kanyang kahubdan at ng kanyang asawa. Marahas siyang bumangon. Tinabig ang katawan nitong nakayakap sa kanya. Hinanap pa niya ang mga damitat nagmamadaling nilisan ang kwarto. Galit na galit siya sa ginawa ni Carol. Naisahan siya nito.

"Mamaya tayo mag-uusap!!", bulong pa niya, bago pinasibadang kanya kotse. Papasok na siya sa opisina. Hindi na nag-abala pang kumain ng almusal.

Nadatnan na niyang naroon sina Lucy, at Devi. Binati siya ng mga ito.

"good morning, Sir!", magkapanabay na wika.

"Morning!", matipid naman niyang sagot. Nagtuloy na sa opisina. Nakaramdam siya na relief pagkaupo. Doon lang niya naisip ang lahat. Lalong bumaba ang tingin niya kay Carol. Pero naisip din niyang baka na-miss talaga siya nito. 

"Carol is crazy, jez!! Di ko talaga lubos na maisip na gagawin niya 'yun s'kin! Para siyang sex addict! Ano kayang nangyari kagabi? Wala akong maalala!", bulong niya sa sarili, at mga katanungan. Nang isang pagtawag mula sa pinto ang pumukaw sa kanya.

"Sir Al?!"

"yes, Come in!"

Bumukas ang pinto. Nakita niya si Devi ito. Napanganga siya sa suot nitong office suit. Lalong lumitaw ang angking natural na ganda nito. Isama pa ang banayad na pagkakalagay ng make up nito sa mukha. 

"it's so simple, yet it's so charismatic in him!", hiyaw na utak niya.

Dagli siyang inilipad sa ibang dimensyon, at natulala nalang sa papalapit na babae.

"Sir?"

Boses na nagpabalik sa kanya.

"Ahm, huh, take a sit Devi!", kinalma ang sarili, at ibinalik sa huwisyo. Pero palihim pa rin niyang tinititigan ito. 

Natutuwa naman si Devi. Naisip niyang, ngayon ay lalo nang maaakit niya ito. Tatanggalin na niya ang anumang hiya sa sarili. Babaguhin na niya ang kanyang mga pananaw. Naisip kase niyang walang mangyayari kung magma-maria clara siya. Kaya from now on isang seductive and sophisticated looks na ang kanyang aura.

Pagkatapos niyang mai-discuss kay Al ang kanyang sadya ay lumabas na rin siya. Pero isang tingin ng panunukso ang iniwan niya dito.

Hindi naman mapakali si Al. Biglang nabuhay ang kanyang libido sa mga pagtitigan nilang dalawa.

***

Mabilis lumipas ang mga araw. Tuluyan nang lumipat si Al ng tinutuluyan. At iniwasan na niyang talaga si Carol. 

Si Devi ay may inuupahan na ring kwarto malapit sa trabaho. Nang magresign si Lucy ay tuluyang si Devi na ang umako lahat ng trabaho nito. At pagkakataon naman iyon para sa dalawa na laging magkasarilinan. 

"Ahm, Devi, sabay na tayo mag-lunch mamaya, ha? Wait mo ako!", anyaya ni Al kay Devi. Ngayon na niya sisimulan ang plano.

"ha, ah, eh, sir! Kase may nag-aya na s'kin, eh!"

"sino naman?", dismayadong tanung niya sa dalaga.

"si Randy po, 'yung friend ko sa kabilang department!"

"g-ganu'n ba? Hindi ba pwedeng, tayo nalang muna?"

"eh kase sir, bakit—"

Naputol ang anumang sasabihin ni Devi nang may boses nang isang babae na tumawag kay Al.

.

.

.

Itutuloy...

KERIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon