Una

1 0 0
                                    

1 year later 

"Ang epic nga eh, nauna agad yung galit mo bago mo 'ko pasalamatan," Laine pouted. I rubbed her head at gently pat it. 

 "Past is past, tsaka the more you hate, the more you love," I insisted. Nasa canteen kami since vacant naman, remembering random things imbis na mag-review kami para sa paparating na quiz mamaya. 

"Maiba ako, kumusta kayo ni Gian?" I took a big bite on my sandwich while looking at her, I saw her sighed and showed a relief looking  face. Last time kasi ay hindi sila okay, some relationship issues, Laine can't focus on our studies kaya hindi ko na rin muna s'ya tinanong about do'n no'ng mga nakaraan. Pero ngayon dahil parang bumalik na uli ang sigla n'ya, nagtanong na ako.

 "Fine, siguro? Busy s'ya masyado sa work, ako naman sa school," s'ya naman ang kumagat sa sandwich n'ya sabay sumipsip sa juice. "Halos dalawang linggo na rin kaming hindi nagkikita, puro video calls lang." I wiped her lips because of some bread crumbs. 

"Yung tipong ang lapit lang naman ng mga bahay n'yo pero daig n'yo pa ang LDR," i joked, tinabig n'ya ang kamay ko at inirapan ako, inirapan ko naman s'ya para mas asarin s'ya.

I was about to take a sip on my bottled water when someone kissed me on my cheek, as usual. Nakaramdam na naman ako ng hiya, lalo na't kaharap ko pa si Laine. "Hey," bati nito. 

"Sakit n'yo sa mata, sana all," usal ni Laine, umupo si Rick sa tabi n'ya para makaharap ako, nilapag n'ya rin ang tinapay na dala pati bottled water sa lamesa. 

"Inggit pikit," bahagya n'yang siniko si Laine, napairap naman ito at tinuloy ang pagkain. "How's my teacher?" Bahagyang nag-lean si Rick sa akin, parang uminit naman ang pisngi ko dahil ro'n, hindi tuloy ako maka-focus sa pagkain. 

"Okay lang, may quiz kami mamaya, ikaw, kumusta?" Prente n'yang binubuksan ang pagkain na dala, tinulungan ko na s'ya sa pagbukas ng bottled water.

"Boring, daming walang Prof, 'di tuloy ako makapag-aral ng ayos," sarcastic na sabi nito na s'yang kinatawa ko, natawa rin naman s'ya sa sinabi. Sa bagay, fourth year na s'ya, kaonti na lang ang subjects nila, compared noon dahil magkakaroon na rin sila ng OJT.

 "Hello, nandito pa rin ako, landi n'yo d'yan," kinaway-kaway ni Laine ang kamay n'ya sa pagitan namin ni Rick, natawa na lang din kami sa pinakita n'ya. 

Our vacant was over and we're heading now to our class, ganoon din si Rick kahit may vacant time pa naman s'ya, inihatid n'ya pa kami hanggang classroom. 

"Mag-aral ka okay? Kapag 'di ka nakapasa sa quiz, one week wala kang kiss," he smirked, pinalo ko s'ya dahil sa kahalayan n'yang pinagsasasabi, nakakahiya dahil nasa hallway pa kami! Baka may iba pang makarinig!

"Syempre ipapasa ni Sophia 'yan! Hahaha chupi na, mag-rereview pa kami," pantataboy ni Laine sa kanya.I waved on Rick and mouthed 'I love you', ganoon din s'ya at may pahabol pang goodluck, nakakakilig na ewan. Nakakainis. 

"Pero sana all 'no? Kahit almost 4 years na, parang laging bago pa rin," biglang usal ni Laine, nasa desk kami at magkaharap na nagre-review. 

Napangiti ako, "Pansin mo rin pala, akala ko, feeling ko lang," then I remember how Rick and I met, just a random person on a randomly people on an app, dahil sa palitan ng messages, who would have knew na aabot kami rito. 

Laine leaned forward and looked at me seriously, "Pa-share naman ng sikreto, baka sakaling gumana sa amin ni Gian," then she smilled. Napansin ko ang lalong pagliit ng singkit n'yang mga mata, pati ang pag-umbok ng kanyang mga pisngi, ang cute, pero agad rin akong umiwas ng tingin at umiling, "H-Hindi ko rin alam, baka dahil ang ganda ko, ayaw akong pakawalan," I jokingly said pero tinawanan n'ya lang ako.

"Maganda ka naman talaga," and I don't why but my heart skipped a beat. 

Bigla kong naalala kung paano kami naging ganito kalapit sa isa't isa. 

Since the day that she got my diary, the day when I get mad at her, kinabukasan ay hinanap ko agad kung saan ko s'ya naging kaklase, since I'm still not familiar on my classes that time, inisa-isa ko ang mga kaklase ko kahit pasimpleng mga sulyap, hanggang sa nakita ko si Laine uli. We're both irregulars, pero hindi ko naman agad s'ya malapitan dahil na rin sa circle of friends n'ya, ang tanging nagawa ko lang, ay sulyapan s'ya palagi sa tuwing nagkakasama kami sa iisang classroom. 

She had this circle of jolly friends, tuwing wala pa ang Prof ay para silang may mga sariling mundo, masaya, puro kwentuhan, palagi s'yang nakangiti at nakatawa, palagi rin tuloy nawawala yung singkit n'yang mga mata, hindi ko maiwasang hindi matawa kahit nasa malayo dahil ro'n.

Prelims has passed pero hindi ko pa rin s'ya nakakausap, not until naging magka-group kami na dalawahan lang. She awkwardly smiled at me, at ako, parang tuod na hindi alam ang ire-react kaya hindi ko na lang s'ya pinansin, and that was the stupidest move that I ever done. 

"Sabihin mo kung ayaw mo 'kong maka-group, para masabi rin agad kay Ma'am," she insisted. Nag-panic naman agad ako no'ng time na 'yon kaya napatayo ako sa aking kinauupuan dahilan para magtinginan yung mga kaklase namin, pati na rin ang Prof. "Yes, Miss?" Tanong ng Prof. sa akin, pero agad akong umiling at bumalik sa pagkakaupo at hinarap si Laine. 

"S-Sorry," tanging nausal ko, she's just weirdly looking at me, raising one of her eyebrows."Tungkol sa... d-diary," nahihiya kong sambit, pero hindi ko pa rin maialis ang tingin sa kanya, hanggang sa napansin ko ang onti-onting pagbabago ng expression n'ya. 

"Pft..." then she bursted into laugh, and that's the first time that I saw her eyes disappeared in close. "Cute mo, but really that's fine, I'm sorry too, nasungitan din kita," she tapped my shoulder and smiled again, and that's how our friendship started. 

"Edi sana all may kiss, ang daya!" Laine's stomping her feet, parang batang nagtatampo.

 "Madaya ka d'yan, eh mas mataas ka pa nga sa akin," sabi ko, hindi man lang nga ako pinakopya. 

"Eh wala naman akong kiss," nag-make face pa ito na akala mo ay inaapi, ang kulit. 

I don't know what am I thinking pero nasabi ko na lang na, "Edi ako ki-kiss sa'yo," halos malunok ko ang laway nang sinabi ko 'yon. Napatigil s'ya sa paglalakad at onti-onting humarap sa akin. 

Oh shit, I don't want her to be mad. Pero may friends namang nagki-kiss, 'di ba? Like, girls to girls, cheeks to cheeks? Ugh! I'm over thinking!!

"Then here, kiss!" agad ay inilahad n'ya ang pisngi sa akin, tinuro-turo n'ya pa ito gamit ang daliri. I gulped. Well, I do have girlfriends before, but I didn't know if this is alright, so I'm not really sure if this is okay, pero hindi rin kalaunan ay naramdaman ko na lang ang mga labi ko na dumampi sa malambot at bilugan n'yang pisngi. 

Parang bumagal ang oras, pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nasa hallway, pero alam kong mabilis lang naman ang ginawa kong paghalik. It's just a smack! 

"Hoy! Bawal 'yan!" Nagitla ako nang may humila sa akin at agad kong naramdaman ang mga braso n'ya na parang pumulupot paikot sa balikat ko. 

"What?! 'Di ko naman aagawin si Sophia sa'yo!" Laine laugh and her laughter brings me back to reality, doon ko napagtanto na si Rick pala ang humila sa akin, I nervously smiled. 

"O-Oh, anong ginagawa mo rito?" I asked, sa pagkakaalam ko ay may klase na s'ya ng ganitong oras.

 "Nag-cr lang," umayos s'ya nang tayo at hinarap ako. "Pasado ba? Or wala kang kiss for one week?" Pang-aasa nito. Nakaramdam naman ako nang biglang malakas na pagtibok ng puso ko nang banggitin n'ya ang salitang 'kiss', agad tuloy akong napaiwas ng tingin. 

"Pasado s'ya! Tapos pasado rin ako, kaya kiniss n'ya ako! Ano, s'ya lang may karapatang makatanggap ng kiss?!" sagot ni Laine, buti na lang.

 "Okay then, congrats sa teacher ko," Rick pinched my cheek then kissed it. "Chat na lang ako mamayang pag-uwi, okay?" I just nodded. And just like that, para akong tuod na hindi alam ang gagawin hanggang sa pag-uwi ko. 

Why am I feeling this?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UndecidedWhere stories live. Discover now