Simula

3 0 0
                                    


Parang mabilis na mainit na hangin ang naramdaman ko nang halikan ako ni Rick sa pisngi. I felt shy, even though he's my boyfriend since 3 years ago.

"Hey, kumusta ang first day?" he asked, smiling at me. Hinila n'ya ang upuan sa harap ko at prenteng umupo ro'n.

"Not so good," hindi makatingin sa kanyang sabi ko. I played with my fingers under the table out of... embarrassment. I guess.

"Why?" he sound worried. "May problema ba sa class n'yo? sa Prof. n'yo?" inabot n'ya ang kamay ko sa ilalim ng table, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo n'ya dahilan para kumunot din ang makakapal n'yang mga kilay. He's so cute, napangiti tuloy ako at hinawakan s'ya pabalik.

"It's just that, nakakapanibago, wala pa akong kakilala," I smiled, para mabawasan ang pag-aalala n'ya. "And besides, first day ko pa lang naman," dagdag ko pa.

It's my first day at my new school, kung saan din nag-aaral si Rick. I'm incoming Second Year while he's in third year, and both an Educ. student, pero irregular student ako dahil sa ilang problems sa buhay ko, and the reason why I transfer is because Rick wanted to. Para din daw matulungan n'ya ako sa mga subjects na nahihirapan ako, and I'm so lucky to have him. 

Sa totoo lang ay one week na mula nang nagsimula ang first sem, pero dahil may ilang requirements pa akong dapat asikasuhin ay medyo na-late ako, pero ayos lang naman daw since kaka-start palang ng pasukan, wala pang masyadong ganap.

"See you tommorow, sorry hindi kita maihahatid," inabot n'ya ang kamay ko then he kissed me on my forehead which made me shy again.

"Yes, Sir." I said. "Okay lang naman," kahit nahihiya ay hinalikan ko s'ya pabalik, on his cheek. I saw how he blushed kaya natawa ako nang bahagya. 

I waved. "Chat kita pag-uwi ko," huling sabi ko bago tuluyang umalis, hindi na inantay pa ang sasabihin n'ya dahil na rin sa hiya. Hindi kasi kami sabay makakauwi dahil may ibang subject pa s'yang papasukan, unlike me na iregg, medyo naiiba ang schedule ko.

Actually, tahimik lang ako sa buong maghapon, lalo na kanina sa ilang subjects na pinasukan ko dahil ang ilang units ay lower years ang kasama ko, parang nakakahiyang makisama.

May mga subject din naman na ka-year level ko ang mga nakasama ko, pero since transfer-re ako at second year na rin, parang nakakahiya na kung makikisali pa ako sa circle ng iba. 

Ugh, ewan ko na. 

"Miss," bahagya akong napatalon nang may kumulbit sa likuran ko, agad kong hinarap ito. "You're Sophia, right?"

Napasadahan ko agad s'ya ng tingin, mula sa mga singkit n'yang mga mata, mahaba at straight na buhok na halos lagpas bewang, at ang cute n'yang hairclip na puro pearls ang design. Parang nakita ko s'ya sa mga klaseng pinasukan ko, pero hindi ko lang sigurado kung saang class at year level. May kaliitan s'ya at lalong ang cute n'ya dahil sa height n'ya. Medyo naka-tingal tuloy s'ya sa akin, halos hanggang balikat ko lang s'ya.

Sunod kong nakita ay ang hawak n'ya, at doon ay agad na nanlamig ang mga kamay ko pero hindi 'yon hadlang para mahablot sa kanya ang hawak, ang Diary ko!

"Saan mo 'to nakita?!" I panicked, dali-dali kong nilagay sa bag ang Diary ko. Shit, baka nabasa n'ya!

"Sa class natin kanina sa third floor, pero hindi ko naman 'yan binuksan, swear!" Lumapit s'ya sa akin, pero napahakbang ako palayo sa kanya, then her expression changed. "Yeah binuksan ko, pero para lang malaman kung kanino 'yan!"  From the cute girl, to a mad one. 

Napasinghap s'ya sa pag-atras na ginawa ko at napairap sabay pag-krus ng mga braso n'ya. "Wow. After I respected your privacy? Kahit thank you, wala?" she scoffed again. "Bahala ka nga!" she stomped.

"Wait!" sigaw ko pero 'di man lang s'ya tumigil. "I'm sorry!" sigaw ko uli, pero patuloy lang s'yang naglakad. I don't know what to do. I just stare at her back, until she disappeared. 

"I'm sorry," I whispered, disappointed. 

UndecidedWhere stories live. Discover now