40. The Second Strike

61.1K 2.4K 471
                                    

I saw him there -standing, his lips partly pouting, fists clutching tightly. and eyes glaring. Parang galit na galit nang makita kaming magkaakbay ni Alvis.

"Laurent, Alvis passed out. Tulungan mo ako!" patay malisyang sabi ko sa kanya habang nahihirapang kargahin ang walang malay na si Alvis.

Then on a quick strand of time, his rankled expression changed. Biglang nanlaki ang mga mata nito na parang natauhan sa hindi agad pagsaklolo saamin ni Alvis. "What the hell happened to Alvis?

"He tried to bring me ruru. Hindi pa dapat siya lumabas ng healing house. Napagod yata."

Mabilis namang nakalapit ito saamin. Naamoy ko pa ang alak sa hininga nito bago ako salitan sa pag-alalay kay Alvis. Nagulat na lang ako nang hawakan niya sa kanang balikat si Alvis at biglang isang boltahe ng kuryente ang nabuo sa bahaging 'yon ng kanyang katawan. Malakas ang pagkakakuryente ni Laurent na halos mapaatras ito.

"W-what's wrong?" taka kong tanong habang nakatingin sa napaso niyang kamay.

Umiling-iling ang lalaki. Lumapit uli ito para alalayan si Alvis. Kinuha nito ang kaliwang braso ng lalaki pero mas matindi ang nangyari nang umakbay ito kay Alvis. Mas malaking boltahe ng kidlat ang nabuo. Napasigaw si Laurent habang nakukuryente at pagkatapos no'n ay tumilapon ito ilang metro mula sa kinaroroonan namin ni Alvis. Anong nangyayari? Bakit parang awtomatikong dumedepensa ang katawan ni Alvis tuwing hahawakan siya ni Laurent?

"Laurent! Are you alright?"nag-aalala kong tanong habang hirap na hirap sa pagbuhat sa nakaakbay na si Alvis.

Humihingal pa ito nang sumagot. Halatang napuruhan ang kanang braso nito. "I'm fine. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang may mali."

Para ngang may mali. Parang may pagbabago sa anyo ni Alvis na kanina ko pa nahahalata. Hindi kaya, ito ang tenth gift of Gemini? Pero bakit hindi ako tinatablan? Bakit si Laurent lang?

Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip nang bigla kong narinig ang ang paparating na sina Amber at Silex. Agad na kinuha ni Amber si ruru at pinainom ng healing potion si Laurent. Silex was strong enough to take charge. Tinulungan niya akong dalhin si Alvis sa healing house samantalang nagpaiwan naman sina Amber at Laurent. Nag-aalala ako sa huli. Malala ang natamo nitong sugat mula kay Alvis.

Nakabantay ako kay Alvis nang biglang dumating ang attending healer ni Alvis, si Geahdine, isang wind keeper na may maamong mukha.

"Miss Lara, Alvis is fine. Napagod lang siya at kailangan niya ng pahinga. " Masuyo nitong sabi.

"M-may paliwanag na ba kung bakit automatikong may lumalabas na lighting sa katawan niya kahit wala siyang malay?"

Umiling-iling si Gheadine. I can see the sincerity in her face kaya hindi ko na ito inusisa pa.

"I think, kailangan mo na ring magpahinga Miss Lara. I heard you were having the hand-to-hand combat training."

"Yes." Nginitian ko ito bago nagpatuloy. "Quite tiring."

"I know. Kailangan mo ng rest Miss Lara kundi baka ikaw ang sumunod na pasyente namin dito." She smiled sheepishly.

"Okay Miss Ghea. I should go for now." Gumiya na ako patayo. nakailang hakbang na ako palabas ng pintuan nang pigilan ako ng healer.

"Miss Lara, wait I almost forgot." Narinig kong sabi nito. Nang lingunin ko ay may hawak na itong isang itim na tarheta na may royal seal. "Royal magic seal. Only the rightful recipient can open." She cheerfully added.

Tama siya. May royal seal nga ang card na 'yon kaya hindi ito basta-basta tarheta lamang.

Agad akong nagpasalamat kay Ghea at nagpatuloy na pabalik sa house of draco. Anong nilalaman ng tarhetang ito? Ano na naman ang binabalak ng mga reiol na Holoma? Napaisip ako.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon