"Namimiss ko narin si Papa,.."

"Mukhang excited ka ng umuwi ah?" singit ni Gino. He is using a cold tone of voice. At parang hindi na ito maganang kumain. Pero hindi yun napansin ni Mikay

"Oo naman, para malayo sayo..." natatawang sagot ni Mikay.

Napatingin si Aling Belen kay Gino, matagal na nyang napapansin na may ibang kilos si Gino kapag andyan si Mikay. Nagiging over protective ito sa kabila ng sobrang pang aasar nya rito. Minsan naman kapag wala si Mikay lagi nya itong inaalala, at hindi nya pa nakita ang anak na ganun kasaya matapos mamatay ang totoong nanay nito. At bumabakas sa mukha ni Gino ang lungkot kapag napaguusapan ang pagalis ni Mikay.

"Sige Nay, mauna na ako..." paalam ni Gino

"Tapos ka na? Di mo naubos yung pagkain mo ah..." pagtataka ni Mikay

"Nabusog na ako agad, at di na sya kasing sarap ng pagkagawa mo noong nakaraan,."

"Salamat Gino sa pag appreciate ng effort ko ha... Nakakaiiyak..." sagot ni Mikay with sarcasm.

Hindi na sya pinansin ni Gino, umalis nalang ito bitbit ang bag.

"Alam mo Nay, ang laki ng problema ngyang si Gino... Hay.." ngumiti nalang si Aling Belen.

Simula ng mapansin nya ang anak na parang nahuhulog ang loob ka Mikay, inobserbahan nya si Mikay. Pero hindi masiguro na may gusto rin ito. Pero minsan nakikita nya na nakatitig si Mikay kay Gino.

"Nay, are you ok? Bakit natulala ka na?" napabalik sa huwesto si Aling Belen.

"Wala, naisip ko lang na pag bumalik ka na sa inyo, ma-mimiss ka namin."

"Si Nanay naman, may two months pa po tayo... at babalik-balik ako dito."

*****

Mabilis na lumipas ang oras. Dahil walang trabaho si Mikay, nagbonding sila ni Aling Belen. Tinuruan sya nito magluto ng adobo, yung favorite ni Gino.

"Ito na Mikay tumatawag na ang Papa mo.." sabi ni Aling Belen bago inabot kay Mikay ang cellphone.

"Nay wait lang, I'll just answer this phone call...." tumango naman si Aling Belen bilang pagpayag.

"Princess, how are you na?"

"Pa, Im good, actually Im great." natatawang sagot ni Mikay. Pero walang sarcasm di tulad ng dati

"That's good then,. Im glad na you're ok. By the way, magpapadala ako ng pera for you to buy new phone."

"Pa I don't think it's necessary, it's been a month na wala akong phone, okay lang naman, pag uwi ko nalang dyan"

"Mikay, magiging useful ang phone. Para naman I can call you kahit wala si Aling Belen,"

"You can call Gino naman eh, madalas kami magkasama...."

"Really? Close na pala kayo?"

"Yes Pa, we're like best frienemies" natatawang sagot ni Mikay.

"Bestfrienemies?"

"Yes pa, we're like bestfriend, he's always there for me, and at the same time he's my enemy, lagi akong pinapagalitan kapag I failed on washing dishes,."

Natawa ang Papa nya sa kabilang linya "Atleast you can do the dishes na..."

"You know Pa, you have to meet him. He's kinda grumpy pero mabait.."

"You want me to meet him? Is there something I have to know?"

"Dad naman eh, wala. Its just that, Im pretty sure na you'll like him."

"You want me to like him?] nage-gets nya ang point ng Papa nya. Pero hindi yun ang point. Pero hindi nya alam bakit nasabi nya.

"Of course, he's my friend.." natatawang sagot ni Mikay.

"Anyway Mikaella, bumalik na si Miguel, he's looking for you" hindi sya nakaimik sa sinabi ng Papa nya. Jose Vincente Alvarez, her ex-boyfriend is back.

"Hello, anak are you still there?" tanong ng Papa nya.

"Ahm, yes Pa... I'm here, baka di rin magtatagal dito si Miguel. Kaya sabihin mo nalang Pa na I'm on a vacation."

"I guess he'll be staying here for good, magiging vice President ko si Henry Alvarez"


-----------

The copyright of this book isn't mine anymore. This book has been Published under Life Is Beautiful

You can follow me on the following:

Twitter: @agentofsmile

Facebook: NJ Em

Facebook Page: Agentofsmile

Instagram: @agentofsmile

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu