After 30 mins, narating na nila ang flower shop. Nagmamadaling pumasok si Mikay dahil 15minutes late na sya.

"Hindi ka na nga pumasok kahapon, late ka pa dumating.. Ilang araw ka palang nagtatrabaho ah.." masungit talaga si Aling Rosa. Kahit noong first day nya talagang puro sermon ang inabot nya.

"Kas---" magiexplain sana sya when she cuts her off. "Tama na ang dahilan, magsimula ka na magtrabaho..." bago ito lumabas ng shop.

"kainis naman... Sermon sa bahay, sermon sa trabaho... Im a mess..." reklamos ni Mikay ng makaupo sa counter ng shop.

*****

After almost one (1) hour ay bumalik na si Aling Rosa. Ang ganda ng ngiti nito kay Mikay, pinagtakhan naman nya bakit ganito ang kilos nito. Napalingon pa sya dahil baka may iba itong nginingitian, pero pader ang nasa likod nya eh. Lumapit ito sa kanya,

"Naku Mikay, hindi mo naman sinabi na inalagaan mo pala si Gino kagabi kaya ka napuyat at nalate pumasok..."

Nagulat sya sa sinabi nito "Po?"

Naku wag ka na magdeny, kinausap ako sa labas ni Gino kanina, nagkasakit pala sya at inalangaan mo sya, naku baka nahawa noong nagkasakit ka rin."

Hindi nya alam ang isasagot nya, kahit anong rewind ang gawin nya sa isip nya, wala syang maalala na inlagaan nya si Gino. Nagaway pa nga sila kagabi.

"Naku Iha, pasensya ka na at napagalitan kita, mainit lang talaga ulo ko kanina,. At sabi ni Gino wag na daw kitang pagalitan dahil wala ka naman daw ginawang masama..."

Nga-nga si Mikay sa mga narinig. So ibig sabihin ba noon ay nagsinungaling si Gino? Para hindi na sya sermonan ni Aling Marian? Bakit nya naman gagawin yun.

Mabilis na lumipas ang oras. Naging magaan ang trabaho ni Mikay dahil narin sa hindi sya pinapagalitan ni Aling Rosa. Maraming bumibili ng bulaklak sa kanya, kaya kabisado na nya halos ang pagaayos ng bulaklak, and she's enjoying it.

"Mikay, mag-tanghalian ka na..." narinig nyang sabi ni Aling Rosa.

Lumabas sya ng shop para maglakad pumunta sa Jollibee. Ayaw nya kasing kumain sa karinderia. "Aray!!"

"Miss Im sorry..." sabi ng isang gwapong lalaki. Nakasuot ito ng isang uniform ng kilalang school for boys ang St. Andrews High.

Naghahabulan kasi ito sa kalye kasama ng mga kaklase nya. Kaya hindi na sya sumagot dahil matapos magsorry ay tumakbo na ito agad.

Makalipas ang ilang minuto pa ay nakapagorder na sya. Maghahanap na sya ng mauupuan ng mapansin na walang ng bakante. Napalingon sya sa ingay ng mga nagtatawanan, nakita nya na masayang nagkikwentuhan ang mga lalaking nakabunggo sa kanya. At dahil doon napansin nya na sa katabing table nito ay may bakante pa.

Naglakad sya para puntahan ito, pero ng makarating dito ay bigla namang may dalawang babaeng nauna sa kanya. Gusto pa sana nyang awayin kayalng gutom na talaga sya.

"Miss you can join us here..."

Napalingon sya sa nagsalita, ito yung nakabunggo sa kanya. Napatingin sya sa dalawa pang kasama nito, "at bakit naman ako tatabi sa inyo?"

"kasi there's no available seats, unless you want to eat ng nakatayo..." sagot ng nakabunggo nya. Halatang mayaman ito, sa pananalita palang. Pero sabagay, St. Andrews is for rich kid naman talaga.

"Don't worry miss... Harmless kami,." sabi nung isa pang kaibigan.

Wala na syang choice kundi maki upo. Pero ng kakain na sya parang gusto nyang umalis, parang ang awkward kasi makisabay sa kanila kumain, lalo na yung katabi nya nakatitig sa kanya.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now