Chapter 36 - Lost Necklace

Start from the beginning
                                    

Pero not gonna lie, ang sarap nilang tingnan kapag ganyan sila ka-close.

Pinag agawan pa nila 'yung kanan ko dahil parehas sana silang uupo pero umupo nalang si Flo sa harapan ko.

Wow dumidistansya?

"Oo nga pala Regina, nag start na raw silang gawin 'yung project dun. Buong araw kaming namili nila Noah kahapon." Ahhh baka ayun 'yung pinuntahan nya.

"Okay that's good. We're going to the site later after we finish breakfast." Seryosong sagot ni Regina habang nagc-cellphone nanaman sya.

I tried to take a quick glance sa phone nya kung ano ba 'yung kina b-busyhan nya pero parang tinatago nya sa'kin.

Mababa rin 'yung brightness eh.

After namin mag coffee nauna na ako umakyat sakanilang dalawa para maligo then nag prepare na rin ako.

Sinuot ko 'yung EMT red shirt ko tapos naka pants ako while si Regina naka Vanguardia Oil tshirt sya na kulay white at naka pants rin na kulay white.

Puting-puti sya ngayon ah.

Si Flo naman naka black tshirt tapos naka pants na white.

Puro kami tshirt ngayon kasi sa site kami pupunta.

"Why are you wearing that?" Tanong ni Regina sa'kin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "Pupunta kasi ako mamaya sa EMT after natin sa site. Napag-usapan na natin 'to right?" Tunango sya tapos si Flo naman niyakap ako na parang antagal naming hindi nagkita.

"You look gorgeous!" Napangiti ako at nagpasalamat ako sakanya. "Enough with that. Let's go." Mataray na saad ni Regina pagkatapos nyang tumalikod samin ni Flo.

"Selos lang 'yan." Bulong ni Flo sa'kin.

Alam nya ba na meron pa rin kaming something?

Anyways, nauna syang pumasok ng kotse pero parehas kaming sa likod ngayon. "Narda?" Tawag sa'kin ni Regina habang nakataas ang isa nyang kilay at nakatingin sya sa salamin.

Ah oo nga pala.

Lumipat ako sa harapan tapos tsaka sya nagsimulang magmaneho nang makapag suot na ako ng seatbelt.

Pagkarating namin sa may site nakita na nga namin na nagsisimula na sila Noah dun.

Pagbaba namin sinalubong agad kami ni Noah tapos inabutan kami ng protective helmet na white at agad rin naman naming sinuot.

"Wow ambilis nyo mag work ha, i like it." Approve na sabi ni Regina kay Noah. "Regina!"

"Haven't i told you already that i don't want you near me?" Mataray na sabi ni Regina kay Era. Hinawakan nya rin 'yung braso nya para paalisin si Era papalayo saamin pero sinuway sya ni Flo.

"Regina. That's my sister." Pagtatanggol ni Flo kay Era while si Era naman inikutan nya lang ng mata si Flo.

"Oh shut up Florence." Sagot ni Regina.

Oh diba mag-aaway nanaman 'yung dalawa.

Binitawan naman ni Regina si Era since nakita nya sigurong hindi ko gusto 'yung ginagawa nya ngayon.

Kahit naman kasi wala syang gusto kay Era at minsan medyo masama ugali nyan, dapat tine-treat nya pa rin with respect.

Nagmahal lang rin si Era.

"Please Era, just go away." Taboy ni Regina kay Era sabay lakad nya papalayo samin kasunod si Noah.

Tumingin kami parehas ni Flo kay Era with a pity look. "What?!" Galit nyang tanong samin kaya sumunod kami kila Regina ng mabilis at iniwan si Era na nakatayo dun mag-isa.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now