Chapter 22

5.2K 138 37
                                    

ASCOTT













"Oh? Bakit ngayon ka lang?" Salubong sa akin ni Avo na buhat buhat pa ang anak na si Yngrid.

"Traffic e." Sagot ko bago hinalikan ang pisngi ng kikay kong pamangkin na agad humagikgik.

"Sus Palusot! Ang sabihin mo lumiligtas ka sa pagluluto, Mr. Chef!" Sigaw ni Athran na kalalabas lang ng kusina kasunod ang kambal na anak.

"Alam mo pala! Ba't nagtatanong pa kayo?" Sabi ko at agad na naupo sa sofa. Napangiti ako nang magmano sa akin ang kambal niya.

Tumawa ako nang ngumuso ang dalawa nang guluhin ko ang buhok ng mga ito.

"Tito Cott! Wag mo gulo!"

"Lagot ka po kay Daddy!"

Tumawa ako lalo nang hilahin ni Athran palayo sa akin ang kambal niya.

Tss, ang damot!

"Lokong 'to! Ang hirap ayusin ng mga buhok nito tapos ginulo mo lang!" Singhal sa akin ni Athran na nginisihan ko lang.

Sarap asarin ng gago. For sure magsusumbong na kay Maggie yan mamaya.

"Mano po Tito Ascott!" Ngumiti ako kay Priel na nagmano rin sa akin bago tumakbo palapit kay Avo.

I am happy for my siblings. Nahanap na nila ang mga kasiyahan nila. They have their own family now. Mga responsable na ang mga loko, napatino na ni Maggie at Seph.

"Happy Birthday sa triplets first batch!" Tili ni Zafie at Sera nang dumating sila. Silang dalawa ang nagunguna sa lahat ng pinsan namin.

Si Zace at Ziro may pamilya na rin, and soon baka sumunod na si Uno lalo pa't walang tigil niyang pinepeste si Heaven.

Napag-iiwanan na talaga ako. Well, ayos lang din naman. Wala naman akong ibang gustong makasama sa buhay na ito kundi si Coco lang kung hindi siya ang kasama ko mananatili na lang akong ganito, masaya para sa mga taong nasa paligid ko.

I still love her, hindi na mawawala iyon. Wala na akong ibang mamahalin kundi siya lang. Hindi ko na kayang umibig pa ng iba lalo na't inalay ko na sa kanya ang puso at kaluluwa ko.

Ayokong tanggapin ang lahat, umaasa pa rin akong babalik siya sa akin. Yun na lang kasi ang pinaghahawakan ko. Sasaktan ko lang ang sarili ko kapag naniwala akong wala na siya. At isa pa, para na rin akong sumuko kapag ganoon.

"Si Addie ba wala pa?" Tanong ni Zafie havang lumilinga-linga.

Nasa garden kami at inaayos ang mga pagkain. Napagdesisyunan ng pamilya na kami kami na lang, ayoko rin naman kasing magcelebrate kasama ang ibang mga tao na wala namang ambag sa buhay ko.

If I were to choose, mas gugustuhin ko pang hindi na lang magcelebrate pero hindi pwede dahil hindi lang naman akin ang araw na ito. I don't want to be selfish, regalo ko na rin sa dalawang ugok.

"Naku! Kilala niyo naman si Bunso! Dadating yun kapag wala ng gagawin! Lalamon na lang!" Ani Dos kaya natawa ang mga pinsan namin.

Napailing ako. Lagot siya kapag narinig siya ni Bunso.

Nilingon ko si Tatay nang tinapik niya ang balikat ko habang nag-iihaw ako ng liempo.

"Happy Birthday..." Bati niya kaya ngumisi ako.

"Sana may kasamay regalo yang bati mo,Tay." Biro ko na tinawanan niya.

My father still looks handsome and young and even Nanay. Parang gusto ko na ngang maniwala na totoo ang mga bampira dahil sa mga magulang ko na parang hindi tumatanda.

Forever MineWhere stories live. Discover now