Chapter 13

3.6K 106 26
                                    

ASCOTT













"What the fuck? Why did you invited her?" Inis kong pinasadahan ng kamay ang buhok ko habang nakatingin kay Athran na napakamot sa ulo niya.

"She asked me kung invited daw ba siya edi umoo na lang ako dahil alam ko namang naging malapit mo siyang kaibigan nung college. Malay ko bang pinagseselosan pala siya ni Coco."

I let out a harsh sigh. Parang ang sarap upakan ni Athran sa totoo lang!

"Sabihin mo na lang kay Coco na ako ang nag-invite at hindi ikaw." Sabi pa nito na ikinailing ko.

Bwiset na to, ginawan pa ako ng problema.

Iniwanan ko siya duon nang dumating ang girlfriend niya. I don't like his girl, mabait lang kapag may nakaharap. Hindi ko tuloy maintindihan si Athran, sa pagkakaalam ko balak pa niyang pakasalan to.

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Nasa labas ang party a? " ani Yaya Hilda nang makita akong naghihintay sa may sala.

"Yaya, I am waiting for my girl. Hindi pa ba sila tapos sa itaas?"

Umiling si Yaya Hilda. "Baka matagalan pa ang mga iyon, ayaw suotin ni Addie yung gown na binili ng Nanay niyo. "

I sighed. "What about Coco?"

Ngumisi siya. "Talian mo na yang brief mo dahil paniguradong malalaglag, ang ganda ganda ng girlfriend mo!"

"Yaya!"

Tumawa siya at tinulak ako. "Dun ka muna sa labas, labasin mo ang mga bisita niyo."

"Kaya na nila Athran yon. Dito muna ako."

"Ascott, your friends were looking for you. Labas ka muna!"

Napairap ako nang sumulpot si Avo.

"The fuck, Avo! Ayoko ngang lumabas ng wala si Coco!" Inis kong sigaw nang pilit akong hinihila ng gago.

Matalim ko siyang tiningnan nang makita ko ang pagbaling ng mga kaibigan ko nang makalabas kami sa may garden kung saan nanduon ang party.

"Oh! Happy Birthday, Pare!"

My college friends immediately went to greet me. Wala akong nagawa kundi ang makisalamuha sa kanila.

"Happy birthday, Ascott!" My feet automatically took a step back when Lauris tried to give me a hug.

Natahimik ang mga kaibigan ko dahil sa nakitang ginawa ko. Napapahiyang ibinaba ni Lauris ang mga naka-angat na kamay at alanganing ngumiti.

I sighed.  Wala akong intensyon na ipahiya siya, it's just that, ayoko ng maulit yung nangyari dati nang magselos si Coco.

Inakbayan ni William si Lauris. "Hey Ascott, don't tell me masama pa rin ang loob mo kay Lauris? C'mon Pare, it's been years. Wala na sila ni Gerald kaya ang mabuti pa kalimutan niyo na yung dati."

"Oo nga Pare. Tama si Will at tsaka malay mo ngayon pala ang time niyong dalawa hindi ba?" Segunda ni Rodney.

I clenched my fist and jaw. Sinaway sila ni Peter na mukhang nakahalata na hindi na ako okay sa ginagawa nilang pagbabalik sa mga nangyari dati.

"Enough with those. " mariin kong saad na nagpatigil sa kanila. "That was a long time ago, matagal na akong nakamove on. At wala akong sama ng loob kay Lauris."

"Then why did you--"

I glanced at William and cut him off.

"Selosa ang girlfriend ko. So please, tama na ang pagbabalik sa matagal ng tapos. Let's all move on from that."

Forever MineWhere stories live. Discover now