Chapter 8

4.2K 112 14
                                    

NICOLETTE













"Kainggit! Ang ganda na ng face and ganda pa ng hair! Tapos ang gwapo pa ng jowabells! Ikaw na Madame, ikaw na ang pinagpala sa lahat!"

"Hehe, thank you." Sabi ko sa Beki na super daldal at nilingon si Ascott na nasa waiting area at nakatingin sa akin.

He smiled at me so I smiled back.

"Hay naku! Simulan na nga natin to Madame, ma-tetegibels na ako sa inggit eh! Baka agawin ko yang jowa mo sige ka!"

"No!" Iling ko. "He's mine! Bawal agawin!"

"Ay bongga! Territorial ka pala Madame!" Sabi nung beki. "Don't worry mukhang hindi naman papaagaw si jowa mo at isa pa wala naman akong laban sa peslak mo no! Echoserang froglet lang ako na naiinggit sa prince charming mo!"

I pouted. He's saying words na hindi ko magets. Anong klaseng salita ba iyon? Alien language?

Ngumuso ako sa kanya.

"H'wag mo siyang aagawin ha?" Sabi ko dun sa beki.

I'm a bit scared na baka agawin nga niya si Ascott, kawawa naman ako...I don't want to lose him.

He chuckled. "Oo naman, Madame. Don't worry kahit sino naman yatang lumapit sa jowa mo hindi niya mapapansin kasi puro sayo nakatingin e! Inlove na inlove lang ang peg!"

Inlove?

I smile at that. Ang sarap kasing pakinggan.

Mula sa salamin ay napatingin ako sa dalawang babae na pumasok. They were talking about school and I can't help but to feel envious.

"I want a new hairstyle, alam mo na para mapansin naman ako ni Wayne." Kinikilig ng sabi nung isa.

"Baliw to. Papasok ka lang yata para lumandi e."

"Siyempre, hindi naman pwede na puro aral no! Kasama na sa college life yun! Para dagdag inspiration na rin!" Sabi ulit nung isa tapos nagtawan sila.

Nakakainggit, parang ang saya saya nila habang pinag-uusapan ang tungkol sa pagpasok nila.

Ako kaya? Kailan ko kaya mararanasang pumasok sa tunay na school? Kailan kaya ako magkakaroon ng friends na tulad nila?

I sighed.

Baka hindi na. Baka hindi ko na nga matapos ang pag-aaral ko dahil sa pagtakas ko sa Villa e.

"Are you okay?"

Napatingin ako kay Ascott na hinapit ang baywang ko pagkalabas namin ng salon. I smiled a little and nodded.

His forehead furrowed while looking at my eyes. He sighed and kissed the side on my head that made my heart beats fast.

"I know you're not. Don't worry, baby. Akong bahala." He whispered and I don't get it.

Siya yata ang hindi okay e. Siya daw ang bahala e wala naman akong sinasabi sa kanya?

Ascott smiled then opened his car's door for me. Bago pa ako makasakay ay may lumapit na babae sa amin. She's pretty and sexy in her tube dress. Her cleavage is showing a bit.

"Ascott! Ikaw nga!"  Tili niya at tumakbo palapit kay Ascott.

I bit my lip and my heart hurts when she immediately went to Ascott then the next thing i saw is their lips pressed to each other.

Bakit sabi niya ako lang? He also promised me na walang ibang babae, kaya bakit ganito? Bakit siya nagpahalik?

Tears ran down on my cheeks while looking at them. I feel like my heart is breaking into tiny pieces.

Forever MineWhere stories live. Discover now