Chapter 21

4.7K 115 32
                                    

SOMEONE'S POV










"Oh ito ang listahan." Ani Manang Pining at iniabot sa akin ang isang papel. "Sigurado ka bang kaya mong mamili mag-isa?" Tanong pa niya na parang naninigurado.

"H'wag kayong mag-alala Manang, kayang kaya ko!" Nakangiti kong sagot dito. "Mas gusto kong mamalengke kaysa naman maiwan dito at magluto, alam niyo namang wala akong talent diyan."

Napatango sa akin si Manang Pining. "Sige na, basta mag-iingat ka. Malalagot tayo sa nobyo mo."

Ngumiti ako ng maliit dahil sa huling sinabi niya.

Agad akong umalis ng bahay at sumakay ng tricycle papuntang bayan. Kinse minutos lang ay nanduon na ako. Agad akong nagbayad kay Manong at bumaba.

Binasa ko ang mga nakalista sa listahan. Bangus ang kailangan kong unahin kaya sa fish section muna ako pupunta.

Ano kayang lulutuin ni Manang? Baka paksiw na bangus, paborito kasi iyon ni Kadence.

Bumili ako ng boneless bangus. Mahihirapan pa kasi akong magtanggal ng tinik kung yung buo pa ang bibilhin ko.

"Arielle! Bilhan mo na ako ng liempo!" Tawag sa akin ni Aling Salome. 

Ngumiti ako at lumapit sa pwesto niya. "Sige po, isang kilong liempo at pabili din po ako ng isang kilong tocino."

"Ikaw yata ang namamalengke ngayon?" Tanong pa niya habang kinikilo ang mga bibilhin ko.

"Busy po si Manang Pining." Sagot ko.

"Kamusta si Doc. Pogi?"

Ngumuso ako nang dumako na naman ang usapan kay Kadence. "Doctor pa rin po."

Tumawa siya sa sagot ko. "Hindi pa ba kayo magpapakasal?"

Nawalan ako ng imik dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin dahil ako mismo hindi sigurado sa sarili ko.

Honestly, I don't feel anything for Kadence. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sitwasyon ko o ano. Basta isa lang ang alam ko, wala akong nararamdamang pagmamahal para sa kanya.

Wala na ako sa pwesto ni Aling Salome pero lumilipad pa rin ang utak ko. Pumasok ako sa isang bakery para bumili ng mamon.

"Salamat!" Ngiti ko sa tindera nang inabot nito sa akin ang binili ko.

Papalabas na sana ako nang may mabangga ako. "Naku! Pasensya ka na Miss... Hindi ko sinasadya.."

Nagkasalubong ang mga mata namin. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Para siyang nakakita ng multo na hindi ko mawari. She looks so shocked eyeing me from head to toe.

"A-Ayos ka lang ba Miss?" Tanong ko.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang mga braso ko. "C-Coco....tang-ina ikaw nga!" Bulalas niya.

Napakurap kurap ako. Coco? Biglang kumirot ang ulo ko dahil sa binanggit niyang pangalan.

"Buhay ka! Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka bumalik sa amin? Ang tagal naming nagluksa, si kuya...paniguradong matutuwa iyon!" Sunod sunod niyang sabi.

My tears fell, hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko. What's happening to me? Why am I crying?

"Halika na...umuwi na tayo. Iuuwi na kita, everyone would be surprise for sure." Sabi pa niya.

Umiling ako. Hindi ko siya maintindihan. Sino ba siya? Anong pinagsasasabi niya?

"I-I'm so sorry, pero hindi kita kilala..." Iling ko at sinubukan siyang lagpasan pero muli niya akong hinarangan.

Forever MineWhere stories live. Discover now