MMB 16

422 40 18
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ


3RD PERSON POV

"Bro! Bro makinig ka naman sa akin," paghabol pa ni Topher sa kaibigang si Jack.

Ngayon ay pauwi na sila at halos buong maghapon siya nitong hindi kinikibo o kinakausap man lang.

"Gago ka kasi Topher, ulol ka talaga! Alam mong bawal mag inom sa bahay at magagalit sina tita tapos pinangakuan mo pa sina Jp," inis na turan nito at mas nilakihan ang hakbang upang makalayo sa kanya.

Syempre hindi niya hahayaang mapalayo ito kaya mabilis siyang humabol.

Dahil sa iritang nararamdaman din ni Jack kaya nagawa pa siyang suntukin nito sa braso. Mabuti at mabilis siyang nakaiwas, pero seryoso talaga ang inis nito kaya hinabol pa siya at hindi tinigilan.

Sa lahat ng nakilala ni Topher, si Jack lang ang tunay na may isang salita. Noong sinabi nito noon sa kanya na pagnag-college sila ay magbabago na ito. Kahit anong mangyari ay pilit nitong tinutupad hanggang ngayon kahit na apat nang taon ang nakalipas.

Hindi naman sa gusto niyang malagay si Jack sa trouble, pero hindi rin naman niya matanggihan ang mga kaibigan lalo na at isang beses lang naman at wala nang susunod pa.

"Ikaw naman, parang welcome celebration lang nila yun sa bahay natin," pagpapalusot pa niya dito.

Sa totoo lamang ay nakapag paalam naman siya sa kanyang mga magulang. Pinayagan naman siya dahil iyon ang hiniling niyang kapalit sa paghahatid niya sa kanyang Lola.

"Ako pa niloko mo, holy water ang ginamit sa pa-blessing ng bahay, hindi alak," irita pa ring saad nito sa kanya. Kunot na kunot rin ang kilay nito na lalong nakapagngiti sa kanya.

Ang medyo mahaba na nitong bangs ay nadadala ng malakas na hangin at tumatakip sa mata nito, kaya naman wala sa sarili niya iyon inabot at nailagay sa likod ng tenga nito. Umiwas lang naman ito ng tingin sa kanya matapos tapikin ang kanyang kamay.

Siguro ay natutuwa lang siya na makita ang nakasimangot nitong ekspresyon kaya sa halip na sabihing may permiso naman siyang anyayahan ang mga kaibigan ay mas pinili niyang wag na lang. 'Cute talaga ng bro kapag nagagalit siya,' isip-isip pa niya at masayang inakbayan ito para kulitin.

"Isang beses lang naman, bro ko, sige na. Alam ko naman na hindi ka magsusumbong kay na Ma at Dad, di ba?" nakangisi pa niyang turan at binigyan ng masayang ngiti ang kababata.

Napabuntong hininga ito senyales ng pagkatalo. Hindi ito nagsalita, ngunit napansin niya ang marahan nitong pagtango.

"Tara na! Mag aayos pa tayo ng bahay bago sila dumating!" nagdidiwang na hiyaw niya at mabilis na hinigit ito patungo sa sakayan ng jeep.

▼△▼△▼△▼△

JACK'S POV

"Mga ka-pre nandito na kami!"

Napatigil ako sa pagwawalis ng aming salas nang marinig ang sigaw mula sa labas ng gate namin. Mukhang nandito na ang mga bwisita ng unggoy kong best friend.

Napalingon ako kay Topher para tawagin siya. "Unggoy, ang bisita mo nandito na."

"Talaga?" masaya pa niyang bulalas at mabilis na tumakbo palabas para pagbuksan sina Jp.

Ako naman ay nagtungo sa kusina para ibalik ang mga panlinis na aking ginamit. Naglabas na rin ako ng pamulutan namin at inilagay iyon sa center table kasama ng iba't ibang brand ng can beer at alcohol.

Siguro ay kapapasok pa lamang nila sa may gate kaya naman sumilip ako sa labas para sana salubungin sila ngunit may nakita akong hindi ko inaasahan kaya naman nang makalapit sa aking kinalalagyan si Topher ay hinigit ko siya para kausapin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

🌈Marry me, Bro? [ONGOING]Where stories live. Discover now