MMB 8

438 60 12
                                    


I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・'♡

3RD PERSON POV

Hindi naman siya takot sa multo, mas kinakabahan pa siya nang maisip niya na baka holpader ito.

Sa maikling sandali ay nawala ang antok na kanyang nararamdaman, napalitan ito nang adrenaline rush na na kapag pagising sa kanyang diwa.

Sumigaw siya mula sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na hawak ang mop.

"Sarado na ho ang shop, bumalik na lang kayo bukas!" aniya para makuha ang atensyon nito.

Hindi naman sumagot ang taong iyon pero naramdaman niyang gumalaw ito. Nang tumayo ito sa pagkakaupo, doon na siya naging alerto. Dalawang kamay na niyang hinawakan ang mop na parang isang baseball bat na handang ihampas sa misteryosong taong ito.

Akala niya handa na siya pero nang mabilis na humarap ito at lumapit sa kanya, huli na nang maigalaw niya ang kamay at ihampas ang hawak na mop. Nakaiwas ito at hinigit ang dulo ng mop kaya nahila siya palapit dito.

Naipikit na lamang niya ang mga mata sa takot na baka may hawak itong balisong at isaksak sa kanya. Bago lumapat ang kanyang katawan dito, hindi namalayan na naibulong na pala niya ang pangalan ng isang taong unang  pumasok sa kanyang isipan.

Ang sumunod na mga pangyayari ang talagang nagpagulat sa kanya. "Nandito ako Jack, bakit mo ako tinatawag?"

Mabilis siyang napatingin sa taong nakayakap sa kanya at saka itinulak ito. Ang Gago ay ngiting-ngiti pa sa kanya.

"Tangna talaga Topher!" galit na sigaw niya dito.

"Shh, sorry na bro," napapakamot pa sa ulo na anito nang makita ang galit sa kanyang mukha.

"Gago talaga! Papatayin mo ata ako sa takot eh!" muling sigaw niya at saka malakas na hinapas ito ng hawak na mop.

Sa halip na seryosohin nito ang sitwasyon, tumawa pa ito ng malakas at
hatalang nagsasaya pa habang umiilag sa kanyang pag atake, at dahil din sa kakulitan nito, nauwi sila sa paghahabulan sa loob ng shop.

CRACKKK!

Napatigil sila parehas nang marinig ang tunog ng natamaang CPU. Gulat na nagkatinginan sila at parehas na napangiwi ng makitang tinamaan ng mop ang taas na parte ng isang CPU.
Halos mahulog din ito sa table na kinalalagyan nito.

"S-Sabi ko sayo bro eh, tama na," nauutal na paninisi pa ni Topher sa kanya.

Sa halip naman na tumigil, lalong nag init ang ulo niya dito. Halos mamula ang kanyang mata at bumuga ng amoy dahil sa galit na nararamdaman.

"TOPHER!!!"

Sigaw nang nagngangalit na si Jack ang narinig sa loob ng computer shop, bago sumunod doon ang tunok ng malakas na suntok at nagmamaka awang boses ni Topher.

"BRO KO!!! SORRY NA!"

▼△▼△▼△▼△

NGAYON ay nakasakay na ulit sila sa jeep para makauwi sa apartment na kanilang tinitirhan.

Habang nakasandal sa upuan, napahaplos na lamang si Topher sa
masakit pa rin at tumikirot na malaki niyang bukol sa ulo.

'Arekup! Masakit pa rin, hindi man lang nagpigil ang Bro ko ah,' isip-isip pa niya habang nakanguso pa.

Hindi naman niya kasalanan na matamaan ang CPU, umiiwas lang siya, si Jack ang tumahalibas ng mop.

Pero wala na siyang magagawa, nangyari na. Kung masira man iyon kailangang tumulong siya para maipagawa iyon.

🌈Marry me, Bro? [ONGOING]Where stories live. Discover now