MMB 9

413 58 7
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・'♡

3RD PERSON POV

"Ang bigat mo Bro!" daing pa ni Topher matapos ibagsak sa kanilang kama si Jack.

Hinilot at inikot-ikot pa niya ang braso para mawala ang sakit at ngalay doon, pero kahit masakit ang kanyang katawan at bukol mula kanina. Makita lang ang mahimbing na mukha ng kanyang espesyal na kaibigan. Alam niyang sulit ang lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan niya kanina.

Speaking of hirap, paano ba naman eh, nang makababa sila ng jeep kanina. Medyo madilim na sa kanilang street at pakindapdap pa ang liwanag ng mga poste.

Nung una, ayos lamang sa kanya sapagkat hindi naman siya takot sa multo, chill lamang ang kanyang paglalakad habang maya't mayang ini-aadjust ang posisyon ni Jack mula sa kanyang likod para di ito mahulog.

Mag aalis dyes na nang gabi kaya naman madalang na ang mga dumaang tao at sasakyan sa maliit nilang kalye.

Habang mabagal na naglalakad, ramdam niya na parang may yabag na sumusunod sa kanila. Ramdam niya ang kaba ng maisip na baka masamang loob ito at nagtatangka na pagnakawan pa sila.

Kaya niyang lumaban, pero ngayon sa sitwasyon nila, siguradong mahihirapan siya. Pinakiramdaman pa niya kung patuloy pa rin itong sumusunod at nakumpirma niyang naroon pa rin ito.

Nang makatapat sila sa isang poste ng ilaw, tanaw na niya ang gate ng kanilang apartment. Kaunti na lamang at makakauwi na sila.

At dahil maliwanag sa ilalim ng poste ng ilaw, doon siya naglakas loob na lumingon at alamin kung sino ang naroon.

Inuulit niya, hindi siya takot sa multo, pero ang nilalang na sana kanyang harapan ay nagdala ng matinding takot at kilabot sa matibay at pasaway na puso ni Topher.

Nanlaki sa takot ang kanyang mga mata habang nakatitig dito, halos di makagalaw ang kanyang katawan sa kanyang kinatatayuan.

"W-Wag kang lalapit," bulong pa niya sa kanyang sarili, nang makita na humakbang ito palapit.

Nang TUMAHOL na ito, doon na siya napasigaw (manly na sigaw) at saka kumaripas ng takbo palayo.

Ang bwisit namang aso ay malakas talaga ang trip at hinabol pa sila, mahigpit pa niyang hinawakan si Jack para di ito mahulog. Mabuti na lamang at malapit na sila sa kanilang bahay.

Dali-dali niyang itinulak pabukas ang gate, hindi na nga niya napansin na bukas ito dahil sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip niya ay makalayo sa isang nilalang na kanyang lubos na kinatatakutan.

Hinihingal at pawisan siya nang makapasok sa loob ng bahay, nang maiupo niya si Jack sa sofa. Napahilata din siya sa tabi nito dahil sa pagod.

Nang makahinga na siya ng maayos, doon lang niya napansin ang mga bagay-bagay.

Bukas ang gate, pinto at ilaw ng bahay, mabilis siyang napaupo dahil sa pagka alarma.

Nang marinig niya ang tunog nang parating na tao, tumayo agad siya at humarang sa harap ng tulog na si Jack para protektahan ito.

"Sino yan? Paano ka nakapasok?" seryosong tanong pa niya dito.

"Bawal pa kaming pumunta dito, Topher?"

Nakahinga maman siya ng maluwag at dahan-dahang umupo muli para di magising si Jack na nasa kanyang tabi.

"Dad, Mom, anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah?" aniya pa sa mga magulang.

"Kanina pa kami nakarating dito, kayo ang late, saan pa ba kayo galing?" tanong pa ng kanyang ina at saka umupo sa tabi ng kanyang ama.

"Oo nga, at mukhang pagod na pagod pa si Jack, saan ba talaga kayo nagpunta?" dagdag pa ng Dad niya.

🌈Marry me, Bro? [ONGOING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang