MMB 7

681 75 11
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ


3RD PERSON POV

MATAPOS ang nakakailang at medyo nakakatawang experience sa pagsakay nila sa Jeep na iyon, sa wakas ay malapit na silang nakarating sa shop. Nang makababa, nakahugot nang malalim na hininga si Jack saka ibinuga iyon.

'Shit, ano nga bang brand ng kape ang ininom ko kaninang umaga? Ang lakas ng epekto, nagka-nerbyus ata ako.' saad pa niya sa isipan, habang nakalagay pa rin ang kamay sa kumakabog niyang dibdib.

Nang lingunin niya si Topher, ganun pa rin naman ito at walang ipinagbago pero bakas pa rin sa mukha nito ang inis na nararamdaman dahil sa nangyari kanina, napangisi na lang siya at saka binagalaan ang paglalakad para makasabay niya ito.

"Ui, bakit naka-simangot ka pa rin dyan?" natatawang turan pa niya dito.

"Sinong hindi maiinis sa ganun? Bastos ang gagong yun."

Pansin niya ang pag igting ng panga nito habang nakayukom nang mahigpit ang mga palad, hindi niya maiwasang di mapailing dahil sa nakikita. Sa totoo lamang, hindi na bago ang reaksyong ganito kay Topher sadya kasing mainitin ang ulo nito.

Napabuntong hininga na lamang siya at saka tinapik ang balikat nito. "Salamat sa ginawa mo kanina kaya wag ka nang magalit."

"Tss, sure ka bang okay ka lang," nakakunot pa rin ang kilay nito, pero bakas na ang malumanay nitong pagsasalita.

"Oo naman, anong tingin mo sakin, babae?" sa halip na sumagot ay tumawa na rin ito sa wakas.

"Gago ka din talaga," aniya dito at pinipigilan ang sarili na mahawa sa pagtawa nito at dahil hindi niya inaasahan iyon kaya naitulak pa niya ito habang natatawa na din.

Dahil sa pagkawala nang nakakailang na aura sa pagitan nila, naging masaya at napuno na lang ng kulitan at asaran ang maikling paglalakad nila patungo sa com-shop.

Nang makarating sila sa shop, naabutan pa nila doon si Denise kaya binati niya ito. "Ui Den, marami bang customer ngayon?"

"Jack! Buti nandito ka na, hindi ko na alam ang gagawin ko," paiyak at gulat na anito sabay takbo palapit sa kanya, dahil sa baba ng height nito, hinaplos niya ang ulo nito para kumalma.

Nang makita niya ang sitwasyon, tunay nga namang doble ang dami ng mga nagco-computer ngayon. Bukod pa roon naiintindihan din niya si Denise sapagkat ito din ang nagbebenta ng mga pagkain sa maliit na tindahan ng mga snacks dito sa loob ng com-shop.

"Hindi ba pumasok si Fred?"

Sinagot naman siya ng isang iling nito saka lumapit kay Topher na nasa may pintuan pa rin, si Fred ay isa ding partimer na tulad niya, naka-duty ito sa umaga 9:00am-3:30pm. Ang duty naman niya dito ay 5:00pm-8:00 pm nang gabi.

Ang trabaho lang ni Denise ay sa tindahan, pero dahil mukhang di pumasok si Fred, pati trabaho dito sa com-shop ay ito na din ang gumawa.

'Ang Fred ba yun talaga, tsk kung saan-saan na naman siguro yun nagpunta, pag nalaman to ni boss, kawawa sya,' isip-isip pa niya sabay dumeretso sa counter para ilapag ang kanyang bag na dala.

Bukod sa ingay dito sa loob dahil sa sigawan habang naglalaro ang mga bata, madumi din at makalat dulot ng mga balat ng pinagkainan ng mga ito.

Napailing na lamang siya dahil sa nakikitang dumi sa paligid, mabilis na nagtungo siya sa likod ng shop at kumuha ng walis at dustpan.

Habang nagwawalis, hindi niya mapigilang mainis dahil, hindi naman sila nagkulang sa paalala na wag magkalat o itapon sa basurahan ang pinagkainan. Matigas din lang talaga ang ulo ng mga bata at taong napasok dito sa kanilang shop.

🌈Marry me, Bro? [ONGOING]Место, где живут истории. Откройте их для себя