Chapter 14

2.5K 57 4
                                    

Sorrel's Point of View

*MONTHS LATER*

NAGISING na naman ako bandang madaling araw dahil sa malakas na iyak ni Seven, naaalimpungatan na bumangon ako atsaka ko siya kinuha sa Daddy niya. Bahagya ko siyang ipinag hele, "Tahan na, Seven ko. Nandito na si Mommy, anak. Wag ka na umiyak . . ." ani ko, pinasadahan ko ng tingin ang Daddy niya na mukhang antok na antok na rin.


Kaagad na tumahan si Seven, "Higa ka na doon, Mister. Ako na bahala sa anak natin, matulog ka na at kailangan mo mag pahinga," ani ko, tumango siya at lumapit sa aming mag ina para yumakap at humalik. Ilang sandali lamang rin ay inihiga ko na si Seven sa bed niya atsaka ako tumabi sa asawa ko.





After kong mahiga ay kaagad konng naramdaman ang pag pulupot ng nga braso niya sa beywang ko na siya kong ikina-ngiti, "Goodnight, Mommy. . . Mahal kita," aniya, "Goodnight, Daddy. Mas mahal kita," sambi ko atsaka ko ipinikit ang mga mata ko.




KINABUKASAN maagang umalis si Agustuss dahil maraming kailangan asikasuhin sa trabaho niya, may paparating kasing bagyo mamayang gabi kaya naman kinailangan niyang asikasuhin ang mga evacuation center gayun rin ang magiging lagay ng mga nakatira malapit sa dagat.




Kaya naman naiwan kaming dalawa ni Seven sa kwarto, "Baby, namimiss mo ba ba ang Daddy?" i talked to him using my small voice, i slightly laughed when he started yawning. "Kagigising mo lang po, anak ko. Sleep na ikaw ulit?" binuhat ko siya at ipinag hele.




Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok doon, ayaw ko ng may kumakatok sa pintuan namin. Hindi sa nag iinarte ako pero it disturbs us really really good. Bumuntong hininga na lamang ako atsaka nag bukas ng pintuan, "Good morning po, Ma'am Sorrel—"



"Bago ka ba dito?" mahinahong tanong ko, tumango siya. "Paumanhin pero hindi maaring pumanhik dito sa taas ang mga baguhan, sino ang nag paakyat sayo rito?" sagot ko, "A-Ah . . ." napakunot ang noo ko dahil wala siyang maisagot. "Guards!" agad namang pumanhik ang ilan sa mga guards ko, "Ma'am? Teka, anong ginagawa mo rito? Hindi ka pwede dito," sambit ng head guard ko.






"Kayo na ang bahala, mamaya pag dating ng Sir niyo bababa ako. . . Pakisabi sa lahat, salamat," matamlay na ani ni, muli akong pumasok sa kwarto. Dahan-dahan kong ibinaba si Seven sa kama atsaka ako kinuha ang cellphone ko at humiga ng muli.



Today 8:03 AM

Daddy, i told u i hate it when someone knows at our door. Did you hire new maids?

Misis pasensya na, wala daw kasi si Kat-Kat kaya iyong bago ang inutusan ko na tanungin ka kung anong gusto mong food.

no, u don't understand.

ayaw ko ng may ibang papanik dito sa itaas, ilang beses ko na sinabi sayo yun ah? Napuno na ako, bahala ka.

Misis, sorry

Hindi na po mauulit, promise!

Misis? Misis?

Sagot ka naman pooooo




"BAD talaga daddy mo, anak. . . Wag ka gagaya doon ha? Pakabait ka, sana kay Mommy ka mag mana. Masunurin and super ganda pa!" I smiled when my little boy smiled to me. Natawa ako ng bahagya, "Super kamukha mo ang Daddy mo talaga, ang daya! You should atleast get something from me ha?" sambit ko.






He smiled again.





"So handsome. . ." dahan dahan akong yumukod atsaka ko hinalikan ang noo niya, "I love you, Anak. Super duper love ka ni Mommy," sambit ko.






KINAHAPUNAN malakas ang hangin, madilim ang langit at may mga malalakas na ulan na. Seven is sleeping while his Dad is with me drinking hot milk and coffee. "Thank god Khalil's house is strong as hell, kung hindi ewan ko na lang. Alas sais pa lang pero sobrang lakas na, bukas pa ng alas singko matatapos ang bagyo, Misis," sambit niya.






"Saan nag stay ang brother niya?" tanong ko, "May bahay sila dito sa Village, dito sila nag stay. Oh, nga pala, Misis. Kamusta kayo ni Seven kanina dito sa bahay?" sagot niya, humihop ako ng gatas ko bago sumagot.





"We're good, i've handle things good naman and Seven is really a good baby. Hindi siya gaanong iyakin, kaya lang laging gusto ng dede at gustong gusto matulog," natawa siya, "Hindi ako makapaniwala, parang kailan lang tayo kinasal . . ." sambit niya.







I smiled, "I remember, ayaw na ayaw ko mag pakasal sayo to the point na gustong gusto ko tumakbo pagka tapak ko sa simbahan," tawa ko, natawa rin siya. "Ang ganda mo talaga," he said randomly na ikinatigil ko. Pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko dahil doon, "Ano ka ba naman . . ." nag iwas ako ng tingin.






"Ang ganda ganda mo, Misis! Nagtataka nga ako kung bakit mo ko minahal," sinamaan ko siya ng tingin, "Don't say something stupid, Mister. Oo na po, maganda na. As if you're not handsome," inirapan ko siya dahilan para matawa siya. "Pero di nga, di pa rin ako makapaniwalang ikaw ang asawa ko at ang nanay ng anak ko," sambit niya.








"Ako rin hindi makapaniwala na may baby tayo, parang kelan lang ayaw na ayaw ko dito. . . ngayon naman ayaw ko ng umalis dito," sambit ko, tinapik niya ang hita niya tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa single sofa atsaka ako patagilid na kumandong sa kaniya.






Kaagad niyang pinalupot ang braso sa bewang ko samantalang ang isa ay sinapo ang pisngi ko, dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa akin atsaka sinakop ang mga labi ko.






Napapikit ako, he's too good. His kisses always makes me feel butterflies on my stomach that i can't explain. It's somehow addicting.






I just think i'm addicted on my husband's lips.



No.



I'm addicted to all of him.






Nang matapos ang halik ay niyakap ko siya pabalik, "Miss kita hindi ko alam bakit," bulong ko, "Ilang oras din kasi akong nawala. . . Miss na miss rin kita," hinalikan niya ang noo ko, ". . . Kung pwedeng dito lang ako sa tabi niyo ni Seven lagi gagawin ko, pero kailangan kong mag silbi para sa tao dahil ako mismo gusto kong simulan  ang pag babago na gusto nating makamit lahat," sambit niya.







"Naiintindihan ko, Mister. Salamat,"





"Salamat?" takang tanong niya.






"Salamat sa serbisyo mo, salamat sa pag hahangad ng magandang kinabukasan para sa mga mamamayan ng Sta. Estrelita," sagot ko.





Nginitian niya ako at akmang hahalikan ng bigla kaming makarinig ng iyak.





"Oops! He's crying. . ."







S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Agustuss Alcantara [COMPLETED]Where stories live. Discover now