Chapter 1

5.8K 101 3
                                    

A/N: Hi! Just finished Sebastian's Story!

Sorrel's Point of View

I WOKE UP on a dark, cold room. O couldn't see anything, but i could smell something. Agustuss! Naiyukom ko ang kamao ko, how dare he! Kinidnap niya ako! Akma akong tatayo ng biglang bumukas ang ilaw dahilan para masilaw ako.

"My wife's awake?" i looked at Agustuss, he's wearing his black robe and he seems like he just came out from the shower. "Bakit ako nandito?" tanong ko sa kaniya, bakas sa tono ko ang pang gigigil pero parang hindi naman halata.


"Mag sasama na tayo, sapat na ang ilang taong pag bibigay ko ng kalayaan sayo. Ngayon, dito ka na sa bahay natin," sambit niya, tinignan ko siya ng masama. "Agustuss, this is a fucking arranged marriage! There's no way that this will work!" hiyaw ko.



"You better sleep, Sorrel—" hindi ko na siya pinatapos, "Gusto ko ng bumalik sa Manila," sagot ko, umiling siya. "No, no. We're staying here, wife. . . Sleep now," pinuntahan niya ako sa kinaroroonan ko atsaka niya ako pinahiga.


Unti-unting tumulo ang mga luha ko, "Agustuss. . ." tipid na ngumiti siya, "Matulog ka na ulit, mas mabuti kung bukas na lang tayo mag uusap . . ." malambing na aniya, pinikit ko ang mga mata ko. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pag dampi ng labi niya sa noo ko.



"Goodnight, Wife. I love you . . ."

KINABUKASAN tinanghali na ako ng gising, naiinis ako dahil kahit pa tinanghali ako ay nandoon pa rin si Agustuss. Wala ba siyang trabaho? The hell, hindi ako makakatakas nito!




"Agustuss, wala akong damit. Gusto ko'ng maligo," sambit ko, tumungo siya. "Sa loob ng kwarto natin, sa may closet may mga bagong damit pa roon. Nakisuyo ako kanina kay Khalil, huwag kang mag alala, babae ang namili ng damit. Sa tingin ko ay magugustuhan mo," sagot niya, "Babae? Sinong babae?" nag kibit balikat siya.




"Girlfriend yata ni Khalil," sagot niya, lumapit siya sa akin atsaka inayos ang buhok ko. "I'm going to enroll you on a University, so, dress well," sambit niya, "Agustuss, ayaw ko nga dito . . ." tumulo na naman ang mga luha ko, ". . . Sinabi ko naman sayo hindi ba? Ayaw ko dito, ibalik mo na ako sa Manila," dagdag ko pa.




"Hindi na tayo babalik sa Manila, Sorrel. . . Ilang taon kitang inintindi, ako naman ang intindihin mo ngayon. Pwede ba?" pinunasan niya ang luha ko, "Pero—" hindi na niya ako pinatapos, "Wala ng pero-pero, maligo ka na. Hihintayin kita dito," sambit niya.






Wala naman akong choice kung hindi sumunod sa kaniya, bumalik ako sa kwarto namin at doon ako naligo.





Nakahinga ako ng malalim ng makita ko ang magagandang damit na nandoon, buti naman at maganda ang taste ng nobya ng kaibigan niya. Hindi ko na poproblemahin ang damit.




Pagkatapos mag bihis ay lumabas ako, "Wala akong skin care, make up, yung lotion ko tapos yung perfumes ko," sambit ko, maybe kapag nag reklamo ako ng nag reklamo he'll get tired and bring me back to Manila.




Pinag krus niya ang braso sa dibdib niya at huminga ng malalim, "We'll buy later, as of now skip it. Use my lotion, nandoon sa kwarto," umiling ako, "No, i can't. I'm using different type of lotion eh, sensitive ang skin ko," sagot ko, totoo naman iyon. Last time na nag try ako ng ibang lotion talagang nagkaroon ako ng maraming rashes.





I didn't tell him though, noong panahon kasi na iyon ay busy niya. Ayaw ko namang magibg abala, atsaka naparaanan naman eh.




"We'll visit a derma later, don't use anything as of now," sambit niya, tumango ako. "Come here, I'll fix your hair," lumapit naman ako sa kaniya atsaka ko iniabot sa kaniya ang hair brush, "Bilhan mo din ako ng bagong hair brush ah? Tapos hair spray, hair oil, hair straightener, hair blower, hair curler tapos . . . ano pa ba?"





"Hmmm, we'll buy all your things later. Anything else?" napaisip ako biglaan, "Gusto ko ng study table, tapos makulay, madaming disenyo. Iyong nakakagana mag aral, pwede ba iyon?" sagot ko, "Magpapatawag ako ng architect bukas," tumango ako, ". . . Ano pa ang gusto mo? Maliban sa bumalik sa Manila," dagdag pa niya.





"Gusto ko ng mapalitan ang kulay ng kwarto natin, ayaw ko ng itim. Gusto ko ng pink tapos white," sambit ko, "Okay, anything else?" sagot niya, "Gusto ko na mag shopping ng designer bags," sagot ko, "We can't do that today, but we can on Friday, isasama kita sa isa kong meeting sa Singapore," sabi niya.




"Sobrang yaman mo ba? Bakit sumasang-ayon ka sa lahat-lahat ng gusto ko? Hindi ba dapat nag rereklamo ka na kasi ang dami kong gusto?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya, "I've been wanting to spoil you, kung alam mo lang . . ."





Napakurap kurap ako atsaka ko siya nilingon, nginitian niya lamang ako at inayos ang hair strands ko na napupunta na sa mukha ko. "Let's go now, wife. Mas mabuti ng maaga, madami pa tayong lakad ngayong araw," sambit niya.





Ibinaba niya ang hair brush sa lamesa atsaka hinawakan ang kamay ko, sabay naman kaming nag lakad patungo sa sasakyan.



"May sarili kang driver?" tanong ko, tumango siya. "Yeah, you want one?" tanong niya, umiling ako. "Ayoko, hindi ako komportable na may kasamang ibang tao," sagot ko, "Ako na ang mag hahatid sayo sa school," sabi niya.




". . . Though, i'll leave few body guards with you,"




AFTER ko mag enroll ay dumiretso kami sa Mall, medyo naiinis ako dahil ang dami talagang guard na nakapaligid sa aming dalawa. "I'm sorry, i know you're not comfortable but this is for our safety," sambit niya, napa tango na lang ako.




Naiintindihan ko naman dahil ganito naman halos lahat ng mga politiko. Pero hindi porke naiintindihan ko ay komportable na ako.




Humigpit ang hawak ko sa kamay niya, "Gusto ko ng shawarma, Agustuss . . ." sambit ko, "Alright, we'll buy one," Dumiretso kami sa Shawarma Stall at agad naman akong nag order,  binilang ko rin ang mga guard na napakapaligid sa amin at binilhan ko rin sila pati si Agustuss.





Habang kumakain ay nag titingin tingin kami sa bawat stall na nasa mall, hinihintay ko lang na matapos akong kumain dahil mabibilis silang kumain.




"Agustuss, gusto ko rin bumili ng mga bagong sabon," sambit ko, "Why? We have tons at home, binili ko iyon noong nasa Abroad ako, you don't like it?" tanong niya, "Eh sayo naman iyon, pang lalaki eh. Gusto kong bumili ng sarili kong stock tapos bumili rin tayo ng mga organizers," sagot ko.





"Alright then," sagot niya.





"Agustuss?"




"Hmm?"



"Bilhin na rin kaya natin 'tong buong mall?"






S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Agustuss Alcantara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon