Chapter 4

2.9K 69 2
                                    

Sorrel's Point of View


NAKAKAINIS!


BAKIT ba ayaw niyang sabihin sa akin kung may problema siya? Hindi ba at ganun dapat ang mag asawa? Dapat nag sheshare ng problems sa isa't isa hindi iyong sinasarili lang!




Nahiga ako sa kama at nag talukbong gamit ang comforter. Natutulog na siya at talagang hindi sinabi sa akin ang problema niya, grabe. Paano niya nagagawang matulog?





Ang dami kong dapat gawin pero hindi ko magawa! Hindi ako makapag focus at tiyak na mag pupuyat lang ako ng walang ginagawa, kailangan ko ng kape. Pero sarado ng tiyak ang mga coffee shop!




Tinanggal ko ang pagkaka talukbong sa akin ng comforter atsaka ako bumuntong hininga. Akmang babangon ako ng pumalupot sa bewang ko ang braso ni Agustuss, niyayakap niya ako.





Mabilis ang kabog ng dibdib ko, parang may nag kakarera!






Walang choice na humiga akong muli. Siguro pipilitin ko na lang ang sarili ko na makatulog.





KINABUKASAN maaga akong nagising pero hindi muna ako bumaba, nag review muna ako at nag gawa ng mga assignments ko. I woke up at 3:30 and now it's currently 5:07 in the morning, sobrang himbing pa rin ng tulog niya.





Marahil ay napagod kaka trabaho.





Bumuntong hininga ako atsaka lumabas ng kwarto, marami ng nag lilinis at ang mga gwardya ay nag kalat. Dumiretso ako sa kusina at doon naabutan ko ang mayordoma na nag hihiwa ng ingredients ng mga lulutuin para sa almusal.






"Ay, good morning, Ma'am Sorrel. Gutom na ho ba kayo? Mag luluto pa lang ho ako," nginitian ko siya atsaka ako umiling. "Ano ho ba ang lulutuin niyo? Tutulungan ko na ho kayo tutal mamaya pa namang tanghali ang pasok ko," tanong ko, "Nako ma'am, kaya ko na ho," umiling ako.





"I want to cook, let me help po, please?"




Napakamot na lamang siya at tumango, "Sige ho, unahin na natin itong ipiprito," tumango ako at excited na tumulong, to be honest, when i was in Manila i'm really training to be a good cook. Mom told me so.





Kailangan raw ay marunong akong mag luto, ang sabi daw kasi ng Mommy ni Agustuss ay mahilig itong kumain.




After mag luto ay pumanhik na ako sa taas, still, tulog pa rin siya. Napailing-iling na lamang ako at nag simulang maligo, siguro ay pagkatapos kong maligo iche-check ko ang schedule niya.





Sana naman ay wala siyang gaanong trabaho ngayong araw, dahil medyo late na magagahol siya sa oras kapag nagkataon.






Sinuot ko ang kulay pink na robe ko atsaka ko ibinalot sa tuwalya ang basang buhok ko, dumiretso ako sa Vanity Mirror ko at doon ako nag simulang mag skin care at make up, pagkatapos ay nag blower lang ako ng buhok ko atsaka ko plinantsa iyon.






Maikli lang naman ang buhok ko, hanggang balikat lang iyon kaya naman hindi ako nahihirapan.





Namili lang ako ng isang kukay puting top na siyang pinartner ko sa high waist skinny jeans ko. Kulay puting rubber shoes din ang sinuot ko.




Pagkatapos ay inayos ko naman ang bag ko na binili ni Agustuss sa akin kahapon, maganda iyon at talagang nagustuhan ko.




Kulay pink at gold iyon at medyo mahaba ang handle, sapat para naisukbit ko dahil shoulder bag iyon. May tatak rin iyon at mukhang pagka mahal.





Kinuha ko mula sa likod ng phone ko ang 2 by 2 picture ko atsaka ko nilagay iyon sa likod ng cellphone ni Agustuss, ayos lang naman siguro sa kaniya.




Baka kasi mawala ko kapag sa akin ko nilagay, atsaka para hindi na rin niya ako ma-miss kapag nasa trabaho siya.




Eme lang.





Kasya rin sa bag ko ang iPad at Laptop ko kaya naman doon ko na rin iyon nilagay. Mabigat lang pero siguro kapag nangangawit na ako ay ipapabuhat ko na lang ang gadgets ko sa security ko.






Ilang araw na pero wala pa rin akong kaibigan sa school, hindi naman ako interesado. Pero may isa akong nakilala. Maganda siya and she's studying Education!






If i'm not mistaken, Primrose Dawn ang name niya.





"You're so early" napalingon ako kay Agustuss na mukhang kababangin lang, nakaupo pa rin ako sa Vanity ko pero bihis na bihis na. Tinignan ko ang relo ko, 9:23 na ng umaga.






"And you're so late," sagot ko.





Napakamot siya sa ulo, "I'm sorry, maliligo na ako. Anong oras ulit ang pasok mo?" napailing ako, "Mamaya pang 10:30 ang class ko, so, you better hurry! Kakain pa tayo ng breakfast, Mister," sagot ko.





"Sorry, misis . . ."





Nanalaki ang mata ko. Ano daw?






Anong misis?!






"MAY ate ako, Captain siya ng Police Station dito sa Sta. Estrelita," nakangiting kwento ni Primrose sa akin, napangiti na lamang rin ako. "I have an Ate too, pero she's in abroad. She has children, and they're so cute!" bida ko.





"Hala, wow! Iyong kuya ko, meron na din siyang mga anak. Ang cute nila! Grabe, ako din gusto ko din magka baby," kulang na lang ay mag heart shape na ang mga mata niya, "Bata pa naman tayo, as of now let's just borrow our sibling's child," she nooded.






"Nga pala, kamusta kayo ni Gov?" tanong niya, "Ayos lang kami, eh ikaw? I know Sebastian, he's my husband's friend," nakita ko ang pag pula ng mga pisngi niya, "Hala, friends lang kami!"




"Nako—" hindi na ako natapos ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon mula sa bag ko atsaka ko sinagot ang tawag.





"Hey, why?" bungad ko, "Can't i call my wife?" iritado ang boses niya, napasimangot ako. "You can, nag tatanong lang naman ako," sagot ko, "I just want you to remember that we're going out of the country tomorrow," sambit niya.






Kinagat ko ang pang ibabang labi ko, "Can you make me an excuse letter?" tanong ko, "Hmm, i will. Ipapabigay ko sa security mo bukas na bukas din," sagot niya, "And the lessons. . ."





"I'll ask the teachers to give you a copy so you could catch up, don't worry . . . Anyways, what are you doing?"





"Nakikipag bidahan ako sa bestfriend ko, nasa ilalim kami ng puno. Sabay kaming nag rereview," sagot ko, "Bestfriend?" tanong niya, "Yeah, Primrose. Captain Astrid's younger sister," sagot ko.






"Ah, Sebastian's. . ."




"Hmm, may sasabihin ka pa ba?" tanong ko, "Wala naman na," sagot niya, "Then, papatayin ko na yung tawag," sagot ko, "Wait . . ."





"Sorrel?"



"Hmm?"



"Study well and . . . i love you,"






S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Agustuss Alcantara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon