Wicked Love 8

96 4 0
                                    

THE next day, Hazel became busy with the Higher Supreme Council. She’s sitting on her swiveling chair as she was reading a paper when someone entered the HSC room.

“What the hell are you doing here, Mr. Lanchester? I thought, you’re busy with your training?” she irritatingly asked. “Pabaya ka pala sa team mo,” dugtong niya.

“I’m here because of Ramses, not you to question me with my training.” malamig na sumbat niya. “Where is Ramses?”

“Itanong mo sa lamesa ko baka sagutin ka niya,” sarkastikong sagot nito at ipinagpatuloy ang binabasa.

 

Mukhang mainit ang ulo ng gago. Ano na naman kaya ang problema nito? Tanong ni Hazel sa kaniyang isipan.

“I’m not fucking playing with you, Ms. Cereneo. Where the hell is he?” malamig na tanong muli nito.

“Secretary lang ako hindi assistant ng kaibigan mo,” marahan na usal niya at nag-iwas ng tingin kay Tyron. “Huwag kasing bibig ang gamitin sa paghahanap, may mata ka naman…” she murmured.

“What did you say?” kunot-noong tanong ni Tyron.

“Sabi ko, mata ang gamitin mo sa paghahanap, hindi bunganga,” she repeated.

Umigting ang panga ni Tyron. Naglalagablab ang galit sa kaniyang mga mata.

“Ms. Cereneo, sagutin mo ako ng maayos!” malamig at medyo tumaas ang kaniyang pananalita.

Ano ba ang trip ng lalaking ‘to? Ang bilis magbago ng mood. Hanapan ba ako ng taong nawawala. Kaasar!

Napatayo si Hazel, humalukipkip. “Bakit kita sasagutin ng maayos, nanliligaw ka ba?” Pilyang tanong ni Hazel.

“Are you fucking crazy?” he hissed. “What the hell?” he cursed.

“Huwag mo akong mamura-mura, Lanchester!” inis na bulyaw ni Hazel. “Kung magmumura ka, doon ka pumunta sa divisoria dahil mura ang mga bilihin roon!” sarkastikong ani Hazel.

 Humakbang siya papalapit kay Hazel, malamig ang titig nito.

“Who the hell are you to talk back?” malamig at malalim ang boses na sambit nito.

She scoffed, sardonically. “I told you, I’m Satan’s grand daughter…” she uttered, mockingly. “And being Satan’s grand daughter… is savage.” She added, nonchalantly.

His jaw tightened.

“Pasalamat ka babae ka…” malamig na usal nito. “…kung hindi baka nakahandusay na sa sahig ang katawan mo.”

Nanghahamon ang tingin ni Hazel. Nakikipag-matigasan.

Wicked Love (COMPLETED)(TO BE PUBLISH UNDER TWINKLE DREAM PRESS)Where stories live. Discover now