Pero sa loob ng bahay ay hindi talaga makakapaniwala ang mga taong makakapasok dito kung makita nila na ang sobrang linis sa loob, may mga bulaklak ang mga mamahaling vase sa bawat kanto ng bahay. Ito yata ang halimbawa ng 'huwag kang maghusga agad dahil hindi pa natin alam ang buong istorya' yung ganun na sipi.

Halos mabali ang leeg ko sa kakatingin, hindi kasi mapakali. Lalo na't may narinig akong mahina pero mabigat na yabag ng tao na papalapit sa akin. Nakatingin ako sa dark painting na nasa itaas ng malaking bintana. Parang mabigat ang loob ng may likha ng sining na yun. Yun ay malaking hugis ng puso, yung literal na puso ng tao pero kulay kayumanggi at maraming ugat, may halong pula at itim at kahel ang painting lalo na't sa pinaka background ng puso. Parang may IV na nakatusok sa puso, mga lima o anim yata yun, hindi ako masyadong sigurado kung tama ba yun pero ang masasabi ko lang ay may malalim na mensahe ang naglikha nun.

"That's Peine, it's the first masterpiece I've ever made."

Bigla akong napatayo sa gulat dahil sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko sa taong nakaharap ko. Napasinghap ako. Isang napakalaking pagkagulat ang naging reaksyon ko kaya napaatras ako dahil nanlalambot ang tuhod ko, pero sa hindi inaasahan, bago pa ako maupo sa sahig ay mabilis niyang nahuli ang bewang ko at kinabig palapit sa kanya.

Sa sobrang lapit naming dalawa, naamoy ko ang napaka pamilyar niyang pabango na pinagyayabang niya sa akin noon na una niyang pinalabas sa publiko at para maibenta. Ang sikat niya kaya maraming bumibili sa brand niya. Kaya naging bilyonaryo dahil galing sa pagsusumikap niya yun.

Nilapit ako ni Phoebian sa sofa, hindi niya ako binitawan hanggang alalaayan niya akong umupo dun. Saka niya ako binitawan. Lumamig ang parte ng katawan ko sa pagkawala ng hawak niya sakin.

Tipid siyang ngumiti bago umupo sa tapat ko. Yung makinis niyang mukha noon ay nagkaroon na ng piklat sa kanyang panga. Hindi yun mahaba, hindi nasasakop ang kanyang panga pero kapag lumapit ang gustong tumingin sa peklat niya ay siguradong mapapansin yun pero kapag sa malayo hindi naman dahil maputi siya at hindi yun pansin.

"Ginulat mo ako."

Unang bigkas ko nang makabawi ako sa gulat. Huminga ako ng malalim at kumunot ang noo, nagmumukha talaga akong tanga sa harap niya. Isa yung malaking katangan na muntik ng matumba at nasalo pa niya ako. Baka ano pa ang isipin niya, may girlfriend na rin siya.

Ngumisi siya. "I'm sorry for that. But you're looking at my painting so seriously like it's bewitching you. Sorry about." Tumikhim siya pagkatapos niyang sabihin yun.

Tumikhim din ako, naging tahimik kami. Pero agad ding dumating yung matandang ginang at may dalang isang basong tubig at isang basong juice, at may sandwiches din siyang sinama.

"Ah, here's the caretaker of my house. Manang Leonor si Maiarie po—"

"Naaalala mo na ako?"

Bigla ko yung nasambit na may pagtataka.

Napatigil si Phoebian saglit pero kalaunan ay tinawanan lang ako. Siya lang yung parang natutuwa.

"Ah Phoebian sa kusina lang ako. Kung may kailangan ay tawagan mo lang ako, magandang gabi ulit sayo Maiarie. Pasensya ka na ha." Hingi ng tawad ni Manang.

Humihingi yata siya ng tawad dahil sa biglang reaksyon ni Phoebian. Seryoso ako pero hindi seryoso si Phoebian. Nakakagat ang ibabang labi niya na nagpipigil ng tawa. Nagtatanong lang ako. Walang nakakatuwa dun dahil wala naman talaga siyang maalala.

"Anong nakakatuwa? Masama bang magtanong ng ganun?"

Sumeryoso agad ang kanyang mukha. Siya na yung Phoebian na nakita noong una kaming nagkita. Tumingin siya sakin ng may pagkalalim. "Of course I remember you now. I'm just so happy because you're so transparent. Maiarie you never left on my mind even though I couldn't remember your name. You were this... puzzle that it's so hard to construct with. And you're here because I wanted to see you."

PhoebianOnde histórias criam vida. Descubra agora