33

4.2K 205 5
                                    

Read up to Epilogue now on my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook group by sending a message to my Facebook account Rej Martinez. Thank you!

Chapter 33

For Better For Worse

Nagsuot ako ng roba at yakap ang sarili habang hinihintay na matapos sa pag-uusap sina Hale at ang kaibigan niyang pulis na si Detective Migo Peralta. Ang nakatatandang kapatid din ni Allan. Their father was now training Allan to lead their company. At hindi rin gusto ng Dad nila ang piniling trabaho ng panganay na si Migo.

"Why are you here this late at night?" Salubong ni Hale sa kaibigan niya.

Habang nakatayo naman akong tumigil doon at hindi na tumuloy sa living room dahil nakanipis na pantulog na lang ako ngayon. Gabi na rin kasi talaga at mukhang napasugod lang dito ang kaibigan ni Hale...

"Hale, I'm sorry. I didn't mean to tell it to my brother or to anyone. But we were drinking and he kept on asking about your wife..."

Natigilan ako.

"What did you do?"

Migo sighed an exasperated sigh. "Nasabi ko iyong tungkol sa pagpapakasal ninyo... But I was just about to explain more and the bastard already assumed everything!"

"Kaya ka pumunta dito nang ganitong oras?" Hale asked his friend in a relaxed manner...

"Well, yeah. I know you'll get mad..."

Hale sighed. "I am really pissed at your brother. What does he know?"

"About you and your wife having a deal before you two got married... But I did not tell him more about the deal! Ang alam lang ni Allan may deal kayo pero hindi na niya alam kung ano iyon."

Hale shook his head. "You're terrible when you're drunk. Iwasan mo 'yan at baka 'yan pa ang magpahamak sa 'yo sa trabaho mo. You're being careless."

Nagbuntong-hininga muli si Migo. "Yeah..."

Tinapik na ni Hale ang balikat ng kaibigan niya. "It's all right. I can deal with your annoying brother. You are being panicky, man. May problema ba? Sa trabaho?"

"Nothing..."

Nakita kong tumango lang si Hale sa kaibigan niya. Nakatalikod naman sa direksyon ko si Migo kaya hindi na niya ako nakita hanggang sa makaalis na siya.

Sinalubong ko si Hale nang makabalik na siya akin. Hinawakan naman niya ako, and he caressed my arms. "That Allan might bother you at work." he said to me.

"Maybe you should stop working at their company. May sarili naman tayong kompanya at pwede kang magtrabaho doon, if that's what you really want—if you really want to work. Although you don't really have to."

"Pero gusto kong magtrabaho, Hale..." At first I told myself that I wanted to be independent that's why I wanted to work. Pero noong nagsimula na akong magtrabaho ay nagustuhan ko rin na may iba pa akong ginagawa bukod sa pagiging ina sa kambal at asawa kay Hale...

Hale sighed and nodded his head.

Nag-angat ako ng tingin sa mga mata niya. "Pero, sige, susubukan ko na rin magpaalam kanila Allan at kay Aria..."

Nakita ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha ni Hale.

Pinag-isipan ko na rin ito. Maayos naman na kami ni Hale. At nakikita kong nahihirapan siya kapag kailangan niyang manatili sa Manila dahil sa trabaho at mag-isa lang siya doon. Naisip kong mas makabubuti nga siguro na lumipat na lang muna ang pamilya namin.

"Really?" He smiled like he's been waiting for this.

I smilingly sighed and then I nodded my head. "Oo..."

Our Married Life Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ