27

3.5K 235 22
                                    

This story was Completed on my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook Group if you find it hard to subscribe on my Patreon page. Just kindly message my Facebook account Rej Martinez to join my Facebook group for 150 PHP monthly membership and have early access to the chapters in my ongoing stories and read my exclusive stories there. Thank you for your support!

Chapter 27

To Fight

Nanginginig pa ako nang makabalik sa condo ni Hale para kunin lang ang gamit ko doon. Nakakaramdam pa ako ng takot sa kaniya sa nalaman ko. Gusto kong umalis at tumakbo mula sa kaniya. Pero nang naisip ko sina Angel at Gelo, I realized that I couldn't leave them to Hale. Kaya naman pagkatapos ko lang makuha ang naiwang importanteng gamit ko sa condo ay umuwi na rin kami at bumalik ni Manong Lucio sa Vigan. Leaving Hale in Manila.

At mukhang hinabol pa niya ako pauwi sa condo pero hindi na niya ako naabutan doon. Nasa daan na kami ni Mang Lucio pauwing Vigan. Tumutunog din ang cell phone ko sa tawag sa akin ni Hale pero hindi ko rin ito sinasagot hanggang sa pinatay ko na lang ang phone ko. Tumawag din siya kay Manong Lucio at wala na akong nagawa nang sagutin nito si Hale dahil boss pa rin naman niya ito. I just heard Manong Lucio telling Hale na pabalik na nga kami ng Vigan.

"Mommy! Where's Daddy?" Sinalubong ako ni Angel pagdating ko sa mansyon nang umaga na.

Medyo mas natagalan pa kami sa biyahe dahil kailangang tumigil ng driver dahil sumama ang pakiramdam ko at nagsusuka pa ako sa daan. I cried while vomiting because I think I can't accept what Hale did to his late wife.

"Uh, pauwi na rin dito ang Daddy n'yo..." I looked at Gelo too who was just quietly standing there.

Base kasi sa narinig ko kanina kay Manong Lucio habang kausap niya si Hale ay mukhang pauwi na nga rin ito dito sa Vigan.

Tiningnan ko pareho sina Angel at Gelo. I felt like crying again while watching them both. Sumasakit ang puso ko para sa mga bata. I looked away because I might not be able to stop myself and my emotions and I'd cry in front of them.

"Are you okay, Mommy?" Angel promptly went to my side and held my arm to support me.

I looked at my daughter and she looked worried for me. I gave her a reassuring smile. "I'm fine, Angel. Thank you. Pagod lang ako sa biyahe at magpapahinga na muna ako sa kwarto..."

She nodded. "Okay, Mommy. Hatid na po kita sa room n'yo ni Dad."

Tumango na lang ako at inalalayan ako ni Angel sa hagdanan hanggang sa master bedroom.

And I fell asleep with the physical and emotional exhaustion. When I woke up, agad akong napabangon nang makita kong nandoon na rin si Hale sa kwarto namin. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.

He looked regretful in front of me. At nakita ko ang sakit sa mga mata niya nang makita niya ang bahagya kong takot pa rin sa kaniya. "It's fine, Liz... I won't hurt you." He painfully said this...

Unti-unti akong kumalma at natahimik lang habang nakaupo sa kama namin. Tahimik ang kwarto namin na may dim din na lights. I looked out the window, at nakitang dumidilim na pala ang langit sa labas. Ang haba rin pala ng tinulog ko at hindi na nakakain...

May nakita akong pagkain na nakahanda na doon sa isang mesa sa kwarto.

"They said that you've been sleeping since you arrived here and that you haven't eaten anything yet..." Hale spoke.

Hindi pa rin ako tumingin sa kaniya. I heard him sighing.

"I'll leave the room now. Please eat the food." aniya at sunod na lumabas na nga ng kwarto namin.

Our Married Life Onde histórias criam vida. Descubra agora