12

3.7K 233 13
                                    

Chapter 12

Husband and Wife

Nang magising ako kinabukasan ay nasa tabi ko pa rin si Hale. Unang bumungad sa akin ang hubad pa rin niyang pang-itaas. Habang nang kinapa ko naman ang sarili ko ay may suot na akong damit. Although it's just a short nighties dress. Binihisan siguro ako kagabi ni Hale pagkatapos ng nangyari...at nakatulog na ako.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa hubad na likod ni Hale dahil nakadapa siyang natutulog sa kama namin.

I had this urge to hug his naked back. Kagat pa rin ang pang ibabang labi, I slowly put a hand on his back. Gumalaw si Hale at mukhang nagising ko. And before I could remove my hand on him nahuli na niya ito at humiga paharap sa akin. He greeted me with his angelic face and handsome smile.

"Good morning." He smilingly greeted me.

"Good morning..." Mahina ko namang bati rin sa kaniya.

Hale quickly and suddenly plant a peck on my lips. My eyes widened while Hale was just smiling at my reaction. Sa huli ay marahan nalang akong nagbuntong-hininga at ngumiti rin sa asawa ko.

Asawa ko.

Mag-asawa na kami ni Hale.

Ganito na siguro palagi ang mangyayari. Magiging normal nalang ang mga halikan sa amin at iba pang bagay. Now that we're already husband and wife.

"Hindi ka pa ba babangon?" I gently asked him in my small gentle voice.

Umiling si Hale. "I think I want to stay longer in bed this time." Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa tiyan ko.

"Hindi ka pa nagugutom?" I asked him again.

"Oh. Are you hungry?"

Tumango ako pero mabilis din binawi ang pagtango at umiling.

Hale chuckled. "You must be hungry. I'm sorry I woke up late." Inabot ni Hale ang cell phone niya sa may bedside table at tiningnan yata ang oras doon.

Pagkatapos ay bumangon na si Hale. Napabangon na rin ako. Bumaling siya sa akin. Umawang pa ang labi ko habang tinitingnan siyang nakatayo na doon sa tabi ng kama namin. Wala siyang T-shirt...pero may shorts naman, boxers. Mabuti nalang. "Should I get you breakfast downstairs?" Hale asked me.

Hindi agad ako nakasagot pero mabilis din akong umiling nang maintindihan ang tanong niya. "Hindi na... Bababa ako para makapag-breakfast..."

Umiling din si Hale. "No, it's all right. I can bring our breakfast here. You must still be tired from last night..." Ngumiti siya sa akin.

While I pursed my lips and I can feel my cheeks warming out of little embarrassment...

Hale chuckled and went back to our bed and sat beside me. Dahil nanatili pa rin akong nakaupo doon sa kama. He held my cheek with his palm. "Don't worry so much. It's okay. Stay here, at dadalhin ko nalang ang breakfast natin dito sa kwarto."

Tumango nalang ako kay Hale at hinayaan siya. Pumasok muna siya sa banyo sandali. Pagkatapos ay mabilisan lang siyang nagsuot ng isang plain na puting T-shirt na medyo may gusot pa at lumabas na ng kwarto namin.

While I sighed when I was left alone in our big master bedroom. Ngayon ko lang din halos napagmasdan ang paligid ng malaking kwarto. Umalis ako sa kama at nag-ikot sa kwarto. Binuksan ko rin ang ilang pintuan doon. We're living in a mansion and it's expected for the master bedroom to be this big. May dalawang magkaibang pintuan para sa walk-in closets namin ni Hale. Tig-isa kami ng closet. At dalawa rin ang malalaking bathroom dito sa loob ng kwarto na kompleto pati bathtub. I checked the closet that I think for me. Nandoon na ang lahat ng mga damit at gamit ko. Siguro ay nilipat nina Manang habang nandoon na kami ni Hale at ng mga bata sa hotel bago ang kasal sa sumunod na araw. And there's also a living room inside our bedroom.

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon