28

3.9K 225 9
                                    

This story was Completed on my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook Group if you find it hard to subscribe on my Patreon page. Just kindly message my Facebook account Rej Martinez to join my Facebook group for 150 PHP monthly membership and have early access to the chapters in my ongoing stories and read my exclusive stories there. Thank you for your support!

Chapter 28

Begging You

Hindi ako nagpaalam sa kaniya na aalis ako at paano naman ako magpapaalam? 'Hale, makikipagkita lang ako sa dating babae mo'. I sighed. "Nagkita lang kami ni Aria." Pagod at parang walang gana ko na lang na sagot sa kaniya. I wanted to confront him, pero pinapangunahan din ako ng pisikal at emosyonal pa rin na pagod.

He sighed, too. "You can tell me next time. I was worried when you won't even answer my calls after Manang told me that you went out..."

Tiningnan ko siya. "Bakit, Hale? Kinukulong mo na ba ako ngayon dito sa bahay?"

His eyes widened a fraction and he immediately shook his head. "No. Of course not. You're free to go out and meet with your friend, Liz."

Tumango ako. "Iyon naman pala." Pagkatapos ay muli ko siyang tinalikuran para makapagpalit na ako ng mas komportableng damit para dito sa bahay. Nilingon ko siya na nanatili pa dito sa loob ng sa walk-in closet ko. "I'm gonna change my clothes, Hale." I said the obvious. Bakit hindi pa siya lumalabas at magbibihis ako.

I heard him sighing instead. Nanatili pa rin siya doon. I sighed loudly and started removing my clothes. Bahala na nga siya d'yan. Tutal ay nakita na rin naman niya ang lahat sa akin.

"I know that you're still angry with me..." he calmly said.

Nakatalikod pa rin ako sa kaniya at sinusubukang magbihis.

"Liz... I already said I'm sorry... And I'm only asking for your forgiveness..." He sighed an almost frustrated sigh. "My only fault to you is that...I didn't tell you sooner about it..."

"About what? About who?" Natigil ako sa pagbibihis at hinarap siya. "About your mistress—"

"I already told you, Liz. Matagal na iyon. I already regretted it. And I won't be doing that same mistake twice. Hinding-hindi ko gagawin sa 'yo." pagsusumamo niya pa sa akin.

"Puro salita, Hale." I said and looked for my clothes to wear. Naka underwear na lang ako ngayon habang naghahanap ng isusuot ko.

"Liz, please..."

Hindi ko nakayanan. Hinarap ko siyang muli kahit hindi pa rin ako nakakapagbihis. "Sabihin mo nga sa akin, Hale. Sino ba talaga si Andreah para sa 'yo?"

His lips parted and wasn't able to talk right away. See? Frustrated akong nagbuntong-hininga. "Ang alam ko ay girlfriend mo naman si Faye bago mo siya nabuntis at nagpakasal nga kayo. And whatever happened at first, kung paano man kayo humantong sa maagang pag-aasawa, it doesn't really matter. The thing here is that you cheated on your wife, Hale. You've been with another woman while you two were married. Faye was your wife. She's the mother of your children!" Hindi ko maiwasan ang pagtataas ng boses.

Nagyuko ng ulo niya si Hale. Kahit papaano ay nakikita ko rin naman sa kaniya na guilty talaga siya sa nangyari kay Faye at nagsisisi na rin siya... Pero hindi ko pa rin maiwasan ang matakot din para sa sarili ko... Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtiwala muli kay Hale.

"I don't know if I could ever trust you again after what I learned, Hale." I said and returned to looking for my clothes.

"Let me...explain everything to you, Liz..." I heard him say.

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon